Prologue

4.3K 43 9
                                    

Prologue


Nasa hamba ako ng pinto, suot ang itim na bestida. Tinatanaw ko ang aking nakakatandang kapatid na tinutungga ang bote ng alak kahit umaga palang. Kapansin-pansin na wala itong tulog at deretso ang pag-inom mula kagabi.

"Kuya? Mag-bihis ka na. Hinihintay na tayo nina Mommy at Daddy." Sabi ko habang pinipigilan ang paghikbi.

Mapait itong ngumiti, ang kanyang tingin ay deretso sa kisame. Naaawa ako sa itsura niya ngayon, hindi siya iyong mayabang kong kapatid na mapang-asar at astig.

"Hinihintay?" nilingon niya ako gamit ang nakakapangilabot na itsura at tsaka ibinato ang bote ng alak sa kanyang harapan kaya napatili ako.

"Hinihintay?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Fausea?! Hindi na sila babalik! Iniwan na nila tayo!"

Nagwawala na ito habang tagaktak ang luhang bumubuhos mula sa kanyang mga mata. Tinakpan ko ang aking mga tenga at unti-unting umupo, panay ang aking mga luhang tila'y walang hanggan.

I want to skip this part of my life, I want it to end. Kung panaginip lang ito, gusto ko nang gumising, pagod na ako. Pagod na pagod.

"What happened here?" dinig kong tanong ni Bellamy.

Umupo ito sa harapan ko, una kong nakita ang awa sa mukha niya at galit noong binalingan na niya ang kapatid ko.

"What the hell, man! Huwag mo namang saktan ang kapatid mo! Wala siyang kasalanan dahil aksidente ang nangyari!" galit nitong bulyaw kay Kuya Faust.

Agaran akong tumayo dahil nakita kong susugurin na siya ni Kuya. "No, Bell. Hindi niya ako sinaktan... he threw the bottle somewhere."

Pagkasabi ko noon ay nasa likod ko na si kuya ngunit pumagitna ako noong ku-kwelyuhan na niya si Bellamy. Nanghihina ako at pagod na pagod ngunit ayaw ko namang magsuntukan ang dalawa.

"Sino ka ba sa tingin mo para makialam?! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mamatayan ng magulang!" he agonizingly said and held his head using his both hands na parang hindi na alam ang gagawin. Dinig na dinig na ngayon ang hikbi niya.

It was my very first time to see my brother at this state. I grew up with his brave side and I can't bear watching him like this.

He slowly broke down and it pains me so much, these unwanted events...ang pagkamatay ng mga magulang namin at ang nakakaawang itsura ni Kuya ngayon. Lalapitan ko na sana siya ngunit may mga kamay na pumigil sa akin.

"Wala sa wastong wisyo ang Kuya mo, Fausea. Baka masaktan ka niya." He said with full concern.

I smiled weakly and wiped some dropped tears from my eyes."He can't overcome this alone, Bellamy. He needs comfort, at kami nalang ang magkaramay ngayon. "

Unti-unti kong tinanggal ang hawak nito sa akin at dinaluhan ang aking kapatid na nakasandal na ngayon sa cabinet. Ang damit niya kagabi ay iyon parin ngayon, gusot ito at magulo ang kanyang buhok sabayan ang malakas na amoy ng alak.

Gustuhin ko mang maging katulad niya, ang maging mahina dahil sa aming nasawing mga magulang ngunit, sino ang tatayo para sa aming dalawa ngayon? Sino ang aayos ng burol? Wala naman kaming mga malalapit na kamag-anak para tumulong. Wala akong choice kundi ang magpakatatag at tumayo para sa amin ng Kuya ko.

"Kuya, pakiusap... magbihis ka na. Ihahatid na natin sina M-mommy at Daddy. Hindi ko kayang makita ka ng ganito at kung nandito sila, hindi rin nila gugustuhin ang nangyayari sa'yo." Hikbi ko.

"Napaka sakit, Fau.... napakasakit. Ang huli kong sinabi bago sila bumiyahe ay sana huwag n-nalang si-lang b-buma-lik." Puno ng pagsisisi ang bawat bigkas nito na dahilan upang mas lalo pa siyang umiyak.

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Where stories live. Discover now