Chapter 14

12 0 0
                                    

Solaria Pov

Kinabukasan ay maaga akong nagising at napansing wala na si Tantan sa tabi ko. Bumangon ako upang pumasok sa banyo para makapag-ayos. Ilang minuto lang ay lumabas na ako at bumaba sa sala at baka nandun na naman sila para maglaro.

Napakunot ang noo ko nang makitang tanging si Evan lang ang nasa kusina at naghahanda ng pagkain. Tahimik na lumapit ako kinaroroonan niya habang inililibot ang tingin sa paligid dahil baka mamaya ay nagtatago lang si Tantan.

That boy....

"Good morning babe. Are you looking for someone?"

"Si Tant-------huh....babe!?" gulat na sabi ko habang nasa kaniya na ang titig.

Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko at nakaawang ang bibig dahil sa sinabi niya. What the heck! Really babe!?

"Yes, babe?" kita ko ang ngisi sa mga labi niya habang nilalagay ang ulam sa mesa.

Seryoso ba siya o nantritrip lang?

"Not funny," hilaw na ngiti ang ipinakita ko bago pumanhik sa mesa at umupo roon.

"Who says I'm joking, tss," umupo na siya sa harapan ko at nilagyan ng pagkain ang plato ko gaya ng ginagawa niya parati.

"Where's your son?"

"Maaga ko siyang ipinasundo dahil maaga rin ang pasok niya sa school. Why? Hmm...you missed him already?" may paglalaro sa tono niya dahilan para makaramdam ako ng inis.

Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko pa 'yong Frith na tahimik kaysa sa kaharap ko ngayon na hindi ko maramdaman 'yong sincerity sa boses niya na parang lahat sa kaniya ay nakakatawa.

"What's with you today, Frith? Your acting different," sabi ko sa kaniya habang sumusubo ng pagkain.

Nakita ko naman ang pagtigil niya sa pag-inom ng kape habang nanatili ang malalim niyang titig. Isa sa mga titig na gustong-gusto ko na parang ako lang ang mundo niya at wala ng iba pa.

"I thought its Evan? Why Frith again, huh? Change your mind already?" Sunod-sunod na tanong niya.

Mabilis na nagkasalubong ang mga kilay ko at binigyan siya ng nakakainis na tingin. "It's still early so stop pissing me off, Frith.

"I'm not pissing you off, babe. I am just asking you why did you call me Frith again, tss."

Padarag na nilapag ko 'yong baso na iniinom ko sa mesa at binigyan siya ng tingin. Hindi niya ba nakukuha ang mga sinasabi ko. I wanted to stop what we have right now!

Narealized ko lang lahat 'yon nang dahil sa anak niya. Pero pa'no ko siya mapapanindigan kung hindi nakikisama ang isang 'to!

"Let's stop everything, Frith," panimula ko at nakita ko kung paano umawang ang bibig niya kaya nagpatuloy ako sa pananalita. "Your son.....I don't want to see his smile turning into sad smile because of me. That's why I wanted to stop what we have."

"See this Frith?" Ipinakita ko sa kaniya ang kaliwang kamay ko upang pareho naming matignan ang wedding ring.

"This will always the reminder that we need to stop. Kailangan nating itigil lahat habang kaya ko pa......habang kaya ko pang manlaban sa sarili kong nararamdaman," pumiyok ang boses ko dahil sa mga huling salitang binitiwan ko.

Parang indirect confession na 'yong ginawa ko.

Wala siyang sinabi pero mabilis lang siyang nagligpit at tumayo.

"Magtratrabaho lang ako," malamig na sabi niya bago ako tuluyang tinalikuran.

Huminga ako ng malalim at kahit mabigat ang loob ay tinapos ko ang aking pagkain bago nagligpit nang matapos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buong araw. Usually kase si Frith ang lagi kong kinukulit kapag tapos na 'yong trabaho niya.

Affair across the sky  (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin