Chapter 5

15 1 0
                                    

CHAPTER 5

Solaria Pov

Everything went back to normal, I guess. I became used with the presence of Frith because it's been two weeks since he started guarding me.

Si Tristan lang talaga 'yong feeling kong nagbabago. Lagi siyang late kung umuwi at kung minsan pa ay lagi na lang mainit ang ulo niya. Mas lumala siya ngayon at 'yon ang hindi ko alam kung bakit.

Gustuhin ko man siyang tanungin ay hindi ko na ginagawa pa dahil baka ako pa ang mapagbuntungan niya ng inis niya. Kakagaling lang ng pasa ko sa mukha at braso at hindi ko na gugustuhin pang magkaroon ulit.

"Water?" tanong ko kay Frith habang nagsasalin ako ng tubig sa baso.

Nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko habang ako ay umiinom na dahil nauhaw ako sa ginawa namin. Huwag niyang sabihing hindi siya nauuhaw sa ginawa namin kanina.

"I know your thirsty. Hindi mo na kailangang mahiya dahil normal lang naman mauhaw pagkatapos mo akong samahan sa pagja-jogging," habang nagsasalin ng tubig sa isa pang baso.

Hapon na ng maisipan kong magjogging paikot sa village ng mansion. Siguro dahil nakakarelax 'yong bawat pagdampi ng hangin sa katawan mo samahan mo pa 'yong katahimikan sa buong paligid.

Ibinalik ko ang pitsel sa ref bago kinuha 'yong baso at inilagay sa counter na nasa harapan niya.

"Go drink,"

"I'm not thirsty, ma'am," seryosong sabi niya na hindi man lang gumagalaw sa pwesto niya. Nanatili lamang siyang nakatayo na parang robot.

Tss...mabuti na lang sanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko.

"Yes, you are," bahagya kong nginuso ang dibdib niya na medyo mabilis ang paghinga tanda ng matinding hingal dahil sa pagtakbo namin.

Naglakad ako palabas ng counter upang malapitan siya. Tahimik naman siyang gumilid na akala'y aalis na ako. Tumigil ako sa harapan niya at dahil hanggang balikat niya lamang ako ay nakatingala ako sa kaniya dahilan para kunot-noo siyang bahagyang yumuko upang masilip ako.

"Nauuhaw ka,"

"Hindi po,"

"Huwag mo kong lokohin......" wala sa sariling hinawakan at tinusok ko ang lalamunin niya at biglang natigilan ng maramdaman ko ang adams apple niya dahil sa paglunok neto. Tumikhim ako bago siya binalingan ulit ng tingin, "panay ang paglunok mo kaya alam kong nauuhaw ka. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka umiinom ng tubig. Ayokong bigla ka na lang mahimatay diyan dahil sa dehydration. Sino na lang ang magbabantay sa akin?"

Lumayo ako ng konti sa kaniya hanggang sa tumama ang likuran ko sa counter. Nanatili naman siyang nakatitig sa mga mata kong nanghahamon sa kaniya.

Tila napugto ang hininga ko nang lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko hanggang sa naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa kaliwang tainga ko habang may kinukuha mula sa likuran ko.

Ilang beses akong napalunok dahil tila nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa lapit niya sa akin. Nanatili kami sa ganoong posisyon habang siya ay inuubos niya 'yong laman ng baso.

Ramdam ko 'yong kabog ng dibdib ko dahil sa lapit ng mga katawan namin. Narinig kong binaba niya ang baso sa counter bago humarap sa akin at tinitigan ang mukha ko.

Nanatiling naka-awang ng kaunti ang bunganga ko dahil 'tila kinakapos ako ng hininga dahil sa lalaking 'to! Siguro kung expressive siya ay kanina niya pa ako pinagtawanan dahil sa hitsura ko ngayon sa harapan niya. Parang nauuhaw-----

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now