Chapter 10

12 1 0
                                    

CHAPTER 10

 

Solaria Pov

Dumating ang araw na hindi na ako sa mansiyon titira kundi sa safe house na sinasabi ni Tristan na pagmamay-ari ni Frith. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa lugar na ito.

Nilibot ko ang buong paningin sa paligid pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Hinayaan ko 'yong mga helper ni Frith ang siyang magbaba upang dalhin ang mga maleta ko sa loob ng mansiyon.

Bahagya pa akong napapikit nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Aaminin ko kahit na may agam-agam ako sa desisyon ni Tristan ay bigla akong nakaramdam ng kapayapaan lalo na't ng makita kong dagat ang nakapaligid sa lugar na 'to.

Napangiti ako ng maliit at kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay ang pagtama ng mga paningin namin. Seryoso siyang nakatitig sa akin na tila pa kanina pa niya akong pinagmamasdan.

Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. What the hell are you doing to me!?

"Soercia....." umiwas ako ng tingin sa kaniya at humarap kay Tristan na nanatiling nakaupo sa sasakyan.

Binaba niya lamang ang salamin upang makausap ako. Bahagya akong lumapit pa ng konti para makausap ko siya ng maayos.

"Sigurado ka na ba sa----"

"Stop questioning my decision, Soercia. Paulit-ulit na lang natin 'tong pinagtatalunan."

Tinikom ko na lamang ang aking bibig para hindi na kami mag-away pa. Alam ko naman na para sa kaligtasan ko ang iniisip niya pero may pakiramdam akong mali lahat ng 'to. Hindi ko alam kung bakit.

"Frith will accompany you here and make you safe. See you soon," sinenyasan niya akong yumuko kaya mabilis na lumapit ako sa kaniya at bahagya niyang hinawakan ang batok ko upang mahalikan ang aking noo.

"Mag-iingat ka," mahinahon ngunit puno ng pagmamahal na bulong ko sa kaniya.

Inilayo niya ang mukha ko sa kaniya bago marahan hinaplos ng kabila niyang kamay ang pisngi ko habang ang isa ay nanatiling nakalagay sa batok ko.

"Mahal kita," para akong namingi ng marinig ko ang mga salitang 'yon na lumabas sa bibig niya.

Nangilid ang mga luha ko dahil kay tagal kong hinintay na sabihin niya ulit ang mga salitang 'yon sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "mahal rin kita. Mahal na mahal,"

Tipid siyang ngumiti sa akin bago sinenyasan akong lumayo na. Nagtanguan naman sila ni Frith hanggang sa unti-unting sumarado ang salamin ng sasakyan at unti-unting umalis 'yong kotse.

Nanatiling nakatanaw ako sa sasakyan niyang papalayo ngunit hindi naman mapatid ang ngiti sa aking mga labi. Ramdam ko ang saya na idinulot ng salitang 'yon mula sa kaniya.

"Let's go, maam," wala sa sariling napatango ako at sumunod na lamang kay Frith.

Dahan-dahan lamang ang paglalakad ko kahit medyo sumasakit pa ang bandang tiyan ko dahil hindi pa naman ito tuluyang gumagaling.

Nang makapasok kami sa mansiyon ay tama nga ako ng hinala. Simple lamang ang disenyo at talagang typical na Island house. Kahit yata walang aircon ay okay lang dahil napakapresco ng buong paligid.

Umakyat kami sa hagdan at pumasok sa isang kwarto. Nilibot ko ang paningin  roon at doon ko nakita ang mga maleta ko. Mukhang dito ang magiging kwarto ko.

“This will be your room. Habang ‘yong kwarto ko ay nasa tabi lang nito kaya kung may kailangan ka ay alam mo kung saan ako hahanapin.” Sabi niya habang nakahawak sa hamba ng pinto.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now