Chapter 3

20 1 0
                                    

CHAPTER 3

Solaria Pov

"Why do I need to have a bodyguard, Tristan?" marahang tanong ko ng umakyat kami sa kwarto habang iniwan naman namin ang parents niya at si Frith sa hardin upang mag-kape.

"Do I really need to explain that?" Kumunot ang noo niya habang nagbibihis ng pang-opisina.

Umupo ako sa kama at marahang nakatitig sa kaniya. "Okay lang ako sa bodyguard na nasa malayo. Pero 'yong 24/7 na nakabantay sa'kin tapos lagi ko pang makakasama ay hindi ako komportable," bakas ang pagtutol sa boses ko.

Tumigil si Tristan sa pag-aayos ng necktie niya bago humarap sa akin ng nakapamaywang. "Bakit hindi ka komportable? May binabalak ka na naman ba?"

"For pete sake Tristan! Paulit-ulit na lang 'yang pang-aakusa mo sa akin! Kung may binabalak akong umalis edi sana umalis na ako nung una pa lang na dumapo ang mga kamay mo sa'kin!" Huli na ng mapagtanto ko ang lahat ng aking mga sinabi.

Pero kahit na ganun ay hindi ko pa rin ma-i-alis ang konting iritasyon sa desisyon niya na magkaroon ako ng personal bodyguard. Pero mukhang wala naman na akong magagawa dahil kilala ko ang asawa ko. Once he settled his mind no one, not even me, will going to change his decision.

"You shut up, Soercia. I hired your personal bodyguard to protect you from------"

"You?" sarkastikong putol sa sinasabi niya.

Wala pang ilang segundo ay nakalapit na siya sakin bago niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso at pwersahang itinayo sa harapan niya.

Kita ko ang pag-tiim ng bagang niya tanda ng namumuong galit dahil sa pagsagot-sagot ko sa kaniya.

"Huwag mong inuubos ang pasensiya ko, Soercia....." bantang sabi niya at hindi ko mapigilang hindi malukot ang mukha dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Tristan......nasasaktan ako,"

"Talagang masasaktan ka kung patuloy mong kwekwestiyonin lahat ng mga desisyon ko!" sigaw niya dahilan para mapayuko ako.

Ramdam ko ang pagkabog sa dibdib ko dahil alam ko na ang mangyayari. Baka masampal niya ulit ako at ayokong mangyari 'yon dahil may pasa at medyo namamaga pa ang isang pisngi ko. Kaya kahit labag man sa loob ko ay yumuko ako at pumikit.

"I'm sorry....."

Ilang segundo pa bago niya pinakawalan ang braso ko bago ako tinalikuran upang maayos na ang kaniyang damit. Nahaplos ko ang braso ko bago ngumiwi ng maramdamang kumikirot ito. Mukhang kailangan ko ng cold compress para hindi na gaanong mamaga.

Tahimik na umupo ako sa kama at hinintay na matapos siya sa pag-aayos. Gustuhin ko mang gawin na ako ang mag-aayos sa kaniya ay hindi ko na ginawa pa. Dahil gaya nga ng sabi ko sadyang maraming ng nagbago at mahirap ng ibalik 'yong dati.

Kahit na sinasaktan ka ng taong mahal mo ay darating pa rin talaga sa point na may paki-alam ka pa rin sa kaniya. 'Yong feeling na kahit anong galit, sakit, lungkot at inis ay nandoon pa rin 'yong kagustuhan mong sana bumalik siya sa dati.

Minsan iniisip ko kung mahal niya pa rin kaya ako. Gustuhin ko mang itanong sa kaniya 'yon ay 'di ko naman nagagawa dahil natatakot ako sa maari niyang isagot.

"Let's go," tahimik na lamang akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa hardin.

Naabutan naming nagtatawanan sila mommy at daddy habang si Frith ay tipid lamang ang ngiti. Agad nawala ang ngiting 'yon nang tumama ang tingin niya sa akin.

Napakurap-kurap ako bago nag-iwas at tingin at dumiretso sa upuan na katabi ng asawa ko kaya magkaharap kaming dalawa ni Frith.

"Mukhang hindi mo na kailangang mag-alala para sa kaligtasan ng asawa mo, iho. Dahil si Frith mismo ang magbabantay sa kaniya."

Tumango-tango naman ang asawa ko bago ako inakbayan at bahagyang pinisil ang braso ko. Mukhang hindi niya alam na halos namamaga na ang braso ko kaya hindi ko maitago ang ngiwi sa mukha ko dahil sa pagpisil neto.

"Of course, dad. I wouldn't hire their agency if I'm not sure that they cannot protect my wife,"

Napatingin ako kay Frith ngunit pagtataka lamang ang nakita ko sa mga mata niya habang nakatitig sa braso ko. Mabilis na umayos ako ng upo at pati expression ng mukha ko ay inayos ko na rin dahil mukhang napansin niya 'yong pag-ngiwi ko kanina.

Damn. Mukhang kailangan kong galingan sa pagme-make up para 'di niya mapansin 'yong mga pasa ko sa t'wing kasama ko siya.

"Am I right Mr. Frith?" seryosong tumingin si Frith sa asawa ko bago tipid na tumango.

"Yes, and you don't have to worry about her safety because I am going to protect her as much as I can,"

Napakurap-kurap ako dahil sa mga tinuran niya. Hindi ko alam kung bakit nakuntento ako sa sinabi niya at kung bakit palagay ang loob ko sa kaniya. Marahil dahil 'yong company nila ay ang pinaka-main purpose is to protect women's safety that’s why the reason why am I feeling this kind of assurance with his presence.

Tahimik na humihigop na lamang ako ng kape habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.

"What's the name of your wife again, iho?"

Natigil ako sa pagsimsim ng aking kape dahil sa tanong ni mommy.

"Natalie Fajardo," tipid na sagot ni Frith.

"Natalie? As in Natalie Laurence Capili?" gulat na tanong ni mommy.

Tumingin naman ako kay Frith na bahagyang may pagtataka dahil sa ipinakitang gulat ni mommy. Isang sulyap ang binigay niya sa asawa ko pero nang makitang nakatingin ako ay ngumiti siya sa akin bago tumikhim.

"Nice name, huh. And also I heard you have a son?"

Son? So it means may anak na siya, huh.

"Yes, ma'am. A four year old boy," bakas ang saya sa tono ng boses niya dahilan para mapayuko ako at nagpatuloy na lamang sa pag-inom ng kape.

"Wow! Buti pa kayo meron na kase 'tong mga anak ko wala pa rin. Yon nga lang ang hinihiling namin ng daddy niya which is bigyan ako ng apo ulit para naman meron kaming inaalagaan kaso wala pa rin. Masyadong mahina ang anak ko," tuloy-tuloy na sabi ni mommy habang dismayadong nakatitig sa aming dalawa.

Yeah right. They already forget  what happened a year ago.

"Stop it, mom." Walang emosyong sabi ni Tristan bago tumayo at nakipagkamay kay Frith.

"Bukas ka na mag-uumpisa sa trabaho mo," tumango lamang si Frith sa kaniya bago ako binalingan ni Tristan. Kusa na akong tumayo at siya naman ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis.

"Ang aga namang umalis ng anak, ko. Tsk," iling na sabi ni mommy.

Nakatingin lamang ako sa bulto ng papalayo niyang katawan. Naiiyak na naman ako shit. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Alisin man niya ang emosyong meron sa mga mata niya ay alam kong sa likod nun ay siya pa rin ang asawa kong minahal ko ng lubos.

Kaya kahit masakit na manatili sa tabi niya ay kinakaya ko at pinipili kong manatili dahil 'yong pagmamahal na meron ako sa kaniya ay ang pagmamahal na ipinangako ko sa kaniya.

Patawad mahal......

Affair across the sky  (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن