Epilogue

12 0 0
                                    

Solaria Pov

6 years later........

Moving on is a phase of transition. It's either a decision that comes after pain or a realization that we should've done that long ago. When we know that it's time to let go. In life, we move on from guilt, from people, from expectations, from regrets, from resentment, from what we thought mattered but didn't. It's a journey and something that needs strength and perseverance. It's not one big step, but many small ones.

Malamig na hangin ang siyang sumalubong sa akin nang makarating ako sa lugar kung sa'n ko siya makikita pero sa pagkakataong 'to ay maayos na ang puso ko. Wala na 'yong sakit, galit, at panghihinayang na meron ako dahil okay na ako.

Inilapag ko ang bulaklak sa tabi ng lapida niya bago nagsquat upang haplusin ito.

"Hi, hon. How are you?" sabi ko bago bahagyang napa-ubo dahil medyo maalikabok 'yong paligid dahil sa sobrang lakas ng hangin. "Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo pero salamat dahil ginagabayan mo akong tanggapin at patawarin ang sarili ko. I hope masaya ka na kasama ng anak natin diyan. Ikumusta mo na lang ako sa kaniya at pasabi na rin na mahal na mahal ko siya."

Napatingin ako sa harapan ko nang biglang unti-unting lumitaw ang imahe ni Tristan habang nakangiting nakatingin sa akin. Pumatak ang luha ko nang makitang may hawak-hawak siyang bata. Sabay silang tumingin sa'kin bago marahang tumango at ngumiti.

Kasabay ng pagtayo ko ay ang unti-unting paglaho ng kanilang mga imahe. "Salamat sa lahat," bulong ko bago ako umalis sa sementeryo.

Hindi naging madali lahat para sa akin pero nagpapasalamat ako kase nandiyan 'yong baby ko na naging lakas ko para lampasan lahat ng hirap at sakit.

Pagkatapos nung araw na 'yon ay umalis na ako at pumuntang America gamit 'yong ipon na meron ako. Narinig ko rin na gising na si Evan tatlong araw nung umalis ako at tama nga si Talie dahil paggising nito ay wala siyang maalala sa tatlong taon ng buhay niya.

Ibig sabihin lahat ng nangyari sa'min ay nabaon na sa limot.

Mahirap oo. Gigising ako ng umaga para umiyak at hilingin na sana nasa tabi ko siya. 'Yong aalis ako at makikita ko na lang 'yong sarili kong nasa airport pabalik ng Pilipinas pero sa huli ay iiyak rin ako pabalik dahil naalala ko ‘yong ipinangako ko kay Talie.

Mas lalo pa akong nadepress dahil sobrang hirap magbuntis. Ngayon ko na-appreciate kung ga'no katapang at kamahal-mahal ang mga nanay natin. Dahil sa pagbubuntis ko ay mas lalong naging saludo at tumaas ang tingin ko sa bawat babaeng pinipiling ipagpatuloy ang kanilang pagbubuntis.

Being a mother is not an easy task because it is a life time responsibilities.

After a year I gave birth to a healthy boy and I named him Ivan Tristan Afante. He's such a cutie....lahat ng pagod at sakit ay worth it nung makita ko siyang inilabas sa akin.

Simula nung ipinanganak ko siya ay mas lalo kong inayos 'yong sarili ko. Lagi akong nag-aattend ng mga session for mental and emotional health and I also spent time to enhance my faith with God then after a years we came back here in the Philippines.

"Mom!" Napatintin ako kay Ivan na nakangiting nagpapadulas sa isang park rito malapit sa subdivision ng bahay namin.

Matapos naming dumalaw kay Tristan ay dumiretso kami rito dahil gusto niya raw maglaro. Kumaway rin ako sa kaniya bago siya ngitian, "careful, baby!" sigaw ko.

Tahimik na hinayaan ko lang siyang maglaro kasama ng mga ibang bata habang ako ay nakaupo at nakasilong sa isang malaking puno.

Ivan is a spitting image of his father. Kaya natatakot rin akong umuwi rito sa Pilipinas dahil baka mamaya ay makasalubong ko sila at magka-gulo-gulo pa ang lahat.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 23, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Affair across the sky  (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang