Chapter 15

1.2K 27 0
                                    




Medyo late akong nagising dahil matagal bago ako dinalaw ng antok. I stood up and went straight to the vanity mirror to comb my hair. Nagtagal pa akong naupo doon dahil nagmessage si Bell bago ako nagtungo sa banyo upang maligo.

After an hour, Maddie showed up while I am putting some sunscreen.

"Gising na po pala kayo, ma'am." Aniya.

"May kailangan ka?" I raised up a brow.

She shook her head. May matamis na ngiti sa labi. "Binilin lang po ni Mr. Villarojo na akyatin kayo kapag hindi pa kayo bumaba ng alas nuebe."

I frowned and faced her fully. Bakit ibinilin? Bakit hindi nalang siya? May pinuntahan ba?

"Why? Where is he?"

She cleared her throat. "Bumisita po sa rancho, may pinapaanak po yata silang sampung baka. Kaninang madaling araw pa po wala si Ser."

Madaling araw? I didn't even notice.

I sighed and continue my skin routine. Maddie eyed me. "Dadalhin ko na po ba ang lemon water at breakfast niyo dito, ma'am?"

Agad akong umiling. "Sa baba nalang ako kakain."

Sabay kami ni Maddie na bumaba. As usual, some maids are cleaning. Walang nakakatakas na alikabok sa mansyon na ito.

I was about to pass by the maid cleaning the grand portrait when she smiled at me and bow. "Magandang umaga, ma'am."

I stilled. Napahinto din si Maddie. Tinitigan ko ang babae ng puno ng pagtataka. I didn't hide my frowning forehead.

"B-bakit po?" kinakabahan nitong tanong at nagsimula nang mailang.

I heaved a sigh and shook my head. "Nevermind."

Naglakad ulit ako at bumati din ang mga nadadaanan kong iba pang mga kasambahay, may ngiti pa sa mga labi. When I arrived at the dining area, sinalubong ako ni Manang Lupe at ngumiti.

"Magandang umaga, hija. Naihain na ang iyong pagkain gaya ng bilin ni Maddie."

I took a gulp. I am weirded out, what exactly is happening?

"Ma'am Fausea?" Manang Lupe waved her hand on my face.

Napatitig ako sakanya, she slightly frown when I didn't talk nor utter anything. I was left astound.

"A-ah... uupo na daw si Madam, manang! Salamat po!" Maddie hurriedly guided me to my usual seat on the dining table.

"Ma'am, kain na po." Maddie smiled nervously. Siguro napansin niya rin ang kakaibang pakikitungo ng mga tao dito sa akin.

I looked at Manang Lupe. "S-salamat po."

I felt light headed habang kinukuha ang kubyertos. Magmula nang tumira ako dito, talagang pinapasabi ko na kay Maddie kung ano ang gusto kong kainin bago pa ako umupo sa hapag.

Everyone is very welcoming. May kinalaman ba ito sa pag-uusap namin ni Rhyno kagabi?

I heaved  a sigh bago umiling at pinagpatuloy ang pagkain. I don't need their warmth welcome if it is a mandatory policy to this household. I need to talk to Rhyno.

Papatapos na akong kumain nang makarinig ako ng huni ng sasakyan at tawanan sa may sala. Minutes after, I saw a very familiar man habang nag-uusap sila ng aking asawa.

Nagtatawanan at mukhang maganda ang topic.

"Manang Lupe! Namiss po kita!" The guy happily greeted at niyakap pa ang ginang. He also greeted the maids at mukhang kilala niya lahat ang pangalan ng mga ito.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon