Chapter 3

1.4K 29 2
                                    

Death


I woke up very early dahil sa flight namin patungong Laoag. Magla-land travel sana kami ngunit masiyadong matagal ang biyahe, aabutin kami ng kalahating araw bago makapasok ng probinsiya at dalawang oras pa ang kakailanganin bago marating ang bayan ng Pagudpud.

Sa labas ng airport ay sinundo kami ng family van. Kuya is too busy making phone calls, marami yata silang proyekto ngayon na kailangan pagtuonan ng pansin pero heto siya at nag-leave.

"Okay, I'm sorry...I left the blueprint on your desk yesterday."

I rolled my eyes and put my shades on. Ilang oras pa ang biyahe dahil medyo malayo ang Laoag sa pagudpud.

Nang maaninag ko ang bangis ng alon nang nasa bandang Burgos na kami ay tuluyan akong namangha. I wonder how it feels to live near the beach? Under the tall coconut trees and soft salty sands.

Tumigil kami nang narating ang patapat bridge upang kumuha ng litrato, nagrequest kasi ako kanina na mag-stop over muna sa Kapurpurawan pero ayaw ni Kuya. Kaya heto at pinayagan akong magstop muna sa gitna ng Patapat viaduct. It is above the coastal areas of Pagudpud and fourth longest bridge of the country.

"Kuya, kunan mo ako please!" I pleaded at binigay sakanya ang camera na nakasabit sa leeg ko kanina.

He sighed and nodded. Pumwesto ako sa barricade to have a better view of the sea behind me.

Pinost ko kaagad sa instagram iyong napili kong dalawa. One, emphasizing the long bridge and the other, facing the admirable deep sea.

Maraming comments at reactions agad at iyon ang pinagkaabalahan ko. Nagchat pa si Charry na gusto ding makapunta dito.

"Mommy! Daddy!" I hugged them as soon as I stepped out of the car.

Taga Ilocos si Daddy at si Mommy naman ay laking ciudad. Madalas ako dito noong bata pa ako pero nang namatay ang mga grandparents namin ay madalang nalang lalo nang nag-highschool na ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang old style with modern touch na bahay ng lolo at lola ko. Pinanatili ni Dad ito para na rin may tuluyan sila sa tuwing binibisita ang fish farm.

"Tara na sa loob."

Inakbayan ako ni Daddy at kumapit si Mommy sa braso ni Kuya. Nagmeryenda kami at nagkuwentuhan. Binisita namin ang Fish farm na mas lumawak pa. Nagrequest ako na mamimgwit sa fish pond dahil gusto ko ako ang kumuha mismo. Busangot tuloy si Kuya dahil pinabantayan ako habang nawiwili sa pamimingwit.

I wasn't actually friendly with the people my age here when I was a little kaya wala akong ka-close. May mga nakilala akong anak ng mga trabahador pero hanggang kakilala lang. Hindi ko masabing palakaibigan at mabait ako noong bata ako, may nakasunod lagi na yaya at bodyguards.

We had dinner and I'm proud when the maid served the tilapias that I got from the pond!

"Ako ang kumuha niyan, Dad!" sabi ko sa limang naglalakihang tilapia.

Kuya snorted. "Isa lang ang kaya ang nakuha mo diyan."

I glared at him. Mommy and Daddy laughed.

"I helped you pull the fishing rod, Kuya!" umirap ako.

He made a face and started filling his plate.

"Okay, that's enough. You both did a job well done." Ani Mommy.

Kahit aso't pusa kami ni Kuya Alfaust ay masunurin naman kami....kung minsan.

Excited akong mag-umaga para sana mamasiyal kahit sa mga kalapit lang na bayan pero bigo ako nang nadatnan ang isang kasambahay sa dining area. Maaga daw nagpunta si Mommy at Daddy sa fish farm at si Kuya ay may tinungo din.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon