Chapter 18

6 0 0
                                    

Solaria Pov

Pagkarating ko ng kwarto ay agad akong humiga sa kama habang patuloy sa pagtangis. Masaya ako na makukulong na si dad pero at the same time ay may takot akong nararamdaman lalo na't sa nakikita kong mga aksiyon ni Evan kapag may kasama kami.

Gustuhin ko mang tawagan si Tristan pata kumustahin siya ay hindi ko pa magawa. Kailangan ko munang ayusin 'yong sarili ko dahil ayokong pati asawa ko ay malaman niya na isa rin ako sa mga biktima ng tatay niya.

Hindi ko na kayang mas lalong pandirian 'yong sarili ko dahil dalawang lalaki na 'yong nakatikim nito maliban sa kaniya. 'Yong daddy niya na bumaboy sa akin at si Evan na hinayaan kong makuha ako.

Pinunsan ko 'yong luha ko at hinayaang italukbong 'yong kumot sa buong katawan ko at dito umiyak ng tahimik.

Kung magiging hayop man ako ay gusto kong maging isang pagong siguro dahil na rin pwede akong magtago sa t'wing nasasaktan o umiiyak ako. 'Yong feeling na hindi ko na kailangang lumayo pa para itago 'yong sarili ko.

Tahimik na lumuluha ako nang narinig kong bumukas 'yong pintuan. Alam ko naman na si Evan 'yon kaya mabilis na inalis ko 'yong kumot sa buong katawan ko bago ko siya sinulyapan.

Pinunasan ko 'yong luha ko bago ngumiti sa kaniya, "salamat, Evan,'' sinserong sabi ko ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa'kin ng seryoso.

Ilang minuto lang ay bigla siyang bumuntong hininga bago malambot na tumitig sa'kin, "okay ka lang?"

Bigla kong naramdaman 'yong bigat ng mga salitang 'yon. Umiling ako bago tinakpan ng mga kamay ang aking mukha at roon umiyak ng pagkalakas lakas.

'Yong hagulgol na pinaghalong sakit, lungkot, galit at saya sa lahat ng nangyayari. Ilang sandali lang ay binalot niya ako sa kaniyang mga bisig.

Mas lalo akong napahagulgol sa kaniyang dibdib habang siya'y paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko.

"Makukulong na siya, Evan. Sa wakas matatapos na rin lahat ng 'to. At hindi na rin ako magtataka kung mas pipiliin mo ring tapusin 'yong kung anong meron tayo," humigpit lamang ang yakap niya sa'kin at hindi na nagsalita pa.

The moment na nabasa ko 'yong balita ay naisip ko na maraming magbabago at lahat ay babalik na sa dati. May posibilidad na tapusin na namin 'yong kung anong meron kami ni Evan at bumalik sa dati naming buhay. Siya sa mag-ina niya habang ako ay sa asawa ko.

"Aalis ako bukas, my little one. Kailangan namin asikasuhin 'yong kaso para mabilis siyang mahatulan," sabi niya.

"This will be the end of us, right?" pigil ang hikbing bulong ko sa kaniya, "salamat dahil naramdaman ko ulit kung paano maalagaan ng maayos at magmahal ng panibago. You will be my little dirty secret, Evan."

Narinig ko naman 'yong tawa niya dahil sa sinabi ko. "Huwag mo munang isipin 'yong bagay na 'yan. Kailangan muna natin tapusin 'yong kaso ng father in law mo at para hindi na rin siya makalaya pa."

"Pero Evan....." bahagya akong kumalas sa kaniya at sinapo ang magkabilang pisngi niya, "hindi ka naman nagsisinungaling sa akin hindi ba? Ayoko kase 'yong ganun at lalo na 'yong pinagmumukha akong tanga,"

Nanatili kaming magkatitigan hanggang siya na 'yong umiwas ng tingin bago ako kinabig at hinalikan sa noo. "Hindi ko kayang gawin 'yon sa'yo. Lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko ay lahat ng 'yon ay totoo. Isa lang 'yong gusto kong lagi mong tandaan. Kahit anong marinig o malaman mo gusto kong magtiwala ka sa'kin at isipin mo na lahat ng nangyari sa'tin ay ginusto ko rin," mahabang litanya niya.

Ngumiti naman ako bago siya hinalikan sa baba at niyakap ng mahigpit. "Let stay like this for a while. I wanted to hug you like this," niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit dahil medyo nangigigil na rin ako.

Affair across the sky  (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant