Chapter 19

9 0 0
                                    

Solaria Pov

"Husband?" Gulat na tanong ko bago inilipat ang tingin kay Evan na nag-iiwas ng tingin sa akin.

Tumingin si Talie kay Evan bago hinawakan ang braso, "she deserve to know the truth, babe," bahagya pang pinisil ni Talie 'yong braso ni Evan pero 'yong titig ay inilipat sa akin.

Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagdududa? Bakit kailangang ganito 'yong mangyari!?

"I don't need to know the truth. Isa lang 'yong gusto kong itanong sa'yo Mr. Fajardo," pinunasan ko ang luha ko habang nakahawak sa hamba ng pinto para suportahan ang tuhod ko. Tumingin ako kay Evan na walang emosyong nakatitig sa akin.

Inalala ko lahat ng mga masasayang ginawa namin pero agad nakaramdam ng kirot nang mapagtantong lahat ng 'yon ay parte ng plano niya. Kaya pala ang isang Mr. Fajardo ay kayang makipag-talik sa ibang babae para lang sa plano niya. Pero bakit? Ano bang ginawa ni dad sa kanila para humantong sila sa ganitong aksiyon?

Alam kaya ni Tristan lahat? Pati ba 'yong asawa ko ay nakipag-sabwatan sa kanila para maipaghiganti niya ang pagkamatay ng anak namin?

"Minahal mo ba ako?" Diretsong tanong ko na agad nakapagpalaki sa mga mata ni Talie at bahagyang pag-awang ng bibig ni Evan.

Sabihin mo lang na minahal at mahal mo ako ay kaya kong tanggapin lahat ng ginawa mo. Kaya kong kalimutan na planado lahat basta't sabihin mo lang na hindi man totoo lahat pero atleast 'yong ipinaramdam mo sa akin kahit 'yon lang ang totoo ay masaya na ako.

"Minahal mo naman ako 'di ba? Kaya kong kalimutan lahat basta sabihin mo lang na mahal mo ako at hindi lang parte ng paghihiganti niyo 'yong nangyari sa ating dala-------"

"Oh my god!" sigaw ni Talie at kita ko kung paano siya nagmartsa papunta sa akin at binigyan ako ng sampal.

Galit na napahawak ako sa pisngi at nang tumingin sa kaniya ay may kung anong guilt akong naramdaman nang makitang pati siya ay lumuluha na rin.

"Pa'no mo nagagawang sabihin 'yan sa harapan ko?" pumiyok ang boses niya habang umiiyak sa harapan ko. "Ms. Lopez, may asawa ka at may pamilya siya! Bakit mo hinayaang may mangyari sa in----"

"DAHIL MAHAL KO SIYA AT AKALA KO GANUN RIN ANG NARARAMDAMAN NIYA PARA SA'KIN!" umiiyak na sigaw ko at wala ng paki-alam kahit may makarinig na iba sa mga sasabihin ko.

"MAHAL!? KAHIT KAILAN HINDI KA MAMAHALIN NG ASAWA KO DAHIL AKO ANG MAHAL NIYA! ALAM MO KUNG ANONG TAWAG SA'YO? KABIT! ISA KANG MALANDING PUT-----"

Biglang dumapo sa pisngi niya ang kamay ko. Nakita ko kung paano kumilos si Evan at bahagyang hinawakan sa braso si Talie at inilagay sa likod nito na parang prinoprotektahan laban sa akin.

"OO! NAGING KABIT AKO PERO KASE....." bahagyang humina ang boses ko habang nakatingin na kay Evan, "k-kase akala ko mahal mo rin ako, e. Akala ko okay tayo.....nangako ka kase, Evan. N-nangako ka na hindi mo ako sasaktan. P-pero bakit naman ganun," umiiyak na napatakip ako sa bibig ko habang humihinga ng malalim.

"I'm sorry......" unang salita pa lang niya ay parang mas nadudurog ang puso ko.

"Sorry?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Planado ba lahat? Lahat ng nangyari sa'tin, planado ba lahat?"

Nang tumango siya ay tuluyan na akong napahagulgol sa harapan nilang dalawa. Gusto kong malaman kung bakit pero pagod na ako. Pagod na pagod na naman ako.

"T-talie," umiiyak na tawag ko sa kaniya at nang makitang humakbang siya sa gilid ni Evan ay mas lalo akong naiyak. Alam ko naman na sa umpisa pa lang ay hindi siya sa akin dahil may pamilya siya.

Affair across the sky  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora