Epilogue

24 0 0
                                    

"Tara na Will" tawag sakin ni Matt. Tumayo naman ako at nag simula na kaming bumaba ng building.

Inutusan kasi siya ni Ma'am Lustre na ibigay yung mga papelis kay Sir. Aguilar. Nang makarating kami sa room ni Sir. Aguilar, napatigil ako dahilan para mag taka si Matt.

"Ginagawa mo? halikana" saad ni Matt, pero umiling ako dahilan para kumonot yung noo niya.

"Yoko par, natatakot ako kay Sir ikaw nalang, manonood nalang ako dun sa court may nag papractice kasi" saad ko, sabay takbo papunta sa court.

Hindi paman ako nakakaupo, tinawag nako ni Ma'am kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Ma'am?" nagtatakang saad ko, pinayuko ako ni Ma'am kaya yumoko ako at may binulong si Ma'am.

"Pwedi kabang mag practice kasama ng section nato? kulang kasi yung boys dito" bulong ni Ma'am, tumango naman ako tska pinapwesto nako ni Ma'am sa likod.

Nang marinig ko ang sigawan ng mga student sa section nato, kaagad akong sumilip at nakita ko ang babaeng may tsokolateng balat, maliit at may magagandang mata. Nang pumwesto siya sa harapan ko, bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

Tinawag kami ni Ma'am at pinalipat sa harap, kaya lumipat naman kami.

"Ready, dance" nang i play ni Ma'am ang music nag dadalawang isip ako kung hahawakan koba ang kamay niya. Hanggang siya mismo ang humawak sa kamay ko at nag simula nang sumayaw.

Panay iwas ako ng tingin sa kanya kasi pakiramdam ko namumula nayung pisngi ko.

"Eye contact with your partner" sigaw ni Ma'am. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin kaya umiwas nalang din ako ng tingin.

Nang matapos ang music pinabalik nako ni Ma'am. Umupo ako sa gilid at tahimik na nananonood sa mga sumasayaw.

Nakarinig ako ng sigaw kaya napatingin ako sa may stage at dun ko nakita ang babae kasayaw ko kanina. Nahuli kong nakatingin siya sakin kaya natawa nalang ako nang umiwas siya kaagad ng tingin.

Kinikiliti ko ngayon ang kaklase ko at kanina pa siya naiinis. Bigla siyang tinukulak ng isa pa naming kaklase hanggang sa may nabangga siyang babae.

"Ano ba?! magingat nga kayo para naman kayong walang mata—" nang tumingin samin ang babae, bigla akong pako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw at nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"I'm sorry" tanging saad ko, tsaka tumalikod na ang babae. Hindi ko alam pero simula nang makita ko siya, bigla nalang akong namumula nang walang dahilan.

Pagkauwi ko ng bahay, kaagad akong nag mano kila Mama at kumain, pagkatapos ginawa ko na yung assignment ko. Nang matapos akong mag assignment napag isipan ko na lumabas muna. Kaya lumabas ako at nag lalakad sa coastal road.

Habang nag lalakad ako, may nakita akong babaeng umiiyak at parang namumukhaan ko siya. Baba sana ako pero nang makita ko ang lalaking may dalang panyo, napatigil ako at pinanood nalang sila.

"William tara canteen" saad ni Matt, tumayo naman ako at kinuha yung wallet ko. Bumaba na kami para bumili ng snack. Maya maya pa, binatukan niya ako sa ulo sabay takbo, hinabol ko naman siya, hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

Hinanap ko siya sa boung court, hanggang sa nakita ko ang babaeng nakasayaw ko kahapon. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya.

"Dito William!" tawag sakin ni Matt. Tumakbo naman ako papunta sa kanya, pero naramdaman ko na tinitignan ako ng babaeng kasayaw ko kahapon.

Pagkapasok ko ng canteen, nag tago ako sa mga tao at nakita ko siya na papasok sana pero hinarangan na siya ng mga kaklase niya kaya hindi natuloy. Nang makaalis na sila saka lang ako bumili ng snack.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now