Chapter 15

7 0 0
                                    

Solaria Pov

"Hindi ka ba natatakot?" mahinang tanong ko habang nakahiga kaming dalawa sa kama at tanging kumot lamang ang siyang nakatakip sa mga hubad naming katawan.

It feels good to be intimate with someone without feeling the trauma that I have when that person raped me. Hindi naman ako 'yong ibang mga biktima na natatakot na ulit mahawakan ng isang lalaki which is very understandable dahil sobrang hirap nun. Na sa t'wing hahaplusin ka ay maaalala mo 'yong bawat haplos ng lalaking lumapastangan sa'yo.

In my case, mas hinahanap-hanap ko 'yong pagiging intimate sa asawa ko dati. Siguro dahil sa t'wing nagniniig kami ng asawa ko ay roon ko nakakalimutan na minsan sa buhay ko ay may isang lalaking humawak at umangkin sa akin ng hindi ko ginusto.

"As long as you stay with me, I will never get scared," hinalikan niya ang noo ko bago mas niyakap ang baywang ko, "what I am scared is, you leaving and runing away from me."

Napangiti na lang ako at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg niya. Makati na kung makati pero wala, e, tao lang rin ako nagmamagal at marupok.

"Hanggang nandito tayo sa lugar na 'to ay malaya nating magagawa lahat ng mga bagay na gusto natin. I will always make you happy, my little one,"

"And I will always chose to stay with you, my Evan."

Natawa siya ng panandalian hanggang sa namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin. But this time 'yong katahimikan na meron sa'min eto 'yong katahimikan na kailangan naming dalawa.

Alam kong walang kasiguraduhan sa kung anong meron sa amin. Sa gan'tong set up alam kong mapakaraming consequences 'yong kakaharapin namin but as long as he will choose to be with me, I will always be here with him.

Bigla akong napangiti ng marinig ko 'yong pag-hum niya ng kanta. Pamilyar 'yong kanta hanggang sa napangiti ako ng bigla niyang kinanta ang mga lyrics na siyang nagpakabog sa aking puso.

I will always love you

 

I will stay here with you

 

There's no one who love you like I do

 

Come to me now...

"And I will always chose you," bulong ko hanggang sa dahil masyado kaming naging emosyonal at nagpakasarap ay pareho kaming nakatulog.

Nagising ako dahil sa pagriring ng telepono sa side table. Hinalikan ko muna sa baba si Evan bago marahang inabot ang telepono at sinagot 'yong tawag.

"Hell----"

''How are you my daughter in law?"

Bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang boses ni dad. Sumulyap muna ako kay Evan bago marahang lumabas ng balcony.

"What do you need?" Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit at sakit na unti-unting bumabalik sa akin.

"Convince my son to stop Frith from investigating. He won't listen to me,"

Napatawa ako bago bumuntong hininga, "kung sa'yo ngang ama ay hindi siya nakinig sa akin pa kaya. At saka bakit niya ititigil? Ayaw mo bang malaman kung sino ang nagtangka sa buhay ng anak m------wait.....liban na lamang na alam mo umpisa pa lang kung sino ang bumaril sa akin!?" Halos pasigaw na sabi ko dahil sa realisasyon na aking napagtanto.

Bakit hindi ko naisip na may posibilidad na may kinalaman si dad sa lahat? He is a manipulative and abusive husband and father to his family! Damn it. Hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin si mom sa tabi nito despite sa lahat ng pananakit ni dad sa kaniya!

"Shut up! Kapag hindi mo nakumbinsi ang asawa mo alam mo ang pwedeng mangyari, Solaria. Baka nakakalimutan mo na minsan sa buhay mo ay natikman ka ng isa-----" sa sobrang poot ay mabilis na hinagis ko ang cellphone sa pader at roon sumigaw ng pagkalakas-lakas.

"Paano ko makakalimutan ang gabing sumira sa buhay ko at sa relasyon namin ng asawa ko!?" Umiiyak na sigaw ko habang unti-unting napapa-upo sa sahig. "Paano ko makakalimutan na dahil sa'yo nawala sa'kin ang a-anak k-ko,"

Tuluyan na akong napahagulgol dahil bigla na lamang nagsidatingan lahat ng mga ala-alang pilit ko ng ibinaon sa limot.

Hanggang sa isang braso ang humawak sa balikat ko pero dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagsisigaw na ako at pinagtutulaktulakan ang mga kamay na 'yon.

"Huwag mo akong hahawakan! Please, tama na! Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang unti-unting nagsusumiksik sa gilid.

"Hey....ako 'to, calm down----"

"No....." umiiyak na umiling ako habang mahigpit na hinawakan ko ang tuhod ko at yumuko para roon umiyak ng umiyak. "Tama na, please.....ayoko na.....b-binaboy mo ako," basag na basag ang boses ko sa pagkakasabi ko na 'yon.

Umiiyak pa rin ako pero ramdam kong nawala na 'yong mga brasong pilit akong inilalapit sa katawan niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil na rin siguro sa malakas na hangin sa buong paligid.

Habang umiiyak ay bigla na lamang akong umangat at doon ko nakita ang walang emosyon na si Frith. Maingat niya akong binaba sa kama habang siya ay paikot-ikot na parang hindi mapakali.

"E-evan......" pumiyok ang boses ko habang patuloy siyang pinagmamasdan.

"S-sino......." halos rinig ko ang pagkabasag ng boses niyang 'yon, "s-sino 'yong taong bumaboy sa'yo?"

After hearing that question I break down again. Hagulgol na parang naghahanap ng kakampi and during those months I was alone dealing with my trauma.

Mahirap kase wala kang mapagsabihan na ibang tao. Mahirap mag-speak up dahil minsan kahit wala ka pa ngang sinasabi ay hinuhusgahan ka na agad nila. And hearing those question from Evan, it makes me feel like finally someone already knew what I had been through during this past few months.

"E-evan...... Evan.....binaboy niya ako," sumbong ko na parang bata hanggang sa nakita ko kung pa'no niya dinampot ang lampshade at galit na inihagis sa pader.

"Putang*na!" Sigaw niya hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin.

Umiyak ako ng umiyak kahit sobrang sakit na ng mata ko. Ramdam ko 'yong sakit pero may konting ginhawa dahil sa wakas ay hindi na lang ako nag-iisa.

"Who did that to you?" Galit na tanong niya habang sapo-sapo ang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha ko.

"M-my husband's........" kita ko ang pag-igting ng panga niya at long pagdilim ng paningin, "f-father....."

Sunod-sunod ang pagmumura niya hanggang sa kinuha niya ang phone sa bulsa ng short niya habang ako ay nakayakap na sa kaniya ng mahigpit.

"Yes.....I will make sure he will rot in jail," seryosong sabi niya sa kausap habang patuloy na hinahaplos ng isang kamay niya ang buhok ko.

I know everything will be alright. Mapagbabayaran na ni dad lahat ng kasalanang ginawa niya pati na rin sa ibang tao. Alam ko na hindi lang ako ang nabiktima niya dahil minsan na rin siyang nadulas sa harapan ko kung pa'no niya ginagawa 'yong sa ibang tao.

Finally.....I will be able to give justice for myself. I am thankful that Frith will be there for me but at some point I am scared.

Coz the moment I hold his hand is also the moment he let go of mine.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now