Chapter 7

25 3 0
                                    

Nakatulala parin ako hindi makapiniwala sa nalaman, masyado naman akong oa. Maliit na bagay lang yun eh.

Nakita ko si Yuhan kaya kaagad ko siyang tinawag.

"Ha?? friends kayo sa facebook? girl mag first move kana!" saad niya sakin. Ako? first move? No way! it's not my thing duuuh.

"Ayoko nga ano siya sinuswerte?" patanggi ko pa. Tinignan niya lang ako nang ilang minuto.

"Ano?" nagtatakang tanung ko sa kanya, bigla naman siyang tumawa dahilan para mag taka ako. Nyare sa kanya?

"Girl sinabi mo na samin yan nung crush mo pa si Ian" saad niya. Kumot yung noo ko. Eh? di nga?

"Oo girl pero kinain mo lang yan, tamo ipupusta ko yung photo cards ni chaewon, mag fi first move karin" saad niya with confidence pa. Sure! photo cards nayun ni chaewon eh tatangi paba ako?

"Deal, kapag nag firstmove ako lilibre kita" saad ko, kahit ang totoo hindi naman talaga.

"Deal" sagot niya.

Nagsimula nayung klase namin, just like before para akong mababaliw sa math, napaka slow ko kasi sa math kahit ilang beses mo ako turuan hindi ko parin magegets.

"Okay class baba muna ako kasi pinapatawag ako sa computer lab, wag kayong mag ingay ah! Marian lista mo yung mga lumabas minus 10 yan" bilin ni Ma'am tumango naman si Marian.

Malapit kami sa electricfan tumatambay ngayon may salamin rin sa harap namin. Kasam ko sila yesha, Zaira, Jehlee, Yuhan at Akira, Gerald, At Aiden.

Nagbabasa ako ngayon ng story habang iba kung ka klase may ibang pinagkakaabalahan.

"Chapter?" biglaang tanong ni Akira. Bakit siya nandito diba katabi lang niya si Yesha kanina?

"Chapter 21" sagot ko tumango lang siya saka bumalik sa pwesto niya kanina.

"Ting! basahin mo yung i pupublish kung story ah!" saad niya sabay kagat sa ibabang labi niya. Napatawa nalang ako, she's so cute.

"Dapat ikaw yung number 1 fan ko" saad niya. Ofc! Im your number 1 hindi ako papayag pag hindi ako. Tumango lang ako saka bumalik sa pag babasa.

Nakaramdam ako ng antok habang nag babasa. Mamaya ko nalang ko siguro ito ipagpapatuloy iidlip muna ako sandali.

Pinatay ko yung phone ko tska pinatung yung ulo ko sa likud ni Jehlee, pinalipat ko pa si Yuhan ng pwesto para makahiga ako nang maayos.

Pinikit ko yung mga mata ko at natulog na.

"Ting gising! nandito na si Ma'am lustre " saad ni Yuhan, dahan dahan kung minulat yung mga mata ko at nakita kaagad ang pagmumukha niya. Unang mulat siya kaagad yung nakita ko.

"Okay go back to your proper sits" saad ni Ma'am kumilos naman kami kaagad at bumalik sa mga upuan namin.

"Hala hindi ko na dala yung class record ko, Anrino pakikuha yung class record ko pls ask my student kung nasan yung class record" utos ni Ma'am. Kahit sabog pa galing tulog, bumaba parin ako para kunin yung class record ni Ma'am.

Pagka akyat ko sa building ng grade 9. Tinignan ko agad yung mga section, tumigil ako sa section ng mercury.

"Excuse me Ma'am ano po kasi can i ask your students kung san nilagay ni Ma'am Lustre yung class record niya?" tumango yung teacher.

"Class record daw!" sigaw ni Ma'am. Tumayo yung isang babae tska binuksan yung drawer ni ma'am, may nilabas siyang class record dun. Akala ko iaabot niya sakin yung class record pero iniwan niya lang dun sa mesa at umopo ulit sa table niya.

Nagets ko naman yung ibig niyang sabihin kaya yumoko bago pumasok ng classroom. Nang makapasok ako may napansin akong isang lalaki sa gilid ko na nakatingin sakin.

Tumingin ako sa direction niya at nakita ko si William, nakatingin lang siya sakin at nung nagtama ang aming mga mata bigla siyang ngumiti dahilan para sumabog yung puso ko! shet naman oh!

"Thankyou Ma'am" saad ko bago umalis. Nang makalabas sa classroom nila dun lang ako nakahinga nang maluwag. Omg! student pala ni Ma'am lustre si William? simula ngayon ako na ang palaging kukuha ng class record ni Ma'am.

Bago ako bumalik sa class room namin punta muna ako ng Canteen at bumili ng fishball. Syempre kakain muna ako napagod ako eh.

"Thankyou po!" saad ko saka nag lakad ulit, sinandya ko pa talagang bagalan yung pag akyat ko para maubos kona yung kinakain ko.

Tinapon ko sa basurahan yung disposable na baso tska inayos yung sarili ko bago pumasok.

"Tagal ah" saad ni Ma'am, ngumiti lang ako at umopo sa table ko. Tinignan ako ni Gerald pero enerapan ko lang siya, kinuha ko yung notebook, ballpen, at libro ko saka lumipat sa tabi ni Jehlee.

"hi ting!" magiliw na bati niya, hindi ko siya pinansin kaya sinuntok niya ako, hindi naman masakit...hehe.

"Ting! may pastilias si Rhaika bili tayo" saad niya, tinawanan ko muna siya bago bumili ng pastilias ni Rhaika. Apat yung binili ko para kasali sila Yuhan at Akira.

Nagsimula nayung klase namin, habang nag di discuss si Ma'am, hindi ko mapigilan ang antok ko. Hindi naman ako puyat oh pagod. Wala pa ngang recess nanghihina na ako.

Sinandal ko yung ulo ko sa arm chari ko saka dahan dahang pinikit yung mga mata ko.

"Okay let's ask Binibining Anrino" saad ni Ma'am, nagulat ako nang bigla inalug ni Jehlee yung upuan ko dahilan para magising ako.

"Ano?!" naiiritang tanung ko saka inayus yung buhok ko.

"Tinatanung ka ni ma'am" saad niya dahilan para magising yung diwa ko. Luh? sure? patay hindi ako nakinig!

"Stand up" saad ni Ma'am kaya dahan dahan akong tumayo. Malas ko naman sana hindi nalang ako natulog.

"Ano ang iyong opinyon sa bago nating aralin?" tanung ni Ma'am, hindi ako nakasagot tinignan ko muna yung board, Sanaysay lang yung nakasulat.

"Ang opinion ko po ay—" napatigil ako, ano nga ba yung opinion ko sa sanaysay? blangko talaga yung utak ko ngayon. I coughed.

"Ang opinion ko po ay ang sanaysay ay isang uri ng groupo ng salita na naglalaman ng sariling opinion o saloobin o mga issue sa lipunan, yun lang po" sagot ko, nakita kung tumango tango si Ma'am, hindi naman yun sariling opinion yun pero bahal na.

"Okay thankyou" saad ni Ma'am saka sinenyasan akong umopo. I don't know pero ang saya saya ko dahil nakasagot ako sa tanung ni Ma'am kahit hindi ako nakinig, galing ko talaga.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now