Chapter 31

2.4K 39 1
                                    




Napahawak ako sa seatbelt at sa dashboard dahil mas bumilis pa ang sasakyan nang makarating kami ng bypass road. Walang masyadong sasakyan.

Alfaust's sportscar and Trevor's Land Cruiser is madly chasing the Grandia Van.

Nasa kahabaan na kami ng palayan malapit sa bridge nang humarurot si Alfaust. He went to overtake.

Nagmura ako nang iharang niya ang minamanehong sasakyan para mapigilan ang Van.

"Kuya!" I shouted.

Kabang-kaba ako dahil akala ko'y sasalpukin siya ng Van ngunit napapreno ito.

I heard Trevor's chuckle. "Damn, that's one hella move."

My eyes widened when Alfaust fastly jumped out of the car together with Torin. He left his own engagement party?!

Bababa sana ako nang pigilan ako ni Trevor. He shook his head.

"Torin is there. Although he is a friend of your brother, Ponferrada ang mapapangasawa niya and Rhyno is also his friend." Aniya.

Napahinga ako ng malalim dahil rinig ang pagkalabog ni Torin sa van. Galit na galit ito at halos sirain na ang salamin. Kuya seems to be talking calmly with the people inside habang pinipigilan si Torin na nagngingitngit sa galit.

"I'm glad I don't have a sister." Ani Trevor habang pinagmamasdan si Torin na magwala. No one is coming out from the Van.

I could see Alfaust's expression in him before sa tuwing makikita niya ako kasama si Rhyno.

I gasped when the Van opened. Nagwala na ng tuluyan si Torin. He pulled Bellamy's colar at agad dinapuan ng suntok. Kuya tried to stop him and two men went out pointing a gun at my brother and Torin!

Lalabas na sana ako nang hawakan ni Trevor ang kamay ko.

Bellamy shook his head at ibinaba ng dalawa ang baril. Torin threw a punch and a kick bago marahas na hinawi nito ang mga bodyguard na dala ni Bell. Akala ko si Charry ang hila nito pero nanlaki ang mga mata ko nang makita si Gracia Torralba.

Why is she there?!

Tatanungin ko palang sana si Trevor nang marinig ko nalang ang marahas na pagbagsak ng pinto ng Land Cruiser. He ran to the commotion.

Torin was mad, he was about to slap Gracia na ayaw siyang papasukin sa Van ngunit mabilis na pinigilan ni Trevor ang mga kamay nito. He pulled Gracia by her waist.

He stare at Torin. Man to man.

Nagtanguan ang dalawa bago walang lingon-lingong binuhat niya ang nagpupumiglas na Gracia. I frowned, puzzled by the scene.

"Let me go, Trev!" She shouted when Trevor deposited her at the back seat. "Walangya—"

Natigil ito nang makita ako. ganon din ako, gulat na gulat.

"Fausea?" aniya.

"H-hi, Gracia. It's been years." Mapait akong ngumiti.

She looks taken a back bago nag-iwas ng tingin. Doon naman pumasok si Trevor at ni-lock ang buong sasakyan.

"You're really pushing my limits, Grace. Isa pa." Trevor uttered with warning. For a second, I thought he is not the bubbly asshole Trevor.

Umirap lang ang huli at ibinaling ang tingin sa gilid.

Ibinalik ko ang tingin sa gawi nila Kuya at halos mapunit ang puso ko sa nakikita.

Bellamy is crying on his bended knees pulling Torin's slacks na buhat ang walang malay na Charrina.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now