Chapter 33

2.5K 35 12
                                    

Warning: Mention of sensitive topic

———

Naramdaman ko lang ang kaba nang papasok kami sa isang masukal na daanan. Not long after I saw armed men with big guns in black soldier uniforms guarding a big gate.

Nanlamig ang aking kamay. I took a glance at Rhyno na kinakausap ang naka-itim na unipormeng sundalo or I don't know.

Dati-dati ko pa naririnig ang Dominion Agency ngunit pribado ito. Iilan lang ang impormasyong alam ko.

After the first checkpoint ay may kasunod pa pagkatapos ng sampung minuto. Apat na checkpoint yata ang nadaanan namin bago ko nakita ang malawak na mansyon.

Yes, a mansion.

Pero sinabi kanina na headquarters?

The guard opened the door of the limousine when we reached the grand front, it reminds me of the temple of olympus. Kung titignan ay magarbong mansyon lang ito.

Nagulat ako nang may lumabas na mga armadong lalake. Iyong isa ay nilagyan ng posas ang aking mga kamay at hinila ako papasok. Hindi ko na muling tinignan si Rhyno.

"I want a lawyer." I said as they drag me inside.

Ngumisi iyong katabi kong lalake. "That's not the process here, Miss."

Nagpumiglas ako ngunit mas hinigpitan nito ang hawak sa akin. I grunted in pain. My eyes darted at Rhyno na tahimik lang. Blangko ang tingin nito, sa tabi nito ay si Julius na may binubulong sakanya.

I was a bit lost thinking if my decision was a good idea nang mamalayan ko nalang na may humablot sa aking buhok.

"Mamamatay-tao!"

The voice of Devaugna echoed through the whole living room. Napasigaw ako nang makalmot ang aking leeg. Nangilid ang luha sa aking mata.

Someone pulled her away from me. It was Archer, galit din ang tingin nito sa akin.

Nanginig ang aking labi nang makita din si Aaron Ponferrada at ang asawa nito. Lahat sila ay mukhang galit.

"Bakit niyo pa dinala dito 'yan? You should've just killed her on the spot." Aaron Ponferrada coldly utter na siyang nagpalamig ng aking buong pagkatao.

Hindi talaga nila balak na ipahuli pa ako.

I began to panic. Iginala ko ang aking mga mata searching for a way out, searching for comfort. Ngunit wala.

Napapalibutan ako ng mga taong gusto akong ipapatay.

My eyes travelled to Rhyno and all I could see is nothing, he was just standing and watching while his family hurt me. Our eyes met but I could not see the warmth and assurance of safety.

I was startled nang marinig ang pagkasa ng baril. Namalayan ko nalang na nakatutok sa akin ang baril ni Archer.

Kapansin-pansin na ang panginginig ko ng sobra. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. I closed my eyes as tears and sobbed escaped from my lips.

I was buying time para mahanap ako ni Kuya. Pero kung ito na ang katapusan ko, ipinapanalangin ko nalang na ligtas ang mga anak ko kasama niya.

Rhysea....Fauna....

I jolted in shock nang pumutok ang baril. I cried loudly.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay sa katabi kong base tumama ito. Archer was being pushed kaya namali ang tama ng bala.

"Putangina, Rhyno!" ani Archer at itinulak pabalik ang pinsan.

Rhyno didn't back down.

"Rhy!" Aaron Ponferrada protested nang lumapit ang pamangkin niya sa akin.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now