Chapter 16

1.2K 24 1
                                    




All my life, I never really appreciated the province's unique difference from the city that much. I grew up living a city life that these fiestas and the aesthetic vibe of coastals and highlands never fueled my curiosity.

Ang mga tao ay masayang nanonood ng sayawan, sa paligid ay mga palarong pamprobinsiya. They are laughing and enjoying the feast.

Rhyno held my hand tight at napansin kong may mga lumalapit na namang bodyguard, so they have been around secretly?

The head of the guard walked in front, sinalubong kami ng volunteers nila Mayor. I raised up a brow, siguro ganon talaga kakilala ang pangalan nila sa buong bayan at siguro'y sa buong lalawigan na rin.

There were people greeting Rhyno even the elders, bumabati din naman siya. Nang mapatingin sa akin ang mga tao ay tumango ako at ngumiti rin. He held my waist as we sat on the long table of VIPs.

Sinalubong kami ng Alkalde at ang asawa nito, maging ang mga nandoong opisyal ng bayan. I was even shock when the master of Ceremony made an announcement of Rhyno Ponferrada Villarojo's arrival. His presence is a big factor to the whole community.

"Hijo, hija.... mabuti at nakaabot kayo. Kakasimula palang ng programa." Nagagalak na sambit ng alkalde.

Nakipagbeso sa akin ang asawa nito at magiliw kaming pinaupo, may reserved seat na rin kami. Rhyno pulled me a chair. I noticed how some women gaze at him shamelessly. I frowned at that....really? Andito po ang asawa.

"Ilang taon na rin po Mayor mula noong huling punta ko sa mga ganitong okasyon, and my wife also wants to watch." He formally said habang umupo at napasulyap sa akin.

I really hate this guy but today is an exemption. Naaaliw akong tumatanaw sa mga dance number at saya sa mukha ng mga taga probinsiya.

I wonder if Daddy chose for us to live here instead of residing in Metro? Siguro hindi sila namatay, we could've had a simple and serene life here in Ilocos. Maybe Faust and I will grew up full of simple dreams and witness the green fields enthusiastically. Sa syudad kasi ay maaga ka talagang mamulat sa mga bagay-bagay at maraming masasamang impluwensiya, look how Faust behave now? Tsk.

"Tamang-tama at may mga cultural dances din na magpeperform. Magugustuhan mo hija." Sambit ng ginang na siyang pumukaw sa aking atensyon.

I smiled. "Sure, ma'am. Ang ganda po pala ng fiesta dito."

Ngumiti ang mag-asawa. "Puro ideya talaga ng asawa ko ang mga ginaganap sa mga ganitong okasyon, hija. Nagkataon din na mayaman sa kultura ang aming bayan kaya masaya palagi." Sabi ng mayor.

Pansin ko nga. Kahit nasa mansyon lang ako ay palagi kong natatanaw kung gaano kapayapa at kasaya ang mga tao kahit nasa sakahan lang. Maybe I should go out often these days, kung babalakin kong palaguin muli ang fish farm kapag nabawi ko na ito, dapat matuto ako sa pamumuhay at ugali ng mga taga probinsiya.

Masaya ang mag-asawa na makihalubilo sa tao. We are just talking habang may mga larong inihanda para sa mga tao.

Akala ko puros sayawan lang, hindi pala. Rhyno didn't let go of my hand while talking to the Mayor, I didn't want to engage myself because it seems like business related. I came here to watch the fiesta, not to hear their conversation anyway.

"Hello, ikaw ba ang asawa ni Mr. Villarojo?" a woman in her summer dress beside me uttered. Probably one of the official's family member, she seems a little bit older than me.

"Yes..."

She smiled. "Mahal talaga ng mga taga Pagudpud ang mga Ponferrada. Kita mo 'yang mga kababaihan? Puros humahanga kay Rhyno o 'di kaya'y si Archer."

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now