Chapter 27

10 0 0
                                    

Nakaupo lang kami ni Joseph dito sa labas ng unit namin dito sa resort. Hindi kasi ako makatulog dahil sa stress kanina.

"Coffee?" saad ni Joseph, may dala siyang dalawang basong kape. Ngumiti ako sa kanya tska kinuha yung kape.

"Mahal mo pa?" biglaang tanong niya dahilan para mapaso yung dila ko. Napatingin naman siya sakin nang may pagalala pero sinabihan ko lang siya na okay lang ako.

Napatitig ako sa dagat, oo mahal kopa si William hindi ko alam kung bakit. Dapat nga kinamumuhian kona siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

"Mahal ko pa siya, pero hindi nako babalik sa kanya" saad ko sabay yuko para itago ang mga luha ko kay Joseph. Mas pipiliin ko nalang ang ganito para matotu siya.

"Pano kung makakita siya ng iba?" saad niya, at sa hindi malamang dahilan bigla nalang nadurog ang puso ko. Oo natatakot ako na baka makakita siya ng iba habang ako patuloy parin siyang minamahal.

"Then good for him, masaya nako kung san siya masaya" saad ko at pinunasan ang luha ko.

"Contento nako ganito yung walang kasiguraduhan na mag kakatuluyan ba talaga kami o hindi"

"I'll just let the universe decide for our destiny" wika ko saka uminom ng kape.

Tamihik lang kami kaya nakakapanibago. Naawa din ako kay Joseph kasi kahit kailan, hinding hindi ko masusuklian ang pag mamahal niya para sakin.

"Okay na sakin ang makita kang masaya Margareth" pag basag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakanya, ngumiti lang siya ng tipid saka nag salita ulit.

"Alam ko naman simula pa, alam ko na mahal mo si William at kailaman ay hinding hindi mag babago yun" wika niya pa saka umiwas ng tingin.

"Kaya hindi nako umasa na mag kakagusto kapa sakin....ang ayaw ko lang talaga ay ang makita kang umiiyak" saad niya.

Humarap siya sakin tska ngumiti at nag salita.

"Mabuti narin na hindi ka nahulog sakin kasi ayaw kong saktan ka" wika niya dahilan para kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin niya?

"Kasi..aalis nako bukas, pupunta nako sa Italy at hindi ko alam kong makakabalik paba ako" saad niya dahilan para magulat ako. Alam naba ng mga kaibigan niya?

"Kaya ang tanging hiling ko lang sayo, mag iingat ka pati ang puso mo at wag wag kang susuko sa hamon ng buhay mo kasi wala ako dito para samahan ka" nakikita ko ang pamomou ng mga luha niya.

"At lagi mung tatandaan na kailanman hindi ako tumingin sa iba dahil ikaw parin ang laman ng puso ko" umiwas siya ng tingin para punasan ang luha niya.

Lumapit ako at niyakap siya, hindi ko alam pero sobra akong nag papasalamat sa kanya kasi nung mga panahon na kailangan ko ng karamay siya lang ang nandyan.

"Salamat Joseph...salamat, mag iingat ka" saad ko at niyakap siya. Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik. Pumasok na kami sa mga kwarto namin at nag pahinga na.

Kinabukasan, nag hahanda na kami sa pag uwi. Naligo muna ako at pagkatapos nag sout ng color white na dress at nag ayos bago lumabas.

Pagkalabas ko nakita ko ang mga kaibigan ni Joseph nag hahanda din sa pag uwi. Naligaw ang tingin ko kay William na hanggang ngayon tahimik padin. Parang umiiyak parin siya kagabii, isa sa mga rason kung bakit ako nasasaktan ngayon.

"Guys thankyou pala kagabi, nag enjoy ako" saad ni Raph saka ngumiti.

"Kami din naman pangit naman siguro kung ikaw lang ang nag enjoy diba" saad ni Ella at nag tawanan sila.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now