Chapter 21

20 2 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay, ibang iba na ito sa dating itsura. Yung mga pader naging color blue na tapos yung mga sofa namin na dagdagan ng isa, tapos yung sala namin medyo lumuwag na. Tumitingin  ako sa mga kwarto at hindi kona alam kung asan ang kwarto ko dun dahil nag iba narin ang mga kulay ng pinto.

"Saan po yung kwarto ko?" tinoru ni Papa yung kaliwang kwarto. Ngumiti ako sakanya saka nag lakad na papasok sa kwarto. Pagka pasok ko ,walang nag bago, ganun parin ang itsura.

"I'm back..." bulong ko sa sarili ko tapos pinikit ko yung mata ko para damahin ang hangin dito sa kwarto ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko tapos naligo na. Naka sout lang ako ng color green na pants at black t shirt at nakahiga sa kama. Nag babasa ako sa libro na binigay ni Papa.

"Anak.." narinig kong boses ni Papa kay napatingin ako, dahan dahan naman niya binuksan ang pinto at pumasok.

"Bakit po?" tanong ko, ngumiti muna siya tska nag bigay ng regalo dahilan para mag taka ako. Para san yan?

Napansin niya ata ang pagtataka ng mukha ko kaya nag salita siya. "Regalo ko, kasi naka highest honor ka sa graduation niyo" saad niya saka ngumiti. I appreciate it, pero hindi ko parin talaga kayang maki pag usap sa kanila.

"Salamat po..paki lagay nalang po sa dyan, tska pagkalabas niyo paki sarado nalang po ng pinto" saad ko saka tinalikuran siya. Alam kong hindi maganda yung ginawa ko pero wala akong magawa kasi may mga bagay din naman silang ginawa sakin na hindi hindi ko malilimutan.

Nasa kwarto lang ako hanggang mag hapunan. Lumabas ako sa kwarto ko para uminom ng tubig. Pagkalabas ko sa kwarto nagulat ako kasi andaming pag kain sa mesa. Tumingin sakin ang Stepmother ko at tinawag ako, pero hindi ko siya pinansin.

"Anak..halika kain tayo" aya ni Papa, dahilan para matigilan ako. Tinignan ko yung mesa, may cake, ice cream,letchon at iba iba pang pagkain.

Nag dadalawang isip ako kung kakain bako. Kasi kung hindi ako sasabay sa kanila masyadong bastos kasi tinatangihan ko yung grasya, pero kung sasabay naman ako, baka laitin nila ako.

Sa huli, umupo nalang ako at kumain. Tanong ng tanong si Papa pero kaunti lang yung mga sagot ko. Nahalata siguro ni Papa na hindi pako masyadong komportable sa kanila kaya tumahimik nalang siya.

Nang matapos akong kumain tumayo nako saka hinugasan yung pinag kainan ko, pagkatapos pumasok ulit sa kwarto ko at hindi na lumabas. Nararamdaman ko nanaman yung malungkot na enerhiya dito.

Kinabukas, nag tambay ako sa bintana. Pinanood ko lang yung mga batang nag lalaro ng tumbang preso. Ang saya saya nila tignan, sana ganyan nalang din ako kasaya ngayon.

May kumatok sa pinto ko kaya tumayo ako at binuksan yun, at pagkabukas ko, bumungad kaagad ang mukha ng Papa ko. May dala nanaman siyang box pero ngayon maliit na.

"Ahh ikaw nalang mag bukas" sabay bigay sakin ng box, i give him a smile and then I close my door. Bumalik ako sa pwesto ko kanina, napatigig ako sa box. Ano kayang laman nito?

Binuksan ko yun at ganun nalang ako paglaki ng mga mata ko nang makita ang isang phone. It was iPhone 7.

Binuksan ko yung phone at chineck yung settings. Naka set na ang lahat kaya no worries na. I feel sad kasi hindi maganda yung trato ko sa Papa ko.

I open my social media accounts, ang raming notif and messages kaya binasa ko ang lahat ng yun.

Napatigil ako sa pag sscroll ng mga messages nang mabasa ang pangalan ni William. May mga message siya sakin pero wala akong pake ayaw kong basahin lahat yun. Nag palit ako ng name at profile picture, nag selfie din ako para mag story.

Binaba ko yung phone ko at tumayo para kunin yung libro ko para magbasa. Pagkatapos ng ilang oras, kinuha ko yung phone ko sa lamesa tapos nag open sa Fb acc ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 300 views. Wow! at ang dami pa nag react ng heart.

I open my messenger at tadtad ng mga messages ng Fb friends ko ang messenger.

Mae:
Nakabalik kana pala?

Jade:
hi Margareth, how are you?

Yala:
Omg hi! your back!!

Tiara:
omg we miss you!

Nakaramdam ako ng saya kasi marami pala ang nag hihintay sakin at natutuwa makita ako ulit. Nag reply ako sa kanilang lahat.

Kinaumagahan, maaga akong gumising para mag enroll sa University na pag aaralan ko. Nag sout lang ako ng simpleng white tshirt at coffee jeans saka nag sumbrero at nag facemask. Pagkalabas ko nakita ko si Papa nanonood ng tv, at nung nakita niya ako gusto pa sana niya ako ihatid pero tumanggi ako.

Pagkarating ko sa Liceo de Cagayan University, kaagad akong nag pa enroll. Nung una nahirapan ako pero keri naman at na enroll ko yung sarili ko.

Lumabas nako sa University at pumunta sa malapit na Mall. Nagpalamig muna ako dun at kumain.

Habang kumakain ako may napansin akong lalaking nakatingin sakin kaya lumipat nalang ako ng table kasi naiilang ako. Pagkatapos kong kumain dumeritso ako sa National Book Store.

Tumitingin tingin ako sa libro at nag babakasakali rin na baka makita ko yung favorite book ko at kung hindi ko makita, edi bibili nalang ako.

Naligaw ang tingin ko sa isang babae na tumitingin din sa mga libro. Hindi gaano ka taas yung buhok niya tapos kulay itim at may mestizang balat. She's wearing a turtle neck na color black tapos skirt na hanggang tuhod and haba.

I follow her secretly. At nang makarating kami sa another genre ng mga libro may kinuha siyang dalawang libro saka nag lakad. At sa hindi inaaasahang pangyayari nabangga niya ako dahilan para matumba ako at natapakan niya pa yung mga daliri ko.
Yes! ganun niya ako kalakas na bangga.

"Ouch..." saad ko sabay tingin sa mga daliri ko at tinanggal yung mask ko . Narinig ko ang pagka bigla niya dahilan para puntahan niya ako.

"Omg! I'm sorry hindi ko sinasadya wait naapakan ba kita? I'm sorry talaga" pag hinggi niya ng tawad saka hinwakan ang kamay ko. Hindi ko nakita ang mga mukha niya kasi nakatabon yung mahaba kong buhok sa mukha ko.

"No, it's okay malayo naman 'to sa bitoka mawawala rin 'to mayamaya—" natigilan ako nang alisin ko yung buhok sa mukha ko at nakita si..

Akira.

Pati din siya nagulat saka dahan dahan binitawan yung kamay ko at umiwas ng tingin at tumayo.

"Ah ganun ba sige una nako I'm sorry ulit" tanging saad niya tska kinuha yung mga libro sa sahig at nag lakad na. Tumayo ako at hinabol siya.

"Akira...please naasan silang Jehlee?" tanong ko, pero hindi siya nakinig at patuloy lang sa pag lalakad.

"Akira.. I'm sorry" saad ko ulit, pero sinout niya lang ang earphones niya at hindi manlang ako binalingan ng tingin. Kahit nung nakabayad na siya hindi parin niya ako pinapansin. Kaya sinundan ko siya, napansin niya ata na sinusundan ko siya kaya dumaan siya sa maraming tao dahilan para mawala siya sa paningin ko.

Hinanap ko siya pero hindi kona siya ulit nakita. Umuwi ako sa bahay na malungkot, tinawag pa ako ni Papa at Mella para mag meryenda pero tumanggi lang ako at pumasok sa kwarto at nag kulong dun.

Naligo ako saka humiga sa kama para mag cellphone. Tinignan ko ulit yung mga viewers, nag babakasakaling makita ang pangalan nila Akira pero wala.

Pinindot ko yung gc namin before at nalaman ko na 3years ako napala silang nag leave sa gc.

Nag search ako sa mga accounts nila, pero lahat ng accounts nila naka block ako.

I understand, baka ganun ko talaga sila nasaktan dahil sa pagkakaalis ko nang hindi man lang nag paalam.

Kaya gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako nang mga yun. Kahit pa ikakahiya ko.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now