Chapter 10 part 1

Start from the beginning
                                    

Pagdating sa Monteverde building ay hindi naman siya nahirapang makapasok dahil ng sabihin niya ang kanyang pangalan sa guard na naka duty ay agad siyang pinasamahan nito sa opisina ni Dale Rafael. Kahit nagtataka ay nakiayon na lamang siya sa pagkakataon. 





"Hi, good afternoon. I'm Ellie Rodriguez nandiyan ba si Mr. Monteverde?" Nakangiting bungad ni Ellie sa secretary ni Dale Rafael. 





"Kayo po pala si ma'am Ellie." Humahangang pinamamasdan nito ang kaharap.  





"D-Do you know me?" Nakakunot ang noo Ellie, nagtataka sa ikinikilos ng babae. 




"Ngayon ko lang po kayo nakita, pero nabanggit na po kayo sa akin ni ma'am Althea. Ibinilin nga po niya na kapag pumunta kayo dito asikasuhin ko kayo." 



Napatango na lamang si Ellie, kaya naman pala sa ground floor pa lang ay agad na siyang inasikaso ng malaman ang pangalan niya. Kahit hindi pa niya personal na nakakaharap si Mrs. Monteverde ay napagtanto niyang mabait ito. 


"Ma'am, tuloy na po kayo sa loob wala namang bisita si sir." Inalalayan pa nito si Ellie at ito rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya. 



"Thank you." Nakangiting tugon ni Ellie. 



"Cristy, I've told you na hindi ako puwedeng istorbohin." Reklamo ni Dale Rafael ng maramdaman niyang bumukas ang pintuan, masyado itong busy sa pagpirma ng mga papeles na nasa harapan kaya ni hindi tiningnan kung sino ang pumasok. 



"I know you're busy but I don't have enough time either. Kailangan kong bumalik agad sa Candelaria." Mababakas ang kaseryosohan sa boses ni Ellie. 



Nang marinig ni Dale Rafael ang boses ng bisita ay mabilis niyang tinapunan ng tingin ito. "Ellie, what are you doing here? Xander didn't inform you about the time?" Nagtatakang tanong niya, hindi niya rin alam kung paano nakapasok ito sa building nila ng walang nag inform sa kanya. 



"Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang masusunod kung saan at anong oras tayo mag-uusap. Ano ba ang mahalaga mong sasabihin at pinaluwas mo pa ako?" Napapailing si Ellie habang nagsasalita dahil hindi man lang siya inalok nito sa maupo kaya kahit walang pahintulot nito ay hinila niya ang silya na nasa harap ng mesa. 




"It's about my proposal... nakapag-isip ka na ba?" 




"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Namumula na sa galit si Ellie ng mga oras na yun. 




Hindi maintindihan ni Dale Rafael ang sarili dahil tuwing nakikita niyang nagagalit ang dalaga ay natutuwa siya. "I'll give you 10 million at babayaran ko na rin ang loan ng papa mo sa Monteverde Bank huwag mo lang ituloy iyang pinagbubuntis mo." 




Dahil sa galit ay biglang napatayo si Ellie at ng makalapit sa kinauupuan ng binata ay agad niya itong sinampal. "You're a jerk! Kahit ibigay mo sa akin ang kayamanan ng buong pamilya mo kapalit ng anak ko ay hinding hindi ko tatanggapin!" 




"Ellie, lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapat na halaga. Tell me if the 10 million pesos is not enough." 




Pinukol ng matalim na tingin ni Ellie ang binata, hindi siya makapaniwala na may ganitong klaseng tao. "I don't need your money!  One of these days pagbabayaran mo ang lahat ng ito." Sabay talikod ni Ellie wala ng dahilan para magtagal pa siya sa teritoryo nito. Pero sa kanyang pag-alis ay sinisugarado niya na tuturuan niya ng leksiyon si Dale Rafael hindi na niya hahayaan na may mga kabaro pa niyang mabiktima nito. 



Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now