Chapter 17

6 0 0
                                    

Solaria Pov

Ilang oras rin silang nanatili lamang sa opisina ni Evan hanggang sa isa-isa na silang nagsilabasan at nagsibabaan sa sala. Kumunot ang noo ko nang makitang nahuhuling maglakad sila Talie at Evan. Nang may sinabi si Talie ay bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Evan.

Biglang pumait ang pakiramdam ko at bahagyang yumuko na lamang at pinanatili ang paningin sa pinapanood. Close ba sila? Nanatiling magkasalubong ang kilay ko dahil sa samu't saring tanong na siyang naiisip ko.

Nagseselos ako!

Hindi ko sila sinulyapan dahil ayokong maisip nila na wala ako sa mood. Siguro isa ito sa mga consequences ng relasyon namin ni Evan. Na kahit nagseselos na ako't lahat-lahat ay hindi ko pa rin pwedeng ipakita dahil wala akong karapatan! Dahil sa umpisa pa lang ay alam kong hindi siya sa akin!

"Dude, nagugutom na kami baka naman pwede ka ng magluto," biro nung James habang dumiretso sa kusina at binuksan ang ref.

"Tss,"

"Napaka mo talaga James! Ako na ang magluluto at pagod 'yong boss natin!" sabi ni Talie bago dumiretso na sa kusina.

"Hey....." bosed ni Evan ang narinig ko dahilan para mag-angat ako ng tingin.

Tinapik naman muna siya nung isang lalaki bago tumungo na rin sa kusina. Binigyan ko siya ng ngiti upang hindi niya mahalata 'yong tunay na nararamdaman ko.

"Are you hungry?"

"No,"

Umiwas ako ng tingin at dinirekta na lamang 'yong titig sa pinapanood. Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung kumusta 'yong naging usapan namin ni Talie?

"Do we have problem?" alanganing tanong niya.

"Do we?" mahinang bulong ko sa kaniya.

"If you are not oka-----"

"Boss! Come here and taste this!" Sigaw ni Talie mula sa kusina.

Rinig ko ang tawanan nila mula sa kusina. Mukhang close na close talaga silang lahat, huh.

Ilang minuto lang ay akala ko hindi siya susunod sa kusina pero napansin ko na umalis na siya sa harapan ko at dumiretso na roon. Bakit ba ganito 'yong nararamdaman ko sa t'wing magkasama sila? Damn paano pa kaya kapag asawa niya na 'yong nakikita kong kasama niya!?

I feel alone, again. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay mas lalong nagiging iba 'yong pakiramdam ko. Siguro dahil sa pagod sa ginawa kong pagkuwekuwento kay Talie tungkol sa nangyari sa akin.

Nang wala na akong maintindihan sa pinapanood ko ay nagdecide ako na patayin na lang ito at umalis sa sala. Sumulyap ako sa bandang kusina at halos lumubog 'yong puso ko nang makitang sinusubuan ni Talie si Evan ng kung anong nasa kutsara.

Umiwas na lang ako ng tingin at umalis na para dumiretso sa kwarto. Umupo ako sa kama bago ipinatong ang baba sa tuhod ko.

This is where I truly belong, in this room where no one can hurt me. This place is a witness that after everything that had happened I can still be happy and content.

This place knew my affair....

Napangiti ako ng mapait pero hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako. Dahil sa nagseselos ako? Pero hindi ako mapakali at paulit-ulit na nagrerecall sa'kin 'yong mga nakita ko kanina.

Natatakot ako na baka kaya niya ring gawin 'yong bagay na ginagawa namin sa asawa niya. Na naghanap siya ng iba at posibleng maghanap rin siya ng iba habang magkasama kami.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now