Chapter 29

10 0 0
                                    

"Bayad po namin" inabot ni Jehlee ang bayad namin, kumakain kami ngayon sa may fishballan.

Maaga kaming umuwi ngayon kasi wala naman na kaming klase, kaya tumambay nalang kami dito sa may fishballan.

"Uy si Yuhan bakit naging lalaki yun" saad ko sabay kain ng isang pirasong fishball.

"Nahulog siya kay hiraya eh" sagot ni Akira dahilan para matigilan ako. Ano? si Hiraya yung nagkagusto sa kanya noon.

"Ay talaga? nililigawan ba niya si Hiraya?" tanong kopa. Tinapon muna ni Jehlee ang baso sa basurahan tska nag salita.

"Oo matagal na since Senior high pero sinabihan siya ni Hiraya na hindi muna siya papasok sa isang relation kapag hindi pa sila nakapag tapos" saad naman ni Jehlee. Napatango nalang ako, ang dami ko talagang na missed na chismiss sa buhay nila.

"Ikaw? bakit hanggang ngayon wala kapang jowa" saad ni Akira sakin. Hindi ako sumagot, palagi ko ni rarason na wala akong plano sa mga ganyan pero ang totoo hinihintay ko lang talagang bumalik si William.

"Wala pa akong plano sa ganyan eh" sagot ko tska kinain ang huling piraso ng fishball ko.

Nag simula na kaming mag lakad para umuwi na.

Nasa bahay kaming apat ngayon nag rereview para sa exam namin next week. Nakafocus lang kaming apat sa ni rereview namin at habang nag rereview kami hindi ko maiwasan mapatingin kay Yuhan.

Ang tahimik niya, para bang may malaking problema siya kaya nilapitan ko si Akira at bumolong.

"Aki anong nangyari kay Yuhan? bakit parang ang lungkot lungkot niya" bulong ko kay Akira. Binaba naman niya ang notes niya at napatingin kay Yuhan.

"Oo nga 'no teka tanongin natin" sabay upo sa tabi ni Jehlee, sumunod lang ako sa kanya.

Napatingin naman si Yuhan samin. "Ano?" nagtatakang tanong niya.

"Hoy Yuhan Hael Santiago mag tapat ka nga, may problema ka 'no?" sabi ni Akira sabay turo kay Yuhan.

"Wala dun na nga kayo mag review nalang kayo wag niyo na akong pansinin" saad niya saka umiwas ng tingin samin. Lumipat ako sa pwesto niya at umupo sa tabi niya.

"Yuhan...kung may problema ka mag kwento ka samin malay mo baka makatulong kami" mahinanong saad ko saka ngumiti ng tipid.

"Bakit kaya niyo bang pag batiin kami ni Hiraya?" saad niya, kaya napatigil ako. Ayun! tungkol naman pala sa babae.

Biglang tumayo si Jehlee dahilan para magulat kami. "Ako kaya ko Yuhan..trust me" saad niya sabay taas pa ng isang kamay niya, para bang super hero siya.

Natawa naman si Yuhan. "Oo kaya mona umupo kana, hindi mo naman kailangan tumayo" tawa pa ni Yuhan, umupo naman si Jehlee.

"So bakit pala kayo nag away ni Hiraya?" tanong ni Akira. Umiwas muna ng tingin si Yuhan bago sumagot.

"Nawala ako sa mood kanina, kaya nagalit ako at sinabihan siya na ititigil kona ang pangliligaw ko sa kanya" kwento niya dahilan para magulat kami. Pero ang Disney princess namin na si Jehlee napaka oa, napahawak pa siya sa bibig niya.

"Bakit mo naman kasi sinabi yun!" iritang wika ni Akira saka napakamot sa ulo niya.

"Nadala ngalang ako sa galit at gusto kong bawiin ang sinabi ko" saad niya saka napayuko.

"Kung kaya ko lang ibalik ang oras, edi sana binawi kona ang sinabi ko" dismayadong wika niya.

Nagkatinginan kami nila Jehlee. Ayan kasi hindi nag iisip.

"Oh siya siya, wag kanang malungkot dyan tutulongan ka namin, wait taga san bayang Hiraya nayan?" saad ko.

"Taga lapaz purok 8" wika niya, hindi ko alam pero bigla nalang may ideyang pumasok sa isip ko. Tama!

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now