Chapter 4

14 1 0
                                    

CHAPTER 4

Solaria Pov

Kinabukasan ay hindi ko na nadatnan si Tristan sa kwarto namin. Nang tinanong ko sila manang Fe ay maaga raw itong umalis dahil may emergency meeting.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain ng agahan. Napakatahimik ng buong mansiyon kaya kahit gustuhin ko mang pumasyal ay kailangan ko pang mag-paalam kay Trsitan.

Minsan ay pinapayagan niya ako pero dapat ay kasama ko siya. Kaya imbes na mag-enjoy ako ay napipilitan na lamang ako dahil ayoko namang magalit lalo sa akin si Tristan.

"Good morning ma'am," mabilis na nabaling ang tingin ko kay Frith na nakatayo na sa gilid ko.

Naka-uniporme siya ng kulay black na damit na hapit na hapit sa katawan niya. Nakablack pants and black boots. Hindi na rin ako nagulat kung pati mga kasambahay namin ay tulalang napatitig sa kaniya.

Samahan mo pa ng pagsusuot niya ng salamin na talagang bumagay sa kaniya. Buti na lang talaga may asawa ako at mahal ko dahil kung hindi baka pati ako ay ma-attract sa bodyguard na 'to.

Mabuti na lang talaga hindi niya ako naaalala dahil kung hindi baka hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kaniya. Pero kung sabagay ay hindi naman required na mag-usap kami kase ang trabaho niya lang naman ay bantayan ako.

"Ma ang sakit ng puson ko!" Sigaw ko habang namimilipit sa sakit.

Mabilis na lumapit sa akin si mama at bahagyang hinaplos ang puson ko.

"Meron ka ba?"

Tumango naman ako bago dumiretso sa sofa at naupo. "May napkin pa po ba tayo ma? Ubos na kase 'yong nasa kuwarto ko."

Umiling si mama bago nilagyan ng hot compress ang tiyan ko. "Bumili ka na lang kila aling Lourdes."

Dahil nakakaligo na ako ay napagpasyahan ko ng tumayo para makabili ng napkin sa tindahan. Nilagay ko muna sa gilid 'yong hot compress para hindi ko na hanapin pa mamaya.

"Saan ka pupunta ate?" tanong ng bunso kong kapatid na lalaki habang nakikipaglaro ng basketball sa daan ng madaanan ko siya.

"May bibilhin lang," kunot noong sabi ko dahil sumasakit pa rin talaga 'yong puson ko.

Iba talaga ang kalbaryo ng mga babae sa t'wing may dalaw. Parang gusto ko na lang humilata buong araw at huwag ng bumangon sa sobrang sakit ng puson.

"Sungit naman ng ate mo," rinig kong bulong ng mga kalaro niya pero hindi ko na pinansin dahil baka mabatukan ko lang sila lalo na pati kapatid ko.

Nang makarating ako sa tindahan nila aling Lourdes ay lumingon-lingon muna ako sa paligid bago nakahinga ng maluwag ng makitang walang tao. Hindi ko alam pero nahihiya akong bumili ng napkin sa tindahan kaya minsan inu-utos ko pa sa kapatid ko na todo naman ang padabog dahil bakit siya raw ang bibili e hindi naman siya ang gagamit.

"Pabili nga po," mahinang sabi ko habang patingin-tingin sa gilid.

"Pabili po," malakas na sabi ko.

"Sandali lang!" sigaw naman ni aling Lourdes.

Ilang sandali pa ay nakita kong nabubuksan na 'yong pinto kaya mabilis  na nagsalita ako. "Pabili nga po ng pad----" natigil ako sa pagsasalita nang makitang hindi si aling Lourdes ang pumasok kundi isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.

"Yes?" matikas na sabi niya. Napalunok ako na tila hindi ko matuloy-tuloy 'yong sasabihin ko.

Teka sino kaya 'to!?

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now