Chapter 6

29 4 0
                                    

"Girl kinikilig ako sa inyo ni William kanina" saad ni Yuha sabay hapas sa braso ko. Wow ha?

"Pa fall lang naman yun" saad ko. I tried my best to hide what i felt. But deep inside para na akong sasabog sa kilig.

"Tama yan mar! wag ka talaga mag padala sa mga ganun ganun niya, sign nayun na play boy siya" Pag sang ayon ni Jehlee. Biglang kinilig si Akira dahilan para mapatingin kami.

"Na pano ka?" tanung ko. Ngumisi lang siya pero yung mga pisngi niya subrang pula na, siguro kinikilig nanaman 'to sa binabasa niya sa Wbook.

"Wala kinilig lang ako kay Alfredo!" saad niya dahilan para tawanan namin niya. Para kasi siyang uuod na binudburan ng asin sa kilig.

Naglakad na kami ngayon pauwi, habang nag lalakad kami may kinukwento naman si Yuhan. Siya talaga ang totoong chismosa saming apat.

"Tapos girl kanina, sabi ni Zaira hindi naraw niya mahal yung ex niya pero ayun habol parin nang habol" naiiritang saad ni Yuhan. Naiinis nanaman siya kay Zaira, eh pano puro nalang 'Ive learned my lesson' pero hindi naman pinanindigan.

"Hayaan niyo nalang wala na tayong magagawa mahal niya eh" saad ko dahilan para masuka sila.

"Sinong tangang mag sstay sa isang taong halatang hindi siya kayang i pursue at redflag ah?" saad ni Yuhan. Tinaasan pa niya ako ng boses. Aba't

" Kaya nga may love is blind eh, kasi kahit anong flaws o pag kakamali o pama red flag pa yang partner mo, kapag mahal mo siya mag sstay ka!" Iritang saad ko then i rolled my eyes.

"Bobo! mo sa pag ibig!" saad ni Yuhan halatang natalo ko nanaman siya sa pag aaway namin.

"Masbobo ka!" sigaw ko. Para kaming mga batang nag aaway dahil sa barbie. He rolled his tapos lumipat sa tabi ni Akira.

Parang sira.

"Bye guys!" paalam ni Akira samin. Kumaway kami pabalik saka nag lakad ulit. Nasa gitna si Jehlee ngayon kasi ayokong makatabi yang Yuhan nayan.

"I feel, gusto ka ni William" biglaang wika ni Jehlee dahilan para matangin ako. Pinagsasabi niya?

"Buang" saad ko.

"Pano mag kakagusto sakin yun?hindi nga alam pangalan ko eh" saad ko. Tama naman ni apilido ko impossible niyang malaman.

"You never know......" saad ni Jehlee.

"Aga mo naman" saad ni mama. Nagaayos siya ngayon parang may lakad nanaman siya.

"San kayo pupunta ma?" tanung ko sakanya. Nagpatuloy lang siya sa ginawa niya kaya tinawag ko siya ulit.

"Sa tinatrabahun ng tatay mo, may birthday celebration" sagot niya dahilan para mabuhayan ako. Birthday celebration?

"Sasama ako mag aayos muna ako" saad ko, hindi ko na hintay yung sagot ni mama dahil agad akong pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko yung drawer ko at nag hanap ng dress.

I saw my pink dress last year, kaya ito nalang yung sosoutin ko.

I was wearing a pink dress na hanggang tuhod ko ang haba then a simple white sandal, hindi nako masyadong nag make up dahil wala nang oras, hinayaan ko nalang mag buhay hay yung buhok ko.

"Ma, Im ready tara napo—" napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto na wala na si mama sa sala. Where are they? nag lakad ako papuntang binta. And there they are. Kakapasok lang ni mama sa kotse saka pinaandar na ni papa ang kotse.

Iniwan nila ako. I don't know pero sa kaunting bagay na ginawa nila sakin subra akong nasaktan. They know that i love parties especially birthday celebration, kaya kapag may celebration palagi akong pupumunta.

Sinabi ko naman na sasama ako pero mag aayos muna ako. Nakatayo parin ako sa binta wala na sila Mama ngayon. Alam kung mailit lang pero bakit ang sakit? bakit parang ayaw nila ata akong kasama sa party? bakit parang ang dali lang nila akong iwan?

Nakalimutan kaya nila ako? siguro naman hindi kasi malakas ang pagkakasabi ko na sasama ako. Siguro hindi nila gusto na makasama ako kaya hindi ko nalang sila pipilitin.

Pumasok ulit ako sa kwarto at nag bihis, kung kanina ay nakasout ako ng dress ngayon isang tshirt at pajama nalang. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina, binuksan ko yung kaldero. Walang laman.

Siguro may iniwang pera si mama sa divider. Lumabas ako sa kusina at pumunta sa divider, tinignan ko kung may pera ba pero wala, ang tanging naruruuon lang ay isang papel. Kinuha ko yun at binasa.

"Wag mung isama si Margareth, mapapahiya tayo ang dami panamang mestiza dun"

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at nabitawan ko pa yung papel. Kaya pala hindi nila ako sinama dahil kinakahiya nila ako. Humarap ako sa salamin. Tinatanung ko nanaman sa sarili ko kung anong mali sakin.

Maybe if i was pretty, they didn't treated me like this?

Oo, aaminin ko mga mestiza yung mga kapatid ko kaya may insecurities ako sa balat. When i was 6 years old pinag tawanan ako ng mga tito ko dahil sa balat ko. Pinag laruan nila yung emosyon ko. Umiyak nalang ako pero imbes na humingi sila ng tawad pinag tawanan nila ako. Tapos ngayon sasabihin nila kung bakit may insecurities ako?

Hayaan muna ting. Mas mabuti nalang na hindi ka pumunta para hindi sila mapahiya yun lang naman yung dala mo sa pamilya 'ng to eh.

Kahihiyan.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga nalang, kanina pa ako nagugutom pero walang pag kain na iniwan sakin. Ang lahat ng drawer kung saan nakalagay yung mga pancit cantoon at iba pa naka lock.

Ganynan man sila eh, nakakaya nilang makita na nagugutom ako.

Umiyak nalang ako ng umiyak. Kagaya nang sinabi ni Joseph, ayos lang iiyak kisa itago. Now i miss him.

Bigla ko naalala ang card na binigay ni Joseph sakin kaya agad akong tumayo at kinuha yung bag ko, hinanap ko yung card ni Joseph at nakita ko ito sa pencil case ko.

Joseph R. Salvatore. Facebook acc niya, i stalk him and dun ko na nalaman na family oriented pala siya. Parang close siya sa family niya. Nakakaingit.

Sunod ko naman tinignan yung Instagram account niya. @Joseph_02 ang username niya sa ig. His feed is so clean. Halatang iphone user. May story siya, I clicked it at nakita ko na nasa mall siya ngayon with his family.

Nakakahiya naman kung iistorbohin ko siya. Pinatay ko yung phone ko tska nilagay sa table ko, siguro matutulog nalang ako ngayon na mabigat yung puso.

Nagising ako sa ingay ng mga manok, tumingin ako sa orasan. 5:00 am palang masyado pang umaga. Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina, nag babakasaling may dala sila mama galing sa party. May isa taper ware sa mesa kaya binuksan ko yun, may isa pirasong cake yung taper ware kaya kinain ko nalang dahil sa gutom. Alam kung panis nayun dahil kakaiba yung lasa pero wala na akong pakialam kagabi pa ako hindi kumakain.

Nag saing muna ako bago naligo. Pagkatapos ko maligo nag sout ako ng yellow t-shirt at black pants, tinalian ko rin yung buhok ko tapos nilagyan ng ribbon. Matapos kung mag bihis lumabas na ako sa kwarto ko at sakto naman luto nayung kanin.

Pumasok ako sa kwarto nila Mama para kunin yung susi ng drawer. Nakita ko yung susi na nakasabit sa likod ng pinto nila Mama kaya kinuha ko yun at dahan dahang sinirado yung pinto.

Kumuha ako ng isang pancit cantoon at dalawang itlog tska beef loaf sa drawer. Ito lang muna yung babaonin ko ngayon. Nag simula na akong mag luto, at habang nag papakulo ako ng tubig nag cellphone muna ako saglit.

Tuming tingin lang ako sa myday ng mga fb friends ko. Mayamaya pa bigla ko nakita yung fb account ni William. Wait fb friends kami??

Pinindut ko yung profile niya at ganun nalang ang gulat ko nang mapagtanto na fb friends talaga kami!

William Rosario C. Aboress

Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? after all hindi ko alam na na fb friends pala kami? Impossible!

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now