Chapter 10

30 3 0
                                    

Nagkatitigan kami nang ilang segundo,  napabaling yung tingin niya sa kamay ko kaya tinago ko yun sa likuran ko.

Tinignan niya ako nang may pagalala bagay na inaayawan ko.

Wag mo akong kaawan William, please ayoko.

Dahan dahan siyang humakbang papalapit sakin kaya dahan dahan din akong napa atras.

"You okay?" nahihiyang tanung niya, sa hindi malamang dahilan bigla ko nalang naramdaman na tumulo yung luha ko  kaya kaagad ko yung pinunasan.

"Yeah I'm okay" i lied.

Nakatingin parin siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin, nilaro ko yung kwentas ko at napansin ko na ang pag tingin niya dun.

"Bakit mo tinatago yung kamay mo?" tanung niya, dapat ko bang sabihin sakanya? No! hinidi! hindi ko nga sinabi kina Akira sa kanya pa kaya?!

"Wag mo nang pansinin yang kamay ko" sagot ko tska nilagpasan siya, pero bago paman ako maka alis sa cr bigla siyang nag salita.

"You're not okay and i know it, stop lying to your self" saad niya, napatigil ako at dahan dahan tumingin sa kanya.

Humarap siya sakin at binigyan niya ako ng expression ng pag alala.

"Iiyak mo lang yan, I'm here for you" saad niya, I don't know pero bigla kung naramdaman na may kakampi ako dahil sa ginawa niya.

Dahan dahan siya lumapit sakin at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat, did he just hugged me?

Naramdaman kong tumulo yung mga luha ko, hindi ko na kaya, salamat William ito lang talaga ang kailangan ko ngayon.

Yakap lang.

"Sh...iiyak mo lang yan" saad niya dahilan para mas lalo akong napaiyak.

Gusto kong mag sumbong sa kanya gusto kong sabihin na nahihirapan na ako sa buhay ko. Pero hindi ko magawa.

Nagpatuloy ako sa pagiyak, ni hindi ako sigurado kung nabasa koba yung tshirt na sinusuot niya.

"Every thing will be alright..." gamit ang mahinung boses niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal niya ako niyakap, basta naramdaman kona nalang na nakatulog ako dahil sa pagod ng mga mata ko.

Pagkagising ko nasa Clinic na ako, nakita ko si William na kinakausap yung Nurse, pagkatapos nang ilang sandali bumalik na siya sakin.

Natigilan siya saglit nang makita ako.

"Gising kana pala" saad niya saka umopo sa harap ko.

"Anong nangyari?" tanung ko. Tinignan niya muna ako saglit bago siya ako sinagut.

"Nawalan ka ng malay habang umiiyak ka, mabuti nalang nasalo kita kaagad tska binuhat pa punta dito" pahayag niya, bigla nalang namula yung mga pisngi ko sa huli niyang sinabi.

Binuhat niya ako? shocks nakakahiya ang bigat bigat kopa naman.

Napansin niya ata na namumula ako kaya narinig ko ang pagtawa niya.

"Don't worry you are not too heavy" saad niya.

Ngumiti lang ako sakanya at nag iwas ng tingin. Wala sana akong balak mag pasalamat pero nakokonsensya ako.

"S-salamat William" saad ko, tumingin siya sakin saka ngumiti. His smile is so genuine.

"Walang anuman, btw you want to eat? anung gusto mung kainin? ibibili kita" saad niya pero umiling lang ako at sinabing busog ako.

Nagpaalam siya sakin na aalis raw muna siya kasi may aasikasuhin paraw siya, pero sinabi niya sakin na pinaalam na niya sa mga kaibigan ko na nasa Clinic ako kaya pababa naraw sila.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now