Chapter 32

2.4K 34 11
                                    

"You thought you could really runaway that long, huh?" his humorless baritone voice sent shivers down my spine.

I could still feel shocked seeing him in front of me.

Gusto kong maiyak nang maamoy ang pamilyar niyang pabango. Rhyno really smells like home, his presence pull vulnerability in me to the point that I just want to run and hug him.

Tell my sorrows for the passed years.

Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa kaisipang iyon. I averted my gaze so I could prevent my tears from falling.

How can I seek comfort when he is the person I kept running away from. In his eyes, I killed his mother. He would be glad to strangle me rather than give comfort.

Umatras ako nang umabante siya patungo sa akin. Luminga-linga ako, panicking and searching for a way out.

Sumingkit ang mga mata niya tila nakuha ang aking iniisip. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin.

Kumabog ng malakas ang aking dibdib sa halo-halong emosyon at kaba.

"Lumayo ka!" I shouted at the top of my lungs. Natigilan ito.

I was panting hard dahil sa malakas na pagsigaw. Nangingilid ang luha ko sa takot. I lift my hands to stop him.

"Fausea...." he breathed out as if calming his nerves.

"Layuan mo ako!" Umatras ako at ibinato ang biniling pagkain ng mga bata. He looks taken a back when the seafood sauce splashed on his white dress shirt.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang tumakas. I ran, unable to think straight. Paglingon ko sa aking likod ay lumabas ang mga naka all-black bodyguards ni Rhyno, He gestured his hands, to where I ran. Alam ko na ipapahuli niya ako.

Umiiyak akong lumiko sa gitna ng mga villas patungo sa garden. Nagtago ako sa isang malaking halaman at nilabas ang phone.

I texted Nanay Dolores na kunin muna ang mga bata sa bahay niya. Hindi ko alam ang sakop ng nakalap na impormasyon ni Rhyno patungkol sa akin ngunit mabuti na ang sigurado.

I was about to dial my brother's number nang makarinig ako ng mga yapak.

"Nakita niyo?"

Napatakip ako sa aking bibig dahil walang tigil ang aking panginginig at pag-iyak.

Jusko, paano na ang mga anak ko kapag mahuhuli nila ako?

"Nakito kong dito tumakbo kanina."

"Check the bushes." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig si Julius, ang head bodyguard ni Rhyno.

Sumiksik ako sa paanan ng halaman. I curled like a fetus on the bare soil, praying that they will not find me. Hindi ko na alintana ang kati dahil siguro sa mga insekto na naroon sa lupa at halaman.

"Wala!" sabi noong isa.

Huminga ako ng malalim nang makarinig ng yapak papaalis. Nanghihina akong naupo at tinakpan ang aking mukha. I sobbed out of panic and fear.

I didn't know that Rhyno would make me feel these frightening emotions. I feel so lost, ang sakit din ng puso ko.

"There's no point of hiding, Ma'am."

Nanlaki ang mga lumuluha kong mata. I looked at my back and saw Julius staring at me. I saw pity in his eyes. Napatayo ako ngunit maagap niyang hinuli ang aking mga braso.

"Let go!" I shouted. Nang makakita ng guest ay nagsisigaw ako. I heard Julius cursed bago siya may nilagay na panyo sa aking ilong. The foreigner who run to help me is the last thing that I saw before darkness consumed me.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora