Bahagya siyang ngumiwi, "Like that would happen? I don't want to ruin the special relationship we have right now." Sabi niya at isinandal sa bench ang sarili.

Kaizer scoffed, "Yeah, right. Then you should brace yourself because you'll be stuck as her childhood friend forever." Umiiling iling pa na sabi nito na para bang sigurado siyang iyon ang mangyayari sa matalik na kaibigan.

Napatigil si Darius at napaisip, paano nga naman kung ganoon lang ang kahahantungan nilang dalawa? He liked Sabrina for a very long time, sa sobrang tagal na ay hindi niya na maalala kung kailan iyon nagsimula. Napahilamos siya sa kaniyang palad dahil sa kung anu-anong ideya na ang pumapasok sa isip niya, natatakot siyang sumugal. Ayaw niyang bitawan ang matagal niyang inalagaan na pagsasama nilang dalawa pero sa kabilang banda ay gusto rin niyang magtapat na ng nararamdaman na matagal niya ng itinatago. "I really don't know, man." Hopeless na sambit niya.

Tinitigan ni Kaizer ang hopeless na si Darius at tsaka humalakhak, "Why are you so worked up? It's just a girl, don't stress yourself. If ever it won't go as you please, there's a lot of girls out there who would do anything for you." Mukha mang magandang advice iyon pero dahil tinagurian nang playboy na si Kaizer ay hindi natuwa si Darius.

Sinamaan niya ito ng tingin, "What do you think of my feelings? A pushover? She's the one, Kai. I can't just waste everything just because I'm being impatient." May halong iritasyon na sambit niya.

Umismid si Kai, "Then, suit yourself."

Ilang araw nang nakalipas ang pag-uusap nila ni Kaizer pero bumabagabag pa rin sa kaniya ang mga sinabi nito, pilit niya mang iwaglit iyon ay hindi niya magawa. Mas lalong lumakas ang pagnanasa niyang magtapat na sa kababatang si Sabrina at si Kaizer ang sinisisi niya para dito. Kung hindi nito sinabi ang mga magiging consequences sa hindi niya pagtatapat.

"Are you okay, D.O?" Puna sa kaniya ng kababata, kasulukuyan silang nasa birthday party ni Sabrina. Mas matanda ito ng isang taon sa kaniya pero hindi iyon issue sa kaniya. "Kanina ka pa kasi tulala. Now that I think about it, may bumabagabag ba sa'yo?" Halata dito ang pag-aalala.

Para naman siyang natauhan mula sa malalim niyang pag-iisip, "A-Ah? No, not really."

Ngumuso ito, Darius' heart melted like a quick melt cheese. For Darius, Sabrina is the most beautiful girl in his eyes. "Are you sure? Wala ka pang sinasabi sa akin na kahit ano." Nasa tono nito ang pagtatampo, isa iyon sa ayaw ni Darius.

Huminga ng malalim si Darius, a sign of his defeat. Hindi niya naman kasi matitiis iyon, "Alright, I'm going to tell you everything." Hinila niya si Sabrina papunta sa may fountain kung saan wala masyadong tao, hindi niya na kayang labanan ang urge na magtapat sa kababata.

Napangiti si Sabrina dahil kahit na alam niya na ang past ni Darius ay sasabihin na nito sa kaniya, hindi kasi ito nag-o-open sa kaniya.

Huminga ng malalim si Darius, tinitigan si Sabrina sa mga mata nito at iniwasang maduwag. "I love you, Sab." Para siyang nakahinga ng maluwag nang masabi niya ang katagang iyon, nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay nasabi niya na ang nararamdaman para sa kababata.

Natigilan si Sabrina sa sinabi nito, pero 'di rin naglaon ay tumawa ito. "Don't mess around, okay?" Na para bang hindi nito sineseryoso ang mga sinabi ni Darius.

Napapikit ng mariin si Darius at napabuga ng hangin dahil sa frustrations, "I'm dead serious, Sab!" Halos pabulong na sabi niya. Hindi sumagot si Sabrina bagkus ay tinitigan lang siya, "You don't have to answer me right now. I-I just want you to know my feelings..."

Napabuntong hininga si Sabrina, "Alright." Lumapit ito kay Darius at hinagkan ito ng mahigpit, "I also love you, Darius but can we just take everything slowly?" Malumanay na sambit ni Sabrina, walang pagsidlan ang saya ni Darius nang marinig iyon kaya napayakap siya ng mahigpit sa kababata.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now