Chapter 19

28 2 0
                                    

"Sometimes naliligo kami sa ilog kasama ang mga kaibigan ko" saad ko. Naupo kami sa labas ngayon, kakatapos ko lang siyang libutin kaya nag papahinga muna kami.

"Masaya naman pala yung buhay mo dito" saad niya sabay inum ng juice.

"Oo, kaya hindi ko pinag sisihan na nanatili muna ako dito ng tatlong taon" wika kopa.

"Diba mag tatatlong taon na bukas simula nang nagpaiwan ka dito?" tanong niya, tumango lang ako saka ngumiti sa kanya.

"Wala kana ba talagang planong bumalik sa Lapasan?" biglaang tanong niya. Nilapag  ko muna sa mesa yung baso tska umayos ng upo bago humarap sakanya.

"May plano naman pero not totally sure pa kasi may part din sakin na ayaw ko nang umalis dito" sagot ko naman, nakatingin parin siya sakin  parang bang dismayado sa narinig kong sagot.

"Sabihan mo lang kapag uuwi kana para ma sundo kita" wika niya sabay inum ng juice

"Wag na, nag sasayang kalang ng pera"

"Margareth you know naman siguro na hindi nasasayang yung pera ko kapag ikaw ang makikinabang diba? hayaan mo akong bumawi manlang" saad niya. Natigilan ako saglit. Bakit ang serious niya pag dating sakin?

Tumango nalang ako. Kasi alam ko sa sarili ko na kahit anong tanggi ko, ipipilit at ipipilit parin niya.

Boung maghapon lang nandito si Joseph sabi pa niya uuwi lang siya mayamaya siguro pag sapit ng alas sais. Nanonood kami ng TV ngayon nang bigla nalang nag ring yung phone niya, nag paalam muna siya sakin na sasagutin niya muna, tumango naman ako saka nanonood ulit ng TV.

"Ano?!" mahinang sigaw ni Joseph, pero hindi naka lagpas sa tainga ko. Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at tinignan siya. Anong problema?

"O siya siya...may pera pa naman ako dito, maghahanap muna ako ng apartment dito or boarding house basta siguraduhin niyong maayos niyo ang gulong yan!" binaba na niya yung cellphone niya saka napakamot siya sa batok niya.

"May problema ba?" tanong ko nang humarap siya sakin. "Nag karaoon lang ng kaunting problema tungkol sa pag uwi ko" sagot niya saka umiwas ng tingin sakin.

"Hindi kaba makakauwi ngayon?" tanong ko gamit ang mahinahung boses. "Siguro hindi..ah may apartment ba dito o dikaya boarding house?" tanong niya.

"Wag na ipapaalam ko nalang kay Lola nakung pwedi dito ka muna mag palipas ng gabi" saad ko. Nakita ko ang kaunting ngiti sa labi niya.

"Thankyou" saad niya. Ngumiti lang ako sakanya saka nanonood kami ulit ng TV. Pag sapit ng gabi pinaalam ko si Joseph kila Lola nakung pwedi dito muna siya mag palipas ng gabi dahil nagkaroon nang problema ang byahe niya. Pumayag naman siya pero sa sala daw matutulog si Joseph dahil wala nang ibang kwarto sa bahay namin. Ayos lang naman din kay Joseph na matulog sa sala.

Alas otso na kaya nag handa na kami para matulog. Naligo muna ako saka nag bihis ng pampatulog, I wore my favorite color sky blue t shirt and white pajama, nag sout din ako ng medyas dahil sa lamig.Nang matapos lumabas muna ako ng kwarto para ibigay kay Joseph yung unan at bedsheets niya.

Nakita ko siyang nag ce cellphone habang nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko siya at inabot yung unan tska bedsheets.

"Thankyou" saad niya nang ma abot kona ang bedsheets sa kanya. Saka hinanda yung kotson natutulogan niya  Nakahiga siya ngayon sa isang kutson kaya bedsheets nalang at unan ang kulang.

"Ayos ka lang ba talaga dito?" tanong ko, tumango naman siya saka ngumiti.

"Pwedi naman dun ka nalang matulog sa kwarto ko dun sa sahig" saad ko, umiling siya.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now