44

10 2 0
                                    

Dinner


Pinilit ko talagang manatili sila Dinara sa tabi ko para lang di na kami magkaroon pa ng interaction ni Deuce. Dala ng emosyon kaya napag desisyonan kong wag na ngang ipagpatuloy pa ang sa aming dalawa.

Mas mabuti iyon para mas matugunan din lalo ni Deuce ang dapat niyang ayusin at ako naman ay makapag isip na nga ng tama. Ayaw ko rin naman na ipilit ang mga bagay na kusang hindi nagtutugma.

May panghihinayang at lungkot man pero mas nangingibabaw ang tampo at siguro nabigla rin sa mga nasabi. Atat na atat siya na mabigyan ko siya ng sagot sa tanong niya kaya nainis din ako dahil bakit ba dapat minamadali ang lahat. Hindi ba na mas nakakabuti yung sigurado kesa sa magsisi sa huli?

Sunod sunod ang inom kong cocktails at halo halo na rin dahil panay abot ni Lia sa akin. They knew about what happened to Deuce and i earlier. Nakiusap pa nga ako na manatili lang sana sila sa tabi ko para makaiwas na rin.

"Sahara dry for Adita!" hiyaw ni Nathan at inabot ang cocktail kay Adita.

"Urgh! I think i deserve that mine's dry as fuck like sahara desert right now!" reklamo ni Dinara. Ito kasing si Nathan ay malaki na nga ang kinuhang yacht para sa party eh wala namang ibang lalake rito eh wala rin. Panay reklamo nga nila na sawang sawa na sila sa pagmumukha nila Nathan.

"Damn! I'll find you a guy, Adita! Don't worry," Nathan shook his head before leaving us. Nasa taas kami ng yacht at medyo mahangin na rin at naghihintay kami ng sunset. Malakas ang pinapatugtog na party music habang abala ang boys sa mga inumin.

Kanina pa lang ay medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko, naparami yata ang nainom habang naghihintay sa party. Tapos na akong maiyak kanina dahil sa tampo at naghahalong inis kay Deuce kaya ngayon ay goal kong mag saya na lamang.

Ayaw kong mandamay sa mga kaibigan at hindi naman kailangan na malungkot din sila dahil lang hindi kami okay ni Deuce. Nasa party kami kaya dapat masaya lang.

Dahil nga nangako si Nathan na hahanap siya ng ibang mga kasama sa party ay medyo nag aabang din ako. I wanna meet some interesting people right now. Gusto kong bigyan naman ng atensyon ang ibang bagay.

"I think it's time to pop my cherry!" May halong biro kong kuha ng order at natatawa naman ang mga bartender. Kanina pa kami nnaggugulo rito kaya naging close na rin namin sila.

"Death by sex, here you go." inabot naman ng lalake ang order ni Dinara bago gumawa ulit ng panibagong mix.

"Isn't she pregnant?"

"Don't worry she is getting an abortion tomorrow." Dinara mindlessly said to Yoni while i am trying to relay my requests to the bartender. Kuhang kuha naman nilang dalawa ang atensyon ko at sumimangot.

"What the hell?" singhal ko.

Panay ngisi naman ni Dinara at pabirong tinuro ang lalakeng nasa aming harapan.

"I am definitely not pregnant!" paulit ulit kong sabi sa dalawang kaibigan. Kanina pa nila ako iniinis tungkol diyan at walang tigil naman akong tumatanggi.

"You're vomiting a lot—"

"Because of the cocktails! Of course it will make me feel nauseous!"

"But what if you're really pregnant though? It's a possibility," nag aalalang sabi ni Yoni.

"I am just drunk that's why i dont feel well today," pag pupumilit ko. Dahil nga sa daming nangyari at iyakan ko kanina ay nakwento ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Deuce.

Alam din nila na may nangyari sa amin at syempre mas naging technical sila sa pagbigay ng advice sa akin kanina lalo na at posibleng meron ngang mabubuo tapos ngayon hindi na kami okay dalawa. Nag aalala sila na kung anong mangyayari kung meron nga tapos hindi naman na kami ni Deuce ngayon.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedWhere stories live. Discover now