Chapter 26

11 0 0
                                    

Nag text sakin kagabi si Jehlee, pinapapunta niya ako sa bahay nila kasi siya lang daw ang tao dun umalis yung parents niya.

Nakaupo ako ngayon, kumakain kami katabi ko si Sammy at nasa harap naman namin ang mga magulang niya. Pagkatapos kong kumain dumeretcho nako sa cr para maligo.

Nang matapos akong maligo kumuha ako ng damit sa cabinet ko. Nakasout ako ngayon ng white t shirt at black skirt.

Umupo ako sa study table ko para mag makeup, siguro hindi nalang ako mag kikilay para hindi nako mahirapan.

Pagkatapos kong mag makeup nag suklay ako ng buhok ko at tinirintas ito at nilagyan ng ribbon. Kinuha ko yung small box sa study table ko, kinuha ko yung gold necklace na cresent moon ang pendant at hikaw nadin.

Pagkatapos kong mag ayos sinuout kona yung varsity jacket ko at lumabas na ng kwarto.

"Ate Yanni alis muna ako" paalam ko.

"Oh sige sasabihin ko nalang sa Papa mo na umalis ka, mag ingat ka" saad niya. Niyakap ko siya saka nag paalam na.

Sumakay ako ng jeep at bumaba sa may Sm down town. May fishballan sa gilid kaya bumili na muna ako.

"Manong bali 25 nga pong fishball at isang juice"saad ko tska kinuha yung wallet ko at nag bayad.

Kaagad naman ako binigayan ng fishball ni manong, mainit pa kaya ang sarap nito kainin.

Habang kumakain ako, may tumabi sakin matangkad na lalaki kaya napatingin ako sa kanya. At nakita ko ang pag mumukha ni William. Bakit ba palagi ko siya nakikita?!

Umiwas nalang ako ng tingin saka nag patuloy sa pag kain, binaba ko muna yung fishball ko tska ininom kona yung juice ko at tinapon na sa basurahan ang plastic at nag patuloy sa pag kain.

"Manong pabili nga po, 20 fishball at dalawang juice" saad niya. Medyo nag taka ako sa sinabi niya bakit dalawang juice?

Binigyan naman siya ni manong at nilagay sa harap niya.

"Juice?" saad niya dahilan para mapatingin ako sakanya. Tinignan ko yung baso na puno ng juice.

"No thanks" saad ko saka nag patuloy sa pag kain. Naranig ko ang pag buntong hininga niya.

"Can we just pretend na bago palang tayo mag kakilala" saad niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Please?" tinignan ko lang siya saka inirapan.

"No" saad ko saka hindi na tumingin sakanya, tinapon kona yung baso sa basurahan tska nag hintay na ng jeep.

"Manong paki balot nga po" narinig kong saad niya.

"Margareth hatid na kita" saad niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ba?! ayaw nga kitang makasama diba? kulit kulit nito umalis ka nga!" iritang saad ko.

"Ang init init tapos wala kapang dalang payong, mahihirapan kapa kasi ang traffic ngayon" saad niya. May punto naman siya pero kaya ko naman tiisin lahat ng yun, basta hindi ko lang siya makasama.

"Please?" saad niya gamit ang mahinahong boses. Sige na nga para makatipid narin ako.

"Fine!" napipilitang wika ko tapos inirapan siya, narinig ko ang mahina niyang 'Yes' kaya napangiti ako.

"Sir eto napo" saad ng tindero ng fishball.

"Wait lang" saad niya saka lumapit sa tindero at kinuha yung pinabalot niya.

"Ayon yung sasakyan ko, let's go?" saad niya. Hindi ako nag salita at tumawid nalang na hindi tumitingin sa kanya.

Pagbubuksan niya sana ako ng pinto pero nauna ko nang buksan yun at pumasok.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now