Chapter 2

37 4 0
                                    

Bumalik na kami sa taas dahil tapos na ang mapeh time namin.

"Dito mo iharap" "hindi dito" rinig kung pag aaway nila akira at jaira. Nag aagawan nanaman sila sa electric fan.

"Dito mo i harap total nasa gitna naman ako!!" galit na saad ni jaira, tumaas naman ang kilay ni akira "ayoko nga , dito lang yan" sagot naman ni akira. Sinuntok ni jaira si akira dahilan para suntukin naman siya ni akira.

Nilagpasan ko lang sila at umopo sa arm chair ko, kinuha ko yung phone ko at nag basa ng story "loving the clouds" yung binabasa ko ngayon.

Kahit nag babasa ako hindi ko parin mawala sa isip ko si william, ang familiar niya kasi parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung kailan o saan.

"Margareth baba naraw sabi ni ma'am" tawag sakin ni anrea agad naman akong kumilos at nag ayos.

Dance Arts kasi ako, yes Im talented.

Pag baba ko nakita ko yung mga co- dancer ko na nag s-strecthing pumwesto ako sa likod para hindi ako tawagin ni ma'am. 

Nakita kung pumwesto din sa tabi ko si phoebe at alchie, ngumiti sila sakin ngumiti naman ako pabalik.

"Ate mar memorize muna bayong i pre present mo ngayon?" tanong sakin ni Phoebe dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Oo nga pala! shit! hindi ako nag practice!! patay ako ngayon!!

"Ngayon ba i sasayaw?" tanong ko sa kanila pero hindi ako nag pahalata na kinakabahan na ako.

"Oo ate sinabi ni ma'am kahapon diba" sagot niya. Shit! yare ako ngayon sigurado wala nanaman akong grade nito.

Act normal nalang ako as if nag practice ako , kahit wala.

"Okay lumabas kayo at tatawagin ko kayo isa isa" saad ni ma'am kumilos naman kami kaagad.

Kinakabahan ako shet hindi panaman ako nag practice.

"lazandares and anrino" tawag samin ni ma'am dahilan para matigilan ako. Bakit ang malas malas ko ngayon jusko po!!.

Pumasok na kami sa room katabi ko ngayon si phoebe, nanginginig nayung mga kamay at tuhod ko, kulang nalang maiihi na ako dahil sa kaba.

"Okay, friendly showdown lang ito ha walang awayan" paalala ni ma'am samin, tumango kami at nag handa na.

Lord sana po gabayan niyo po ako ngayon hindi panaman ako nag practice.

Nag simula na ang music nakita ko kung paano sumayaw si phoebe kembot na kembot siya, wow sanaall.

Ano kayang isasayaw ko ngayon, natapos na si phoebe pumalakpak si ma'am dahil sa galing niya.

"Next" saad ni ma'am tumayo na ako at nag handa para sumayaw. Bahala na si batman.

Nang mag simula na ang music, agad naman kumilos ang katawan ko hindi ko 'na alam kung anong ginagawa ko, nakikita ko yung sarili ko sa salamin kaya mas lalo akong ganahan sumayaw, kenembot ko yung beywang ko.

Mabilis natapos ang oras. Lumabas na ako dahil tapos naman na ako. Narinig ko yung mga bulong bulongan ng mga dancers.

"Galing talaga ni ate margareth" rinig ko sa kabilang linya "panigurado siya ang makukuha" hindi ko sila binigyan ng pansin dahil sa pagod, bumalik na ako sa room namin. Nakita ko yung tatlong oa sa buhay ko.

Si Yuhan nag d drawing habang si akira nag susulat ng novel, si Jehlee naman natutulog. Umupo ako sa tabi ni akira, hindi manlang niya ako napansin.

Tumingin sakin si Yuhan at tumawa, enirapan ko lang siya at tumingin sa salamin.

Bakit ba kasi hindi ako nag practice!! Bata pa nga ako ulyanin na.

"Ahhhhhh!!!" sigaw ko dahilan para matigil ang tatlong oa. "Nyare sayo?" tanong ni Jehlee sakin.

" Eh kasi naman! hindi ako nag practice yan tuloy napahiya ako, pangit ko talagang sumayaw" saad ko.

Char! pa humble yarn.

"Bakit naman hindi nag practice?" tanong ni Akira pero nasa selpon parin yung attention niya.

"Nakalimut kasi ako" sagot ko naman, bakit na kasi napaka ulyanin ko.

"Masyado namang maaga para maging ulyanin ka" si Yuhan.

" Wag mo nang isipin yan ang mahalaga naka pag perform ka" sabi ni Jehlee sabay pikit ng mata.

Oo nga,  atleast hindi ako umabsent para hindi makapag perform.

Humiga ako sa umupan at natulog. "Ting gumising kana" si Jehlee ginising niya ako dahil uwian naraw. Tumayo naman ako at kinuha yung bag ko.

Sabog na sabog akong naglalakad, inakbayan ako ni Jehlee habang sila Akira at Yuhan may nilait.

"Aray!!" sigaw ko dahil may bumangga sakin.

"Ano ba?! mag ingat nga kayo para naman kayong walang mata-" natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko si william na nakatingin nadin sakin.

Shet! ang gwapo!!! baka matunaw ako nyan william!!!

"I'm sorry" sabi ng isang lalaki na nakabangga sakin. "Ikaw kasi eh kung hindi mo ako tinulak hindi ko siya mababangga" sinisisi niya si william.

Ngumiti ang lalaki dahilan para mamula ang mga pisngi ko. Bakit ako nag kakaganto?

Tumayo nang maayos ang lalaki bago humarap sa akin " I'm sorry ms." saad niya, tinignan ko lang siya at tinalikuran.

Okay lang basta ikaw! huyy!

Napatuloy na kami sa pag lalakad pero nasalikuran parin namin ang lalaki kasama ang mga kaklase niya.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now