Chapter 11

13 0 0
                                    

Solaria Pov

Matapos kong pakalmahin ang aking sarili ay nagdesisyon na akong bumaba upang kumain ng gabihan. Tahimik lamang ang buong mansiyon dahil sa palagay ko na kaming dalawa lamang ni Frith ang mananatili rito.

Pagkababa ko ay nakita ko siya na seryosong naghahain ng pagkain sa lamesa. Hindi gaanong malaki 'yong dining room kumbaga sakto lang sa limang miyembro ng isang pamilya.

Ayaw ko mang kumain na sana kaso nanghihinayang ako sa niluto niya. At saka kahit papaano ay meron munting boses na bumubulong sa akin na gusto ko siyang makasabay sa pagkain at matikman ang luto niya sa unang pagkakataon.

Nakita ko ang saglit niyang pagsulyap sa akin ngunit agad ring umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy at umupo sa upuan.

"Uhm.....anong ulam?" mahinang tanong ko dahil feeling ko hindi siya magsasalita hangga't 'di rin ako magsasalita.

"Sinigang na hipon. Gusto mo ba 'yon?"

Napakagat ako sa labi ko bago tahimik na tumango. Pilit kong inaalala sa isipan ko kung nailagay ko ba 'yong mga gamot ko para sa allergy.

And yes, I am allergic to any seafood but I didn't want to voice it out to him coz I don't want to disappoint him.

Umupo na siya sa harapan ko bago kinuha ang kanin at nilagyan ang plato ko. Pagkatapos ay kumuha naman siya ng maliit na mangkok at nilagyan ng ulam at sabaw.

Tahimik naman akong nakatitig sa kaniya at may konting ngiti sa labi dahil sa bawat kilos na ginagawa niya. Ang sarap pala sa feeling na may nag-aalaga ulit sa'kin ng gan'to. Ngunit agad ring napawi dahil alam kong mali ito.

Lahat ng nangyayari at nararamdaman ko ay mali. Alam kong mahal ko si Tristan pero bakit ganito ang nararamdaman ko kay Frith? Siguro dahil nangungulila ako sa aruga na dapat 'yong asawa ko ang nagpaparamdam sa akin.

"Kumain ka na,''

Tumango na lamang ako at kinuha ang kutsara bago humigop ng sabaw. Bahala na kung anong mangyari.

"Wow....ang sarap naman ng sinigang na niluto mo," gulat na sabi ko dahil totoo talagang masarap.

Lahat ng klaseng sinigang ay natikman ko but it was my first time trying sinigang na hipon. Kakaiba 'yong lasa.

"Thanks,"

Dahil sa sarap ay hindi ko namalayan na halos maubos ko na 'yong mangkok! Kaya pala nararamdaman ko na 'yong pangangatal ng labi ko at pangangati ng balat ko.

Shit...mamaya ka na sana umatake!

Napatingin ako kay Frith na tahimik na kumakain. Upang malibang ako at medyo kumalma ay napagdesisyunan ko na lamang na magsalita.

"Frith Evan Fajardo is your full name, right?" Halos hingalin pa ako sa tanong kong 'yon.

"Solaria Soercia Afante is your full name too, right?" Balik na tanong niya sa akin instead na siya ang sumagot.

Nanatili naman kaming magkatitigan habang hinihintay ang bawat isa na sagutin ang mga tanong.

"Yes and no. Because it was Solaria Soercia Afante-Lopez," sagot ko habang direktang nakatitig sa mga mata niya.

Akmang magsasalita siya ng biglang kong kinamot ang mga braso ko. Kita ko ang unti-unting pagpula neto kaya mabilis na binaba ko ang kamay ko bago tinaasan ng kilay si Frith.

"Evan....." usal ko dahilan para agad na bumaling ang titig niya sa akin.

"Evan?"

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now