Chapter 42

2.8K 51 15
                                    

Hindi kami nagtagal ni Charry. We just drop the kids.

"Nakakaawa si baby daddy mo." malungkot nitong turan pagkatapos kong i-kwento ang nangyari nitong nakaraang araw.

I hissed. "Can you just call him by his name?"

Ngumisi siya. "Oh, ba't affected ka? You still have feelings for him?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ibinaling ang mata sa daanan.

Her eyes widened. "I knew it!"

"Mali ang inaakala mo. What I feel is a scarred feelings, Charry. Something that is okay unattended." Iling ko.

She frowned. "Diba parte naman ng pagmamahal ang masaktan?"

Umiling nalang ako. Ang pinagdaanan namin ni Rhyno ay hindi karaniwang sakit.

It's like a wildfire that damages every fiber of my being, even the people around us. it's destructive.

Ayos na sa akin na ang kambal nalang ang aming connection.

Pagkarating namin sa Pastry Shop ay nandoon na ang mga napili naming staff last week. We hired additional two staffs aside from our previous assistants.

"This is Chona and Krista." Pakilala namin sa dalawang staff na si Jane at Nena.

"Bale kayo ang magwi-waitress at si Jane sa counter. Nena will be in the kitchen to help us. Once natutunan niyo na ang pasikot-sikot sa kitchen ay pwedeng magpapalit-palit ng task. Are we clear?" I smiled at the girls.

"Yes, ma'am!"

Charry and I chuckled. "Ate nalang."

Mostly kasi sakanila ay bata pa. Si Jane at Chona daw ay hindi natapos sa pag-aaral.

Charry and I spent the day checking the inventories and all that matters like the menu. Hindi lang naman pastries ang offer namin. May pastas, and drinks like coffees and tea. Bri-nief na rin namin ang staffs para sa grand opening next week.

"Nagsend na ako ng invites." Si Charry habang sinasarado namin ang shop. "Kinakabahan ako, baka walang pupunta."

I smiled. "Marami man o konti, we are just starting."

The sun is setting while we drove. Since the shop is near the coastal road ay naaaninag ang kulay ng dagat.

"Baka magpatayo na kami ng bahay ni Bell dito." aniya. Ako na ang nad-drive.

"Huh? Okay naman kahit sa bahay kayo tumira."

Tipid itong ngumuso. "Iba pa rin kasi kapag may naipundar kang sarili mong bahay, Fau. Tsaka we plan to settle here in Ilocos for good. I fell in love with the place. Baka si Bell nalang ang madalas sa Manila para sa mga negosyo niya."

It's so nice na ganoon na sila mag-isip ni Bell.

"Huwag kang malungkot, pipili kami ng lupain malapit sainyo."

Ngumiti ako. "Dapat lang."

Nang sunduin ko ang mga bata sa mansion ay rinig ko ang tawanan mula sa entrance.

A maid came in my assistance. Si Charry ay maghihintay nalang daw sa sasakyan.

"Nandito po si Ma'am Fausea, sinusundo na ang mga bata."

All eyes were on me. I saw my daughters being the center of attention habang masayang nakikinig ang buong pamilya sa kwento nila.

"Fausea, your daughters are so adorable." Torin uttered.

I nodded and smile a bit. Alam ba ni Torin na nasa Pagudpud lang si Charry. I never heard that they talked after we saw Charry again in Isla Gevera.

"Ma, can we sleep here?" Rhysea pleaded. Kandong ito ng ama.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now