Chapter 37

2.9K 36 13
                                    

"Rhysea, tell me your thoughts." I softly uttered habang kapwa namin pinagmamasdan ang bangka na sinakyan ni Kuya papaalis ng Isla Gevera.

Umiling ito at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

On my left, I saw how Rhyno stare at his daughter who seemed to have resentment towards him. Kahapon pa niya ito pinipilit i-reach out ngunit binabalewala siya ng bata.

"Papa! Can we make big sand castles?" Fauna asked happily at hinawakan pa ang kamay ng ama.

Dito natuon ang atensyon ni Rhyno kung kayat hindi niya napansin ang biglaang paglingon ni Rhysea sa gawi nila.

"Well, I make the best sand castles. Your Dad won't win over me." Beath bragged.

Natawa si Rhyno. "Can you teach me then, little champ? And please, call me Papa also."

I saw how Beath was touched by what has Rhyno said.

"P-papa?" he asked.

Ngumiti ito at tumango. "Yes, kiddo. I am your Papa now."

Beath tearfully hugged him.

My attention was caught when I felt Rhysea tightened her grip on my shirt. I sighed and crouched to level her face. Nakatingin ito sa ama at kay Beath and Fauna na buhat nito.

"Anak, what's wrong? You can go to Papa also if you want." I softly said at hinawi ang takas niyang buhok.

Umiling ito at nagyuko.

"I hate him." Her hands became fidgety. "He was never there for you... for us."

Her eyes became teary. She encircled her hands on my neck. Binuhat ko ito. Naagaw namin ang atensyon ni Rhyno na busy sa pakikipagkulitan sa dalawa.

"Papasok lang kami." I mouthed when I saw his questioning stare. Nang makuha ang aking sinabi ay may pag-aalalang ibinaling ang tingin kay Rhysea na umiiyak.

I have no control over my children's feelings. Ang kaya ko lang gawin ay gabayan sila sa mabuting kaisipan. Although me and their father are on a rough stage of being civil towards each other, our issues does not include our children.

As the days passed, I've watched how Rhysea avoided her Papa.

Hindi ko sukat akalain na kasabay ng pananatili namin sa islang ito ay ang pamumuhay din ng simple. I am not complaining dahil sanay na ako ngunit sa bawat araw na nakikita ko si Rhyno na sumasabay sa mga mangingisda upang maghanap buhay ay nababahala ako.

He was not used to it. Sanay siyang pinagsisilbihan.

"Ay, Verly! Maganda iyang gawa mo." Manang Roda complimented.

"Paturo nga ako, Verly." Si Indang habang inaayos ang ginagawang abaniko.

Napangiti ako at binaba ang nylon at mga perlas. "Kayo naman ang nagturo sa akin nito. Huwag niyo nga akong niloloko."

Nagtawanan ang mga ito.

It has been weeks since we moved here.

Maagang umaalis si Rhyno upang pumalaot. Nagigising ako sa tuwing umaalis ito kaya't maaga rin akong gumagawa ng gawaing bahay.

I got bored so when I saw Manang Roda once na gumagawa ng mga abaniko at mga alahas na gawa sa perlas o shells ay napasama na rin ako. It was local products of the island, pinapadala ito sa munisipyo at dinidisplay sa local stores, the local government pay generous amount to the workers.

Weekly ang sahod kaya nakakadalawang sahold na ako. It helps also para hindi ako masiyadong dumidepende sa iniiwang pera ni Rhyno na pamalengke.

The children were happy here. Maraming mga local na bata na kalaro sa tabing dagat.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now