Chapter 24

15 1 0
                                    

Inilalayan ako ni Joseph pababa ng sasakyan, kasi halos hindi ako makalakad dahil sa sakit ng paa ko.

Pagkapasok namin sa loob, pinaupo niya ako sa sofa at dali daling pumunta sa kusina namin para kumuha ng ice.

Naiwan akong mag isa sa sala, bigla ko naisip si William. Ano kaya ang totoong rason, bakit pumunta siya ng Cotabato?

Narinig ko ang mga yapak ni Joseph, kaya napatingin ako sa kanya. May dala siyang isang panyo at isang bowl ng ice na dinurog.

Umupo siya sa harap ko at dahan dahang inangat yung paa ko at nilagyan ng ice.

"Bakit mo ba kasi sinundan si William" saad niya pero nanatili lang ang mga mata niya sa mga paa ko.

"Hindi ko naman siya sinundan, hindi ko nga akalain na nandun pala siya" pag sisinungaling ko.

"Yes nandun siya kasi cousin niya si Ella" saad ni Joseph.

"Ah ganun ba"

"Oo kaya hanggang maaari wag kang mag papakita sa kanya kasi sasaktan ka lang niya" saad niya kaya napatigil ako sandali. Ganun naba talaga ang galit niya kay William?

"Hindi na namamaga, halika tulongan na kitang pumasok sa kwarto mo" saad ni Joseph at dahan dahan akong binuhat papasok ng kwarto ko.

Nang pasok na niya ako, nag paalam na siya sakin bago sinarado ang pinto. Nag text naman ako kay Ate Yanni na kung pwedi kunan niya muna ako ng damit sa cabinet ko kasi hindi ako maka tayo.

Kinabukasan, nang magising ako halos hindi parin ako makatayo dahil sa pamamaga ng paa ko. Ganun naba talaga ito kalala ang oa naman.

Narinig kong may kumatok sa pinto ko kaya sumigaw nalang ako na bukas ito at bumungad sakin si Ate Yanni.

"May bisita ka sa labas" saad niya, baka si Joseph lang yun.

"Papasokin niyo nalang ho" saad ko, sinarado naman ni Ate Yanni ang pinto at maya maya pa, bumukas ulit ang pinto at ganun nalang ang pagka gulat ko nang makita ang kaibigan ko.

Si Jehlee.

Napatigil ako at hindi maka iwas ng tingin sa kanya. Wala nag bago pero mas humaba ang buhok niya at tumangkad siya.

Dali dali siya tumakbo papunta sakin at niyakap ako. Hindi kona na pigilan ang luha ko, umiiyak na kaming dalawa ngayon.

"Bakit ngayon ka lang" iyak pa niya, kaya hinaplos ko ang likod niya.

"I'm sorry kung umalis ako nang walang paalam" saad ko pa.

"It's okay, ang importante naka balik kana" saad niya saka mas niyakap niya ako.

Matapos ang ilang minuto kumalma na kaming dawala. Nakaupo kaming dalawa sa kama ko, tinignan ko siya parang hindi siya okay kaya tinanung ko siya.

"Are you okay?" tanong ko, kaya napatingin siya sakin. Nakita ko ang namomoung luha sa mga mata niya.

"Sabihin mo, makikinig ako" saad ko saka hinawakan ang kamay niya.

"Nag hiwalay na kami" saad niya. Dahilan para mag taka ako, may boyfriend pala siya?

Napansin niya ata ang pag tataka sa mukha ko kaya umiwas siya ng tingin.

"Si Austin, boyfriend ko siya in 2years nag hiwalay kami kagabi lang" saad niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. What!

"Bakit?" nag aalalang tanong ko

"We need space...kasi na realize niya na ako lang daw ang lumalaban para sa relationship namin at naaawa na siya like kaya ko naman tiisin basta hindi niya lang ako iwan, mahal na mahal ko siya eh" saad niya sabay iyak. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak.

"I know na masakit pero tama naman ang ginawa niya, kasi kung ipag papatuloy niyo yan ikaw ang kawawa, baka hindi talaga ngayon ang tamang panahon para sa inyo" saad ko saka hinaplos ang likod niya.

I comforted her. Dito narin siya kumain ng tanghalian. Nasa loob kami ng kwarto kumakain. Napaisip ako kila Akira at Yuhan kaya nag tanong ako kay Jehlee.

"Sila Akira? kumusta na?" tanong ko dahilan para matigil siya sa pag kain at humarap siya sakin. Nakita ko ang pag alinlangan sa mga mata niya kaya ngumiti ako at sinabi na ayos lang kung may malaman ako.

"Malaki ang pag tatampo ni Akira sayo pati narin si Yuhan, nung sinabi samin ng Mama mo na ayaw mo naraw kaming makita nasaktan kami dun" saad niya dahilan para matigilan ako. Ano?! hindi ko naman sinabi yun ah!

"Sinabihan ko pa sila na baka may pinag dadaanan ka lang pero hindi sila nakinig, kaya simula nang araw nayun kinalimutan kana namin...like you didn't exist " saad niya pa dahilan para humigpit ang hawak ko sa cotchara.

"Pero hindi ako nakinig sa kanila..gabi gabi pinag darasal ko na sana bumalik kapa, sana makita pa kita ulit"

"Nang malaman ko kay William na nandito kana hindi nako nag sayang ng oras at dali dali akong pumunta dito" saad niya. Napatigil ako sa sinabi niya..William?

"Sinabi ni William sayo?" tanong ko.

"Oo nag kita kami kanina nang nasa coffee shop ako at sinabi niya sakin na nakita karaw niya at nakabalik na dito" saad niya.

"Mukhang na gu guilty pa nga siya nung una, may nangyari bang hindi maganda sa inyo?" tanong niya. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Ngumiti ako sakanya para hindi pahalata na nag dadalawang isip ako sabihin ang totoo.

"Wala" pagsisinungaling ko. Ngumiti lang siya at binalik ang tingin sa pagkain.

"Nga pala...gusto mo bang makita sila Akira? may lakad kami bukas pwedi kang sumama para makausap mo sila nang maayos" saad niya. Napatingin ako sa kanya. Sasama ba ako? gusto ko makita sila Akira at Yuhan at humingi ng tawad kaya oo.

"Sige ba gusto ko rin makita sila at humingi ng tawad" saad ko, ngumiti lang si Jehlee at kumain na.

Gabi na umuwi si Jehlee sa kanilang bahay. Kaya nang makauwi siya hindi narin ako lumabas ng kwarto ko.  At natulog nalang para bukas.

Pagkagising ko tinignan ko yung paa ko, hindi na mamaga at masakit nakakalad narin ako nang maayos kaya labis ang saya ko.

Mga 9am naligo na ako at nag ayos. Nag sout ako ng dress na hangang tuhod ang haba at cardigan. Nag make up ako tapos tinirintas ang buhok ko at nilagyan ng ribbon.

9:50am, nang makarating kami ni Jehlee sa Mall. Nakaupo lang kami dito sa may upuan kalapit ng Jollibee.

Mga limang minuto ang nakalipas dumating na sila Akira at Yuhan kaya kinabahan ako.

"Aki!!" sigaw ni Jehlee sa kanila saka nag yakapan. Ibang iba na ang itsura ni Yuhan ngayon, mas lalo siyang tumangkad at napakalalaki niyang tignan para bang may nililigawan na.

Sa hindi malamang dahilan hindi ako makatayo sa kinauupuan ako. "Tara na dun tayo" saad ni Akira at hinila na si Jehlee pero napatigil siya nang pumiglas si Jehlee.

"Guys...may gusto pala akong ipakita sa inyo" saad ni Jehlee saka dahan dahang tumingin sakin at hinawakan ang kamay ko. Tumayo naman ako at nag tago sa likuran ni Jehlee.

Nakita ko ang reaction ni Yuhan, hindi siya makapaniwala sa nakita.

"Ting...you're back" tanging saad niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Kasama mo pala siya, sige mauuna nako" saad ni Akira at nag lakad paalis samin. Nasaktan ako dun.

Hinabol ni Jehlee si Akira at naiwan kaming dalawa ni Yuhan, ngumiti ako sa kanya. Binigayan niya lang ako ng kaunting ngiti at umalis na pero dahan dahan lang ang lakad niya para makasabay ako.

Gusto ko siyang kausapin, kamustahin pero hindi ko magawa.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now