_______________________


Napakunot ang noo ni Dale Rafael sa hindi inaasahang bisita. "Xander, what brought you here? Akala ko busy ka sa kasusunod sa ex-girlfriend mo?"




"Damn! Huwag mo ngang idamay dito si Lynette. Kaya ako nagpunta dito dahil sa nabalitaan ko." May halong pagkainis ang tono ng panananlita ni Xander. Ayaw na ayaw niyang nadadamay sa usapan ang babae lalo na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos.




Nakangisi si Dale Rafael, alam niyang natamaan niya ang kahinaan ng kaibigan. "Ano naman ang nabalitaan mo?"




"It's about Ellie Rodriguez."




Natawa ng malakas si Dale Rafael nang marinig ang binanggit na pangalan ng kaibigan. "I didn't know...tsismoso ka rin pala."



"I think this is not just a gossip dude. Bakit pinakialaman mo yung tao kung hindi mo naman pala kayang panagutan?"




"Whoaa!! Where did you get that?" Patay malisya si Dale Rafael.




"Hindi ka ba nag-aalala na baka malaman ni tito Gabriel ang tungkol dito?" Patuloy ni Xander kahit kaibigan niya ito ay wala siyang plano na kunsintihin ito sa mga kalokohan.




Napasandal si Dale Rafael sa kanyang swivel chair, bago dumating si Xander ang tungkol dito ang gumugulo sa isipan niya. Hindi niya hawak ang pag-iisip ni Ellie kahit sinabi nito na hindi na siya maghahabol ay hindi pa rin dapat siya maging kampante.




"She told me that she wont involve my parents here. Maliban na lang kung may isang taong magbibigay ng lakas ng loob sa kanya para kausapin sina papa." Matamang tinitigan ni Dale Rafael ang kaibigan.




"Do you think Ellie will allow someone to manipulate her? I only met her once..."




"Sinasabi ko na nga ba... Do you like her?" Agad na nakabuo ng hinala si Dale Rafael.




Natawa si Xander sa nakikitang reaksiyon ng kaibigan kaya may bigla siyang naisip. "Don't worry even I'm attracted to her hindi ko naman puwedeng agawan ang kaibigan ko."



Nakahinga ng maluwag si Dale Rafael sa sinabi ng kaibigan. Kilala niya ito mula pa noong mga bata pa lamang sila at ang alam niya ay iisang babae lang ang nagmamay ari ng puso nito. "Hindi ko naman gusto ang babaeng yun kaya if you like her..."




"I know that you don't even care for her. Si Tyrone yung naging kaibigan ko sa London ang may gusto kay Ellie." Dugtong ni Xander sa sasabihin pa sana ng kaibigan.



May kung anong inis na naramdaman si Dale Rafael. "Then good for her. Ngayon talagang mapapanatag na ako na hindi na nga maghahabol sa akin ang babaeng yun." Pilit niyang ikinukubli ang pagkainis.



"Hindi ko akalain na ganyan pala katigas ang puso mo, hahayaan mo lang na ang ibang tao ang managot sa responsibilidad mo." Dismayadong saad ni Xander. Ang gusto sana niyang mangyari ay pakabahin ang kaibigan sa pamamagitan ni Tyrone ngunit talagang walang pakialam ito kay Ellie.



"O sige para tigilan mo ako. Bukas papuntahin mo siya dito para makausap ko siya. Siguro naman nakapagdesisyon na siya tungkol sa inaalok ko sa kanya." Napapagod na si Dale Rafael na makipagtalo sa kaibigan. Ikinakatakot niya rin na baka ito pa ang magsumbong sa kanyang mga magulang dahil kung nagkataon ay malalagay sa alanganin ang posisyon niya sa kumpanya nila.







Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now