Chapter 21

5 0 0
                                    

Solaria Pov

"T-tristan.....let me explain," umiiyak na sabi ko ngunit hindi man lang siya nagsasalita at may balak pa atang tapusin 'yong video.

Bigla akong nakaramdam ng panibugho kay Evan. How dare him! Oo naiintindihan ko na planado lahat pero wala siyang karapatan na ivideo 'yong bagay na 'yon without my consent!

"Tristan.....hindi ko------" kasabay ng pagbato niya sa cellphone ay ang paghawak niya ng mahigpit sa braso ko bago ako sinampal ng pagkalakas-lakas.

Sa sobrang lakas ay parang namingi ang kanang tainga ko dahil sa pwersa na 'yon. Napahawak ako sa pisngi ko habang unti-unting bumibilis 'yong tibok ng puso ko dahil sa takot.

"How....fucking....dare.....you...." seryoso ngunit bakas ang galit sa boses niya.

Nang mag-angat ako ng tingin ay halos kilabutan ako sa lamig at galit na nakikita ko sa mga mata niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag nalaman niya 'yong totoo.

"Tristan...I'm sorr-----" mabilis niya akong hinila at halos kaladkarin para lang makapasok kami sa kwarto namin dahil tiyak na magigising 'yong mga kasambahay dahil sa namumuong tensiyon sa pagitan namin.

Napadaing ako ng malakas na tinulak niya ako at tumama ang likod ko sa matigas na bagay sa gilid ng kama. Napahawak ako sa likod ko ngunit hindi pa man ako nakakamove-on sa sakit na 'yon ay panibagong sampal ang naabot ko bago ako pwersahang ulit itinayo.

Ramdam ko na ang pamamantal ng pisngi ko dahil halos suntok ang kapareho ng ibinibigay niya sa akin.

"Putang-ina Soercia! Hindi ko alam na ang landi-landi mo pala! Paano mo nagawang kumabit!?" Niyugyog niya ako habang nakahawak ng mahigpit sa magkabilang braso ko, "Ano masarap ba!? Putang*na ang kati-kati mo! May asawa kang tao tapos nagpagalaw ka sa iba!?"

"Magpapaliwanag ak-----" halos mawalan ako ng malay nang bigla niya akong sinuntok sa tiyan.

"Sino 'yong kalaguyo mo!? Sino!?" Tinikom ko ang bibig ko habang umiiyak na tumingin sa kaniya at nagmamakaawang itigil niya na pero mukhang malabo dahil kitang kita ko 'yong sakit, poot, galit at kabiguan sa mukha niya.

"Minahal kita Soercia! Oo sinaktan kita ng pisikal dahil sa galit ko nung pinili mong patayin ang anak natin pero ngayon putang*na baka ikaw pa ang mapatay ko!" Halos tila wala na akong marinig sa sinabi niya dahil sa paulit-ulit na sampal at pagsuntok sa sikmura na ginagawa niya. "Dalawa kayo ng kabit mo ang papatayin ko kung sakali! Kaya sabihin mo na kung sino 'yong lalaki! SINO 'YONG GAGONG KASAMA MO SA VIDEO!?"

"T-tama n-na......" nanghihinang pakiusap ko habang nakahiga na sa sahig at nakatagilid habang sapo-sapo 'yong tiyan.

Bigla na naman akong tinayo ni Tristan at halos mapasinghap ako nang pwersahan niyang pinunit 'yong dress na suot ko dahilan para lumantad sa harapan niya 'yong katawan ko.

"Eto gusto mo 'di ba!? Sige!" Umiiyak na tinulak ko siya nang unti-unti niyang hinahalikan ang hubad kong katawan.

"Putang*na Soercia hindi na ako magtataka kung bakit pati daddy ko ay nilapastangan ka dahil makati ka! MAKATI KA AT MALANDI!" galit na galit na sigaw niyang 'yon at hindi ko akalain na kaya niya akong pagsalitaan ng mga ganung bagay.

Bigla na lang nag-flashback sa'kin 'yong araw na binaboy ako nung daddy niya. Lahat ng takot at sakit ay bumalik ngunit hindi na dahil sa daddy niya kundi dahil na sa kaniya.

"W-wag....please Tristan maawa ka!" Humahagulgol kong sabi nang maihiga na niya ako sa kama at pinatungan bago hayok na hinahalikan ang katawan ko.

"Huwag kang magpanggap na parang hindi mo gusto! 'Di ba gusto mong may gumagalaw sa'yo? Baka naman mamaya ginusto mo rin 'yong ginawa ni dad sa'yo!" Sigaw niya ngunit umiling-iling ako sa kaniya hanggang sa mas lalong magiging mapusok 'yong ginagawa niya.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now