Chapter 20

26 2 0
                                    

"Graduation na natin next week" malungkot na saad ni Amanda. Dali lang pala ng panahon next week Graduate na kami sa Senior high.

"San kayo mag co college?" tanong niya samin sabay kain ng fish ball niya.

"Siguro ako hindi muna ako mag co college, titigl muna ako at mag hahanap ng trabaho" saad ni Angelito. Oo nga pala gipit nga pala sila kaya napipilitan siyang mag trabaho muna bago mag aral.

"Ako siguro sa Cebu ako mag co college kasi nandun yung mama ko siya naman daw mag papaaral sakin" si Basty sabay inum ng palamig niya saka tinapun sa basurahan.

"Ako siguro sa Butuan nalang, teka nga bakit anlalayo natin?" nagtatakang saad niya.

"Oo nga 'no" wika ni Basty nang mapagtanto niya ang sinabi ni Amanda. "Ah bahala na basta walang limutan ah" saad ni Basty.

"Oo naman" at nag yakapan kaming apat. Nag hiwalay na kami nang makarating na kami sa kanto.

"Nandito nako" saad ko nang makarating na sa bahay. Hinubad ko yung sapatos ko tska nilapag sa sofa yung bag ko.

"Naka uwi kana pala" saad ni Lola, nag mano ako sakanya saka yumakap.

"Next week na graduation niyo diba?" tanong niya, tumango naman ako at umupo sa sofa.

"Ako ang sasama sayo sa entablado ah" saad ni Lola. Syempre ikaw naman talaga Lola hindi ako papayag na iba ang sasama sakin 'no.

"Oo naman po" sabi ko at niyakap ulit siya nang tumabi siya sakin.

Pag sapit ng alas otso kumain na kami at pinag usapan nila Lola at Tita Mira at Tita Lira ang celebration next week para sa graduation ko. Nung una ayoko mag pa celebrate pero mapilit si Tita Lira, once in a life time lang naman daw yun kaya kailangan ma experience ko yun, kaya wala na akong nagawa.

Naligo ako at nag bihis para matulog na. Nakahiga ako sa kama ko at nakatulala sa kisame. Ano kayang mangyayari sakin kapag nakauwi na ako ng Lapasan? tsaka kumusta kaya ang lugar nayon. Marami kayang nag bago dun?

Nag plano ako sa lahat ng gagawin ko pag nakauwi na ako ng Lapasan. Ang una kong gagawin ay hanapin sila Akira at humingi ng tawad dahil hindi ako nag paramdam sa kanila ng tatlong taon.

"Sana pag nakita kami mapapatawad pa nila ako..."

Kinabukasan, maaga akong gumusing dahil maaga raw ang pictorial namin. Nakarating ako sa School mga 7:30 am habang si Amanda naman 6:57am.

Nakaupo lang kami dito sa labas ng room kung saan ginaganap ang pictorial. Most of our classmates including Amanda retouched their make up, it was obvious that they're  prepared for pictorial. Nanonood lang ako sa ginagawa niya. Wala akong dalang make up kasi sa bahay lang ako nag make up.

Napatigil si Amanda sa ginagawa niya at napatitig sakin dahilan para mag taka ako. Bakit siya nakatitig?

"Nag make up ka?" tanong niya, tumango naman ako.

"Simple make up lang like nag foundation lang ako and blush, eyeshadow at liptint and tapos" paliwanag ko pero nakatitig parin siya sakin.

"Why are you staring at me? may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sabay turo sa pag mumukha ko.

"Meron" sagot niya, kumonot yung noo ko at kukunin sana ang salamin sa mga kamay niya pero iniwas niya ito.

Amanda!

"Kagandahan" wika niya dahilan para magtaka ako. What?!

"Because even if you don't make any effort, you're still beautiful" wika niya dahilan para magulat ako. Kumain ba siya? hindi pa siya nakalunok ng paracetamol.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now