Chapter 17

23 2 0
                                    

Nanatili ako sa Zamboanga kasama ang Lola ko at mga Tita ko. Nung araw na hinatid ako ni Papa dito nakiusap ako nakung pwedi dito mona ako mamalagi hanggang sa pag galing ko.

They treated me well. They didn't judge me, sa tuwing nag bbreakdown ako nandyan kaagad si Lola para i comfort ako.

Kaya kung papipiliin ako mas gusto ko nalang maniharan dito kesa sa Lapasan.

I feel like I'm getting better little by little with the help of the people who live here. Pero hindi ko kayang mag sinungaling sa sarili ko. Kasi kahit anong pilit ko para sumaya may isang tao paring hanggang ngayon hinahanap ko si William.

Galit ako dahil sa ginawa niya, nang dahil sa kanya mas naubos ako, nawalan ako ng pag asa pero hindi ko maitanggi na laman parin siya ng isip ko.

Hanggang ngayon.

Halos mag tatatlong taon na simula nung lumipat ako dito. Dito narin ako nag aaral grade 12 student na ako.

"Nakauwi nako" saad ko saka hinubad yung sapatos ko at pumasok. Kaagad akong umupo sa sofa at nanood ng TV.

"Oh nandyan kana pala" saad ni Lola, tumayo ako at nag mano saka hinalikan sa pisngi si Lola.

"Nag meryenda kana ba?" tanong ni Lola, tumango lang ako saka umupo ulit sa sofa.

"Ay apo may mga bagong padala yung Papa mo, nandun nasa kwarto mo" saad ni Lola. Tumango lang saka nag patuloy manood ng TV.

Pagkatapos nang 30minutes, pinatay ko na yung TV saka naglakad papasok sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto may nakita akong dalawang box. Nag bihis muna ako ng pambahay saka binuksan yung box. Pagkabukas ko nun nagulat ako sa laman. Ang daming snacks staka libro.

"Ang ang ganda!" masayang wika ko. Wow! ang gaganda siguro pang 1month snack kona 'to. Kumatok si Lola saka pumasok.

"Tawagan mo papa saka mag pasalamat ka" saad niya, natigilan naman ako. Wait, I don't use cellphone pano ko tatawagan si Papa?

Simula kasi nung nag paiwan ako dito hindi nako gumagamit ng mga gadget except TV. Kasi gusto ko mabuhay withouth internet, gusto ko mag focus sa sarili ko at ang pinaka importante sa lahat ayoko nang makita o makausap yung mga taong nanakit sakin.

Natigilan si Lola at nakuha niya kaagad na ayaw kopa makausap si Papa.

"Oh sya ako nalang ang kakausap sa papa mo mag pahinga ka nalang" saad niya at aalis na sana siya pero napatigil siya, nang tawagin ko siya.

"Lola gusto niyo po kumain?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya saka umiling "Wag na kainin mo nalang lahat yan para mabusog ka" saad niya saka lumabas na sa kwarto ko.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Tinanggal ko yung cellophane sa libro halatang bago pa talaga. Inamoy ko yung mga libro, grabe sobrang bango! nilagay ko sa sahig yung dalawang box tska humiga ulit sa kama at nag basa.

"Ry hali kana!" narinig kong tawag ni Amanda bumgangon ako at sumilip sa bintana. Nasa labas na nga siya nag hihintay. Nilabas ko ang ulo ko saka nag salita.

"San nanaman tayo gagala?" tanong ko sakanya.

"Maligo tayo sa ilog!" sigaw niya dahilan para matawa ako, tumango ako saka sinabi na hintayin ako dahil mag papaalam muna ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Lola na nag tatahi, kaagad akong pumunta sa kanya at tumabi.

"Lola pwedi pobang sumama kila Amanda maligo sa ilog?" paalam kopa, tumigil si Lola sa ginagawa niya saka tinignan ako, ilang segundo niya ako tinignan saka nag salita.

"Sige basta siguraduhin mong wala pang gabi nakauwi kana ah" saad niya tumango ako at ngumiti saka niyakap siya nang napakahigpit. Pagkatapos nag paalam nako saka lumabas ng bahay.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now