Chapter 39

2.7K 41 9
                                    


Ramdam ko ang kagustuhang manakit ni Rhyno ngayon.

Dati pa, maihahalintulad ko sa isang bagyo ang kaniyang dating. He was silent but his stances scream rough and darkness.

Gracia lifted her head. "She deserved it."

I gasped dahil walang kurap niya itong sinabi. May kinalaman talaga siya.

I jumped when Rhyno punched the table. Si Archer ay bumubukas at sumasara ang kamao, gustong manuntok. I bet the whole Ponferrada clan is now on their way.

Nababahala ako para kay Gracia. Dalawang guard lang ang nandito, walang magsasalba sakanya kapag lumiko ang isip ng magpinsan. I experienced firshand what they can do to get the justice that they want.

"So you asked your father to kill my mother?"

Umiling si Gracia. "No. My father's target was Dion."

I wanted to run to her nang makita kong nahirapan siyang bigkasin ang pangalan ng kaniyang ex. I knew the trauma and it cost her big sacrifice, her child.

Nangunot ang noo ni Rhyno. "W-what do you mean?"

Napapikit ako dahil sa kahuli-hulian pala ay hindi siya naniwala sa mga sinabi kong ginawa ng ina niya.

"Nalaman ng Papa na may alam si Dion sa underground business niya." She gasped as I heard her starting to tear-up. "Do you even know why your mother and my ex were together that time?"

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Mga ala-ala ng nakaraan ay biglang bumalik...kung paano ko nawala ang panganay kong anak, kung paano ko nahuli ang baho ng aking byenan.

"What are you talking about?" it was Archer who asked. Saktong bumukas ang pintuan. It revealed Aaron and Pia Ponferrada together with Devaughna.

Mapaklang tumawa si Gracia.

"Dion got me pregnant and he didn't want to acknowledge the baby. He wants me to abort it or else he will disclose my father's corruption." Napatingin si Gracia sa akin.

I shook my head ngunit nagpatuloy siya. "I was forced to abort the baby and Fausea was a good samaritan to let me use her name para hindi malaman ng ama ko na nagpalaglag ako."

Everyone on that room gasped. It was so loud na parang nabibingi ako. Kita ko ang gulat sa mga mata nila. I saw how Rhyno's eyes widened, napatingin sa akin.

"But her help costs her unborn baby, labis akong nakokonsensiya." Naiyak ito. "I didn't know that the car who tried to kill her was intended for me. To make sure that my baby is gone. Alam niyo ba kung sino ang sakay ng sasakyang iyon?"

Napahawak ako sa upuan at unti-unting naupo. All those nights na naririnig ko ang iyak ng baby. All those time that it's killing me to want to go back in time para maibalik siya.

"Go straight to the point!" Devaughna shouted.

"It was Marquissa! That whore!" she shouted so loud at tumayo. "May relasyon sila ni Dion! And my baby! My poor baby didn't see this world because she want it gone!"

I sobbed at tinakpan ang aking bibig dahil sa labis na pag iyak. We both lost our baby because of them. We share the same sorrow.

Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Trevor.

"Nakakadiri ang ina mo Rhyno! Nakakadiri sila ni Dion! They are fucking like animal behind your back! She sees my child as a threat! Alam niyang mawawala si Dion sakanya kaya ginamitan niya ng kapangyarihan ang tuta mong kaibigan na isa ding hayop!"

I saw how Trevor grabbed her out. He kept whispering her to calm down.

"Siya ang nagmamaneho ng sasakyang bumangga kay Fausea! Siya ang pumatay sa anak niyo!"

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now