8

23 2 0
                                    

Hate


Ang sama ko ba kung iba ang nararamdaman ko? Masama ba kung biglang nasisira ang araw ko pag naririnig ang pangalan ni Carmina?

Biglang tumawag si Angelo pero di ko nasagot kanina. At isa pa hindi rin naman talaga ako tumatanggap ng tawag lalo na pag unknown caller.

Nalaman ko nalang nang may nag text at nagpakilala.

Av, Saan ka?

- Andres

Trip nitong lalakeng to bigla bigla nalang sumusulpot.

Ano? Busy ako. Try mong tawagan si Bree.

-Avis

Labas tayo. Coffee shop?

-Andres

Pinagloloko mo ba ko, Angelo?

-Avis

Nasa baba na ko ng condo mo. Labas. Dali!

-Andres

Gago ka ba? Matutulog na ako. Anong oras na tapos magkakape pa? Baliw ka ba?

-Avis

Sige na? Di ako aalis dito.

-Andres

Bahala ka.

-Avis

Di ka maaawa sa akin?

-Andres

I will wait.

-Andres

Almost 2 weeks na mula nung nakauwi kami galing baguio. Walang communication tapos biglang magpaparamdam ngayon?

Hindi nga kami friends sa facebook. Kung di ko pa inadd friend si Carmina ay di rin kami friends ni Carmina sa facebook.

I got your number from Bria. Hope you're not annoyed at our friend.

-Andres

Bababa ka?

-Andres

Halos lumayo na ako sa phone ko para lang di sumagot sa mga messages ni Angelo. Kumain na ako. Malinis na ang kusina. Tapos na akong maligo at mag skin care. Matutulog na ako kaya ba't ako lalabas para uminom ng kape?

Please?

-Andres

Bigla siyang tumawag pero di ko sinagot. Limang unanswered calls from him. Then he resorted to video calls.

Answer my call. I know you're still awake.

-Andres

I forced my self to close my eyes and sleep. Tinapon ko na nga lang ang cellphone sa may couch kasi ring ng ring.

Turned off my bed side lamp just to entice myself to sleep. Pero ilang minuto lang bubuksan ko na naman na parang baliw. Paulit ulit.

Almost 30 minutes akong parang baliw sa kwarto. I wanna slap myself so hard kasi bakit ba ang easy ko? Bakit ba ang confusing ko? Ano ba talaga ang gusto ko?

Pag kaharap ko siya bigla akong naghahang. Yung speechless ka lang at nakatingala sa kaniya. I tried my very best to be civil naman and be there as a friend. Minsan nag uunahan yung utak at yung katangahan ko. I always choose to be rational and logical about it. Kasi sa totoo lang wala naman talaga dapat akong maging reaction kaya lang ewan ko ba di ko makontrol yung emotion ko lalo na pag tungkol sa kanilang dalawa.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedWhere stories live. Discover now