Chapter 35

2.7K 39 6
                                    

"Hey, what are you doing here all alone?" Kuya asked. Umupo din sa dalampasigan.

Tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan.

"I don't belong there."

He tsked. "Hinahanap ka na ng mga bata."

Truth is, hindi ko alam kung paano pakitunguhan ang mga tao sa loob. Alam ko naman kung saan kami hahantong pagkabalik ng Pilipinas.

Sa kulungan.

"I know. Magpapahangin lang. Where is Bellamy?"

"Gusto niyang makita si Beath. Pero ayaw niyang pumarito." Ngumisi ito at bumaling sa akin. "You know why."

I frowned. "I know nothing."

Mahina itong humalakhak at umiling. "Yeah, whatever."

"Why did you do it, Kuya?" I asked, nawala ang ngiti nito. "Why ask help from Rhyno? Diba malakas ang boss mo dito, why didn't you ask him instead?"

Just like years ago. He could ask Bellamy to marry me but he chose Rhyno.

Pumulot siya ng maliit na bato bago pinaglaruan ito.

"I did, Fausea. Sa tingin mo ba gusto kong pangunahan ka? Hindi." He sighed. "But my boss said that he can't help this time. I should asked the father of your children."

Napakunot ang noo ko. That's it? Years of helping us hide from Rhyno tapos siya mismo magsasabi na sabihin dito ang tungkol sa mga bata? He knows how to play games.

"About your friends and the old lady. Ligtas sila, I made sure that they are taken care off, nasa Waipahu sila ngayon."

Tumango ako. "Thank you."

Ilang saglit pa kami doon bago kapwa bumalik sa loob. Natigilan ako sa nabungaran. On the wide living room ay may nakalatag na extra foam and sheets. Nakaupo ang tatlong bata at nakapantulog na.

"Am I doing it right po?" Fauna asked Rhyno na kasalukuyang tinuturuan si Rhysea na gumawa ng papel na eroplano. Naka-sweatpants at shirt na rin ito.

For the first time in many years, I saw Rhyno smiled genuinely.

"No, baby. You should fold it this way." At kinuha nito ang papel, muling itinuro ang pagfold.

"I did it!" Beath happily informed.

Rhyno smiled at ginulo ang buhok ng bata. "Good job, champ."

"Me too." Rhysea shyly informed. Pinisil ni Rhy ang pisngi nito.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking dibdib. Tinapik ako ni Kuya.

I saw his smiles. "Mauuna na ako. I'll visit tomorrow. Magpapaalam sana ako sa mga bata but I'll give this moment to their father."

I nodded. "Ingat ka."

Lumabas na ito ng bahay. Muli kong pinagmasdan silang apat. May hindi mapangalanang damdamin sa aking puso. I can feel happiness in Rhyno's aura maging kapag dadapo ang mata nito kay Beath.

Maybe he was imagining that it would have been like that if our son lived.

Unti-unti akong lumapit.

"Anong ginagawa niyo?" I softly asked.

Proud nilang pinakita sa akin ang eroplano. I saw from my peripheral vision how he stare at my movement. Binalewala ko ito.

"We made planes!"

Napangiti ako. "Wow, ang galing naman."

Nagpakandong si Rhysea sa akin. When I gaze at Rhyno. Hindi ko alam kung magugulat ako.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now