Chapter 16

9 0 0
                                    

Solaria Pov

Magmula nung araw na ikinuwento ko kay Frith lahat ng nangyari at ginawa ni dad sa akin ay mas lalo siyang naging busy sa trabaho. Bihira na lang kaming mag-usap kahit nasa iisang bahay lang kami.

Pero sa t'wing gabi ay lagi akong nagigising sa t'wing tatabi siya sa’kin at yayakapin bago niya ako paulit-ulit na hinahalikan sa noo.

Kapag ganun 'yong ginagawa niya ay naluluha ako dahil despite sa bilis ng mga pangyayari sa buhay namin ay nararamdaman ko pa rin na mahalaga ako sa kaniya. Alam mo 'yong feeling na kahit hindi man namin sinasabi 'yong totoong nararamdaman namin sa isa't isa ay kuntento kami pareho.

"Hey....." mabilis akong napatingin kay Evan na naka-squat na sa harapan ko ngayon.

Narito kase ako sa sala at nanood ng movie para lang malibang ako at mawala saglit 'yong mga iniisip ko. Si Evan naman ay busy sa trabaho at kung sino-sino 'yong mga kinakausap galing sa agency nila kaya medyo nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na siya.

"Bakit?"

"Okay ka lang?" Marahang tanong niya habang nakapatong ang isang kamay sa tuhod ko.

Tumango ako at bahagyang binigyan siya ng isang tipid na ngiti. "Yes, I'm okay. Busy?" tanong ko.

Hinalikan niya muna ang tuhod ko bago siya umupo sa tabi ko kaya bahagya kong iniharap ang katawan ko sa kaniya.

"Pupunta rito 'yong team ko para tanungin ka about sa case, my little one. Malapit na raw sila," Pinisil niya ang kamay ko nang maramdaman niya siguro 'yong tensiyon na namayani sa katawan ko.

"I want you to trust them and don't worry if you are not comfortable talking with my men, I'll let you talk with my wi---I mean talk with the woman we have in our team."

"Thank you, Evan," seryosong sabi ko dahil pakiramdam ko ginagawa niya lahat ng 'to para mabigyan ako ng hustisya. "Thank you for doing this. Thank you for doing everything just to give me the justice that I deserve. But can you promise me one thing?"

"What is it?"

"Don't include my name as one of his victims. Alam kong marami siyang ginahasang mga babae at gusto kong hindi maisama 'yong pangalan ko kapag naging headline na 'to at nahuli siya. Ayokong mag-alala 'yong mga magulang ko," ngumiti ako ng tipid at bahagyang tumango sa kaniya, "sending him to jail is enough for me."

Kita ko kung paano nawala ang emosyon sa mga mata niya na siyang ipinagtaka ko. "Sending him to jail is not enough, Solaria. All his victims suffered and some were........committed suicide because of trauma," bahagyang humigpit ang pagkakapisil niya sa kamay ko dahilan para mapadaing ako.

"Evan, n-nasasaktan ako," sabi ko at bahagya naman niyang binitiwan ang kamay ko at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry.....I was just pissed," hinalikan niya ang kamay ko bago siya nagpaalam upang magtrabaho ulit.

Tama naman siya, e. Ang isang rapist kailanman ay walang kapatawaran. Hindi lang nito kinuha 'yong pagkababae namin kundi pati buhay namin ay sinira. Tama si Evan na minsan sa sobrang takot at sakit ay kinikitil nila ang kanilang sariling buhay.

Maswerte na lamang siguro ako na kahit sobrang hirap nung mga panahon na 'yon ay mas pinili kong mabuhay at magpatuloy sa buhay. Kailangang mabigyan ng hustisya lahat ng kasalanang ginawa niya.

Ilang munuto lamang ay narinig ko na 'yong boses ng mga taong mukhang kateam ni Evan. Mula sa hagdan ay bumaba si Evan upang salubungin sila. Tumayo naman na ako at hinintay na lamang silang makarating sa sala.

Sabay-sabay na naglakad 'yong apat na lalaki kasama si Evan bago tumigil sa harapan ko. Pare-pareho silang nakawhite shirt at may logo ng agency nila.

"Goodmorning ma'am," sabay nilang bati.

Binigyan ko naman sila ng tipid na ngiti at bahagyang inilahad ang kamay ko. "Just call me Solaria and thank you for coming here,"

Sumulyap 'yong isang lalaki kay Evan bago isa-isa nilang kinamayan ang kamay ko. "Evan already told me the reason why you were all here and I am willing to cooperate for the case,"

Kumunot ang noo ko nang sabay-sabay nilang lingunin si Evan na tahimik lamang na nakikinig at nakatitig sa akin. Weird.

"Hi!" Isang boses ng babae ang siyang narinig ko mula sa likuran nila.

Umawang ang bibig ko nang makita ang isang napakagandang babae. Maliit pero maganda dahil siguro sa t'wing nangingiti siya ay nawawala 'yong mga mata niya.

"Hello...." alanganing bati ko.

Mabilis na lumapit siya sa'kin bago kinuha ang kamay ko at pinisil ito.

"I'm Talie and ako 'yong magtatanong sa'yo about what happened. My hus----I mean Mr. Frith told me that you are comfortable with women, right?"

Sumulyap ako kay Evan na hindi ko alam kung sa'kin ba nakatingin o sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Tipid akong tumango sa babae dahil parang bigla akong nawalan ng gana.

Pumalakpak bigla si Talie dahilan para sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. "Okay boys leave us alone. Magtrabaho na muna kayo para mapakulong na natin 'yong hayop na lalaking 'yon,"

"Tss....so bossy," bulong nung isang lalaki at nauna ng tumalikod.

Sumulyap ako kay Evan na pasimpleng tinanguan si Talie. Napatingin naman ako kay Talie na nakangiti na sa akin ngayon. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa ngiti niyang 'yon o baka naman naninibago lang ako.

Tinalikuran na rin kami ni Evan ng hindi man lang ako tinitignan. Kung sabagay baka mamaya maweirduhan 'yong mga kateam niya at mabuko pa kami.

"Maupo na tayo?" Tumango na ako at umupo na ulit sa sofa.

Si Talie naman ay kinuha ang recorder at inilapag sa maliit na table sa harapan namin. Kumuha rin siya ng papel at ballpen mula sa backpack na dala-dala niya.

"Pwede ka ng mag-umpisa,"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang ilahad lahat ng pangyayari nung gabing 'yon. Minsan sa t'wing napapatigil ako ay nginingitian lang ako ni Talie at pinipisil ang kamay ko bago ako sinasabihan na kaya ko.

Laking pasasalamat ko dahil sa presensiya niya ay naikwento ko lahat ng hindi umiiyak o nagbre-break down. She seems nice and warmth.

Kinuha na niya 'yong recorder bago pinatay. Inayos niya 'yong mga gamit bago siya tumayo.

"Thank you for cooperating miss Lopez. Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong 'yong pagconfessed mo about sa nangyari sa'yo. Huwag kang mag-alala knowing Frith he will do everything just to make that person rot in jail or even in hell,"

Napangiti ako dahil sa tinuran niya.

"Thank you for being nice and considerate while I am telling my story,"

"Di mo sure," biglang sabi niya na sinabayan pa niya ng halakhak. "Oh come on, I am enjoying this job. But anyways, good luck and don't worry tomorrow you will receive an early gift from us," sinabayan niya pa 'yon ng kindat bago siya umalis at pumunta sa opisina ni Frith.

Umiling na lamang ako bago bumuntong hininga, "she's weird, tss."

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now