Chapter 12

9 0 0
                                    

Solaria Pov

Kinabukasan ay nagising ako na maginhawa ang pakiramdam. Naalala ko 'yong mga pinag-usapan namin ni Frith kagabi. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil lahat nang nangyari kagabi ay sariwa pa rin sa utak ko.

"You want me to be happy? Then bear with it," ngiting sabi ko dahil mukhang makikita niya 'yong Solaria na malaya hindi 'yong Solaria na puno ng problema.

Naghilamos muna ako bago ko napagdesisyunang bumaba. Napansin ko kaagad si Frith na nakablack pants and white shirt na fitted sa kaniya. Hinanda ko na agad ang ngiti ko bago naglakad patungo sa kaniya.

"Goodmorning handsome," masiglang bati ko.

"What...the...hell...?" usal niya na parang gulat na gulat at bahagyang nagtataka dahil sa sinabi ko.

Napahagikgik ako dahil sa expression na ipinakita niya. "Sabi ko magandang umaga pogi," tinaas ko pa ang dalawa kong kilay bago ngumisi sa kaniya.

"Mukhang gutom ka na." Umiling-iling siya sa akin ngunit bakas ang pagpipigil niya ng ngiti, "let's eat."

Umupo na ako sa upuan at hinayaan siyang lagyan ako ng pagkain sa plato ko. Natakam ako sa pagkain dahil lahat ay paborito ko! Isa sa mga hinahangaan ko kay Frith ay ang pagiging observant niya!

"Anong gagawin mo ngayong araw?" Kaswal na tanong niya.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nagsalita. "Gusto kong magdrawing, Evan. Kaya doon muna ako sa cottage ulit para magrelax dahil alam kong magtratrabaho ka kaya ayokong maging istorbo," tuloy-tuloy na sabi ko.

"Alright. Just tell me if you need anything like....uhm drawing materials?"

Umiling ako bago ko pinunasan ang labi ko. "May dala-dala akong mga gamit para riyan. 'Yong painting materials lamang ang hindi ko nadala."

Ilang minuto ay natapos na ako sa pagkain. Nagpaalam ako sa kaniya na kukunin ko ang mga gagamitin ko para sa pagguhit na gagawin ko. Mabilis rin akong bumaba at nakita si Evan na nagliligpit ng pinagkainan namin.

Bago ako dumiretso sa labas ay tumigil muna ako at ngumisi sa kaniya bago siya tinawag. "Psst....Evan.."

Bumaling siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. "What?"

"Anong pinakapangit na hayop?"

Binigyan niya ako ng nakakalitong tingin kaya hindi ko mapigilang hindi mapahagikgik at mayakap ang drawing materials na nasa mga braso ko.

"Dali na! Hulaan mo lang!"

"Alright...." nanatili siyang nakatitig sa akin ngunit alam kong naglalakbay na ang isip niya sa tanong ko. "Crocodile, I guess?"

"Mali!" sabi ko, "alam mo ang pinakapangit na hayop ay......." napabungisngis na ako dahil sa isasagot ko sa kaniya.

"Edi....cow...." napahagalpak ako ng tawa dahil sa sariling biro. Mabilis na tumakbo ako palabas ngunit rinig ko ang sinabi niya na mas lalo nakapagpatawa sa akin.

"Really woman? Really...."

Masaya kong inayos ang drawing materials sa tabi ko bago ako nagsimula sa pagguhit. Hinayaan ko lamang ang sarili kong malunod sa kung ano ang nais ipinta ng aking mga kamay. Hanggang sa minuto ay inabot ako ng oras sa pag-guhit.

Napangiti ako ng makita ang resulta ng aking pagguhit. It was a star, moon, cloud with the sea and under nito ay dalawang taong magkaharap habang may mga ngiti sa kanilang mga labi.

Evan was right. The cloud, star, moon, and the sea will witness everything.

"That's beautiful," baritong boses ni Evan ang siyang narinig ko mula sa gilid ko.

"Look at this!" Masaya kong ipinakita sa kaniya ang drawing ko. Pumunta siya sa harapan ko habang pinagmamasdan ang drawing.

"Who are these people?" tanong niya dahilan para maramdaman ko ang pagpula ng magkabilang pisngi ko.

Damn. Dapat pala hindi ganiyang ka-intimate 'yong ginuhit ko. Mukha kase magjowa 'yong naguhit ko at saka ko lang naalala na hindi pala kami ganun ni Frith.

Trabaho niya lang pala ako.

"Uhm...."

"It was me and you, right?" may kung ano sa boses niya ang nakapagpatango sa akin. Hindi ko magawang tumitig sa kaniya dahil nahihiya ako.

"Hey, look at me."

Naging malikot ang aking mga mata dahil shit hindi ko talaga kayang tignan siya sa ngayon!

Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang baba ko at iginaya patingala upang magtama ang aming paningin. "Please, tell me na ikaw at ako 'to.....gusto kong manggaling mismo sa bibig mo,"

"Yes...ikaw at ako ang ginuhit ko,"

Nanatili kaming magkatitigan hanggang sa dumako ang titig niya sa labi ko. No way! Hindi pwede Solaria! Get a hold of yourself! May asawa ka at mayroon din siya!

Hindi mo pwedeng gawin ang bagay na 'yan! Unti-unting bumababa ang kaniyang mukha hanggang sa dali-dali akong tumayo at wala sa sariling naghubad ng padjama at jacket. Naiwan lamang ang black bra and underwear ko.

"Hmm...." rinig kong usal ni Evan kaya dali-dali akong pumunta sa dagat at lumusong.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil posibleng maghalikan na naman kami. Tumigil ako nang hanggang leeg na ang tubig at marahang humarap at sumulyap kay Evan na seryosong nakatitig sa akin.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa at kita ko ang iba't ibang emosyong meron sa mga mata niya na alam kong pareho ng nakikita niya sa mga mata ko.

Oh God please....

Halos manlamig ako nang makita ko kung paano hinubad ni Evan ang damit niya pati ang pantalon niya. Natira lamang ang isang black jercey na short bago unti-unting lumulusong sa dagat.

"No...please....don't.." bulong ko sa sarili nang makitang palapit na siya ng palapit.

Nakagat ko ang labi ko nang isang dipa na lang ang layo niya sa akin bago siya tumigil.

"I am willing to risk everything," bulong niya dahilan para mapailing ako.

"No, don't. Hindi mo alam ang sinasabi mo, Evan. Mali lahat ng 'to, maling-mali," mahinang sabi ko.

"Do I look like I care?"

"Damn it Evan! Please....."

"Please what, hmm?"

Hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko. Nalilito ako sa dapat na gawin. Alam kong mali pero gustong gusto kong gawin.

"Kapag ginawa natin ang bagay na 'to hindi na natin maibabalik, Evan. So please, tumigil na tayo habang wala pa tayong nauumpisahan. Hmm?"

"Fuck everything......just fuck it!" Kasabay ng pagmumura niya ay ang paglapit niya sa akin bago hinawakan ang baywang ko at batok bago ako mapusok na hinalikan.

Bahagya niyang kinagat ang labi ko dahilan para mapasinghap ako at maipasok niya ang bagay na 'yon. Wala na akong nagawa kundi tugunin ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin.

Tumigil siya sa paghalik habang pareho kaming naghahabol ng hininga, "ikaw ang bagay na hindi ko pinangarap pero pakiramdam ko tama lang na ibinigay sa akin."

Namungay ang mga mata ko dahil sa sinabi niya bago pumikit, "ikaw rin ang bagay na pinangarap ko na kahit mali ay ibinigay sa akin."

That day we risked everything in that sea. Nothing happened between us but the kisses, hugs and quality time we spent that day are enough for us to eased the emotions we are feeling with each other.

People might not see what's happening right now but there are some things who witness our affair that day. How we drowned ourselves with our lips and hugs.

They are just there silently watching us and reminding us how beautiful yet painful to love a wrong person.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now