Chapter 22

23 2 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kama ko, tulala sa kawalan. Hindi ko alam kung anong pweding gawin ko ngayon.

Kumatok si Papa kaya tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

"Anak aalis kami ngayon hindi kaba sasama?" tanong niya. Napaisip naman ako. Dito nalang siguro ako sa bahay.

"Hindi napo wala po akong ganang lumabas" sagot ko, tumango tango naman siya saka sinabihan ako na kung gusto kong kumain may pag kain lang raw sa drawer o may pera sa divider kung gusto ko raw lumabas.

Sinarado ko na ang pinto ko at pumunta sa bintana para silipin sila sa pag alis. Naka labas na sila ng gate kaya lumabas ako ng kwarto.

Nakita ko pa ang kasamabahay namin pero ngumiti lang ako saka umopo sa sofa namin at nanooud ng TV.

Mayamaya lang nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at punta sa kusina. Binuksan ko yung drawer at kumuha ng pancit cantoon saka nag luto.

Umupo muna ako saka nag cellphone, i open my Instagram account at nanoud ng reels dun.

Habang nanonoud ako may biglang nag chat kaya pinundot ko yun at nakita ang account ni Joseph.

@Dylanjose: Nakauwi kana pala? bakit hindi mo sinabi sakin?

@_x.Ryliegh: Hello! oo nung nakaraang araw pa, sorry kung hindi ko nasabi nakalimutan ko.

@Dylanjose: typing...

@Dylanjose: it's okay btw may party mamaya sa classmate ko nung high school gusto mo sumama?

Napaisip ako. Sasama ba ako? baka kasi ma op ako, pero nanund naman si Joseph siguro hindi naman niya ako hahayaan ma op right?

@_x.Ryliegh: sure, what time ba?

@Dylanjose: typing...

@Dylanjose: Later mga 8pm, susunduin nalang kita

@_x.Ryliegh: okay okay.

Pinatay kona yung phone ko kasi naluto na yung pancit cantoon ko.

Bumalik ako sa sofa saka kumain habang nanonoud ng "My ex's and why's"

Pagkatapos ng ilang oras, bumalik ako ng kwarto ko para mag linis dun. Ang kalat kalat na kasi ng kwarto ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag lilinis, nang bigla akong nakakita ng isa sobre kaya pinulot ko yun at binasa.

From: flower
To: my butterfly

Yun ang nakasulat, pero wala akong ganang mag basa kung ano ang nakasulat , kaya nilagay ko nalang sa mesa ko at nag patuloy nalang sa pag lilinis. Lahat ng mga unnecessary things tinapon kona.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon nag iisip naman kung ano pa ang pweding gawin. 

Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko at pumunta sa garahe namin. Nag linis narin ako dun para wala nang lilinisn ang kasambahay namin kasi nag lalaba pa siya, baka kasi mag kasakit pa siya dahil sa pagod.

Pagkatapos kong mag linis ng garahe sinunod ko yung sala namin, nag linis ako nang nag linis tapos nag hugas narin ng pinggan. Pagkatapos kong mag linis pumunta ako sa likod ng bahay namin kung saan nag lalaba ang kasamabahay namin.

Hindi kopa siya kilala kaya ngumiti nalang ako at umupo sa harap niya. Nag alok akong tulungan siya, nung una ayaw niya kasi trabaho naman daw niya yun pero dahil mapilit ako wala na siya nagawa.

"Ano nga palang pangalan mo ma'am? tanong niya. Nag kukuso parin ako ngayon sa color red na tshirt.

"Ryliegh po pero pwedi niyo naman ako tawaging Mating or ting" saad ko. Pero nasa labahin parin ang mga mata ko.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now