Ibabato ko sana 'yung controller sa kanya kaso tumakbo na siya palabas ng bahay, "Hoy, kapag may nasira kang gamit ko diyan! Patay ka sa akin!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas.

"ULOL!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot, narinig ko na lang na bumukas ang gate at sumara.

Mag-isa lang dito na nakatira ang pinsan ko sa Apartment niya, minsan sinasamahan ko siyang tumira dito pero madalas eh umuuwi ako sa bahay namin.

*I got a boy meotjin~ I got a boy chakhan~*

Ay, @#%&*/()

"Hello?!" May tumawag kasi sa akin eh, pagpasensyahan niyo na. Badtrip kasi ako ngayon.

[Anung Hello?! Hindi ka man lang nagtext na umuwi ka na pala, kung 'di ko pa tatanungin si Justin eh hindi ko malalaman?] Okay, makinig tayo sa Homily ni Venice. Punyemas!

I rolled my eyes, ipinatong ko pa ang dalawa kong paa sa lamesa, "May sasabihin ka pa?" May attitude problem na 'ata ako dahil grabe na inaasal ko. :D

[A-anong?! Hoy, JC! Ikaw ang nang-iwan! Ayos makaasta, ah?!] Sigaw niya mula sa kabilang linya.

'Oo nga naman, Jade... kasalanan mo!!' anang sabi nang konsensya ko.

Putek! Nababaliw na 'ata ako, kinakausap ko na ang sarili ko. ㅠ ㅠ

"May nangyari kasing 'di maganda!" Sabi ko sabay higa sa couch habang nakapatong pa rin ang paa ko sa mesa.

[Oh? Ano ba kasing nangyari?] Medyo humina na ang boses ni Venice. Kwento ko na lang kaya sa kanya na si Starbucks 'cute guy' ay si 'katabi ko sa jeep'?

"Ah, wag mo na alalahanin. Okayㅡ" Hindi pa ko tapos magsalita eh sumigaw na naman siya mula sa kabilang linya kaya inilayo ko sa tainga ko 'yung phone. Mabibingi ako nang 'di oras nito eh.

[ANUNG 'WAG INTINDIHIN?! EH PARA AKONG TANGANG NAGHINTAY SA RESTAURANT TAPOS HINDI MO SASABIHIN 'YUNG DAHILAN?!] Galit na galit talaga siya. Ansabeeee!

Tumawa ako nang bahagya, "Oh, kalma ka lang!"

[Leche ka!] Kumalma naman siya. Good dog!

"Oh? May sasabihin kaㅡ?" Ayan na naman tayo sa paninigaw at hindi niya ko pinapatapos sa pagsasalita.

[JADE CARLA ARAGON! BUBUGBUGIN NA TALAGA KITA!!]

Tumawa na naman ako, natutuwa talaga ako kapag napipikon siya. Pikunin kasi eh. Hahaha!

[Sige, tawa pa! Ang saya mo eh!] Sabi niya na may halong sarkasmo kaya natawa ako. Sabihin ko na nga sa kanya nangyari baka ma-highblood pa siya nang di oras, kasalanan ko pa kapag nagkataon. :D

"Oo na, magku-kwento na!"

[Talaga?! Ano ba ang nangyari?! Nadapa ka ba o nasubsob?! At saan nangㅡ] It's time for me to shine, kaya ako naman nagputol sa mga sasabihin niya. :D Hahaha.

"Huwag kang atat, Elizalde." Sabi ko na may seryosong tono pero ang totoo niyan... natatawa talaga ako. Hahaha.

[Sige na nga, makikinig na ako. Go!]

Sa wakas at nagpaawat naman siya kahit papaano, 'di ba? Baka magbago pa isip ko at hindi i-kuwento sa kanya eh.

"Ganito kasi 'yun..."

Minutes have passed, alam kong taimtim lang siyang naghihintay at nakikinig.

[Ano na?! Huy!]

Natawa ako! Hahaha! Curious talaga siya.

"Hahaha! Eto na nga, ano kasi... uhmㅡ Si Starbucks Cute Guy kanina sa mall at si Katabi ko sa Jeep ay iisa."

[Oh, taposㅡ WEH?! Aba't kay gwapong nilalang pala ni katabi mo sa Jeep! Peroㅡ siya ba talaga 'yun?!] Exaggerated niyang pagkakareact, oo EXAGGE.

'Yung katabi ko sa JeepOù les histoires vivent. Découvrez maintenant