54

11 2 0
                                    

Denial


Ilang ang araw na ang dumaan pero mas lumalala yata ang pagkalumo ko. Umabot na rin sa punto na hindi ko na kayang labanan ang kalungkutan kaya napapasama na rin ako sa pag paparty ni Dinara.

Alam kong plano ko dapat ay ang maging matinong babae at na mag bagong buhay na pero ang hirap gawin. Siguro dahil ang rason kung balit ko gusto iyon ay hindi para sa sarili kundi ang pangarap na sana magustuhan niya ako ulit.

Pero wala nang silbi iyon ngayon kaya bakit pa? At hindi ba ang tunay na pagmamahalan ay tanggap ang pagkatao ng isa't isa? Tanggap mo ng buo ang pagkatao ng mahal mo magandang ugali man o panget. Mabuti man o masasama.

Ang pagmamahal dapat walang kondisyon at walang dahilan. Hindi rin naman ako magmamahal ng tao dahil lang masarap sila sa kama kaya dapat mahalin ako pabalik kahit na hindi lahat tungkol sa akin ay maganda.

I resumed going out to parties. The past time, I deliberately avoided other men, but now that I'm single and open to meeting new people, I see no need for me to continue doing so. I am halfway thirty now, I believe it is finally time for me to fully embrace and enjoy my life.

Within a week, I've already gone on a date with Barry on one of my layovers, danced sensually at a bar with a member of my crew, and flirted with a man I met at a club who I later realized is an engineer.

"Girl is booked and busy," bati ni Dinara at naupo sa aking harap. Some of my colleagues knew that Carlos and i are talking lately. Siya yung nakasayaw ko sa isang party at nalaman ko rin na matagal niya na palang nakwento sa ibang kasamahan na crush niya ako kaya lang hindi nakaka lapit s aakin dahil masyadong busy sa trabaho.

O kaya naman masyado akong nakakulong sa isang grupo. He said that it's hard to approach me when i am surrounded with my friends all the time and that i am always occupied.

Mataas na ang rank sa trabaho kasi mas nauna nga naman siya ng ilang taon dito sa kompanya hindi ko lang talaga siya napapansin dati. Magkasama na rin kami sa ilang flights dati pero hindi naging close at literal na trabaho lang talaga pag nakakausap ko siya.

He's spanish and very masculine latino looking. Malinis ang ayos niya dahil standard talaga ng airline at dahil sa sobrang busy sa trabaho ay puti rin ang kaniyang balat.

Saw his pictures on his phone and he's usually a bit tan, hindi na nasisikatan ng araw kaya pumuti lalo ngayon. Our colleagues teasingly cheered us at work, matagal na nilang alam na crush nga ako ni Carlos kaya ngayon ay kilig na kilig sila pag nakikita na sabay kaming naglalakad papasok sa aircraft o kaya naman magkatabi kami at nag uusap tuwing nasa briefing.

Pag waiting hours naman o may delay ay magkatabi rin, pinahawak niya pa nga sa akin ang kaniyang cellphone kaya nakita ko ang mga pictures niya doon. I checked what's inside it while he's beside me, explaining.

Alam ni Dinara na may nakakausap akong bago ngayon kaya panay tukso niya sa akin kapag nagkikita kami. Medyo naging biruan din kasi sa trabaho kaya naging laganap sa lahat ang kwento.

Naintriga rin siguro ang ibang kasamahan dahil sa inside joke na iyon, kakabiro ng ibang mga katrabaho sa amin ay nalaman na rin ng iba ang tungkol sa pagtingin ni Carlos sa akin na ngayon ay nabigyan ko na ng atensyon.

"By the way, Nathan and Nicco are alarmed about the news. We're rostered together today, so be ready for them to ask you about your dating thing later. "

Sumimsim lang ako sa aking kape at hindi na dumagdag sa usapan. Usap lang naman at hindi pa kami ni Carlos kaya hindi ko rin get kung bakit advance rin ang kwento ng iba tungkol sa amin. Dala rin siguro ng excitement nila sa kwento kaya nakaabang parati ang lahat kung anong latest.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon