Chapter 6

12 1 0
                                    

CHAPTER 6

Solaria Pov

Nagising ako na puro puti lamang ang aking nakikita. Bahagya kong pinikit-pikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ng luminaw ang aking paningin.

Hospital?

Kumunot ang noo ko dahil 'tila ngayon pa lang nagsisink-in sa utak ko 'yong mga nangyari nang matapos kaming magdinner. Napahawak ako sa bandang tiyan ko bago bahagyang diniinan hanggang sa napadaing ako dahil sa kirot na naramdaman ko.

"Stop touching your wound. You got shot, ma'am," boses mula sa gilid ko dahilan para mapatingin ako roon.

Nakita ko si Frith na kasalukyang nakatayo habang nakapamulsang nakatingin sa akin. Ganoon pa rin ang suot niya kaya alam kong hindi ako ganoon katagal nawalan ng malay.

"I-I got shot?" bahagyang utal na tanong ko at hindi ko maintindihan 'yong takot na naramdaman ko.

"Yes, ma'am,"

"B-but how.....wala akong maalalang may naka-away ako!" bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa pagkataranta.

Napahawak ako sa noo ko bago paulit-ulit ang pagsinghap. Kahit kailan ay wala akong minaltratong tao!

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong kasama ko si Tristan. "Where's my husband!?" agarang tanong ko kay Frith.

"He was safe, ma'am." Lumakas palapit sa akin si Frith bago huminto at umupo sa upuan ng kama. "Seems like you're not the target of that sniper, huh."

"S-sniper?" Napahawak ako bibig ko dahil sa mga naririnig kong salita sa kaniya. "Oh my god! Oh my god!"

"I'm sorry," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga mata niyang namumungay dahil sa hindi ko malamang emosyon.

"Why are you saying sorry? Hindi naman ikaw 'yong bumaril sa---"

"I didn’t protected you enough that's why you got shot" parang nawala 'yong Frith na tahimik, seryoso, at puro walang emosyon ang mata. Dahil isang Frith na parang maamong tupa 'yong nasa harapan ko ngayon!

"Hey, don't be bad at yourself. Hindi natin inaasahan na mangyayari ang bagay na 'yon. But right now I just wanted to know the reason why I got shot..."

"The question is....." ilang segundo kaming nagtititigan ni Frith nang ipinagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin. "Are you really the target?"

Kasabay nun ay sabay kaming napabaling sa pintuan at iniluwa non si Tristan na dali-daling lumapit sa akin. Sinapo niya ang mukha ko habang may nag-aalalang tingin.

"Are you okay?" tanong niya pero hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako.

This is the Tristan that I love years ago....this is my husband....

"I'm not...." mahinang usal ko habang nakatitig sa mukha niya.

Tumitig siya ng malambot sa akin hanggang sa nakita ko kung paano nangilid ang luha sa mga mata niya. Umupo siya sa kama hanggang sa bigla niya akong kinabig bago ibinaon ang mukha sa dibdib niya.

"I'm sorry....I thought I'm going to lose you," mahina ngunit garagal na sabi niya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko bago ko marahang iniyakap ang mga braso sa baywang niya. Ramdam ko naman ang paulit-ulit na paghaplos niya sa buhok ko at paghalik sa tuktok ng ulo ko.

Hanggang sa narinig ko 'yong pagbukas at pagsarado ng pinto pero hindi ko na pinansin pa dahil ang tanging nasa isip ko ay ang mainit na katawan ng aking asawa na kasalukuyang nakayapos sa akin.

Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha dahil sa kinikilos niya ngayon. Parang blessing in disguise pa ata 'yong pagkakabaril ko dahil kahit papaano ay nalaman at naramdaman ko na may paki-alam pa rin pala siya sa akin.

Inihiwalay niya ako sa kaniya bago marahang pinunasan ang luha ko. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya na puno nang pangungulila at panibagong luha na naman ang kumawala sa aking mga mata.

Pero hindi mawala sa'kin 'yong mga nangyari this past few years...how he changed....Siguro gan'to ang nangyayari kapag muntik ka ng mamatay. You'll end up questioning everything that had happened to you.

"Stop crying,"

"W-why?" Puno ng pagtatanong ko sa kaniya. Bahagya kong hinawakan ang laylayan ng damit niya at marahang hinila-hila ito. "Bakit kailangan mo akong saktan ng ganoon?"

Narealize ko na sobrang ikli lang pala ng buhay. Kaya dapat make the most of it but in my case kailangan kong maliwanagan sa lahat.

Tanging hikbi ko lamang ang naririnig sa buong kuwarto. Nanatili lang naman siyang nakatitig sa akin habang paulit-ulit ako sa pagpunas ng aking mga luha. Ramdam ko ang kirot sa tiyan ko pero hindi ko na iniintindi pa dahil ito na ang pagkakataon para malaman ko kung bakit nag-iba ang turing niya sa akin.

Akala ko maiintindihan niya ang pagkawala ng anak namin na aksidente ang lahat pero alam kong sa’kin ay hindi aksidente ang nangyari. Sinabi ko lamang na aksidente dahil ayoko ng mas lalo pang lumalim ang pag-uusap namin tungkol sa bagay na ‘yon.

"W-why can you just answer me?"

"You want answer?" biglang naging malamig ang boses niya pero 'yong poot at sakit ay nababakas ko sa mga mata niya.

"I saw you......I fuckin' saw you that night!" Unti-unting umawang ang labi ko dahil sa tinuran niya.

"No....no...." umiling-iling ako sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha. Biglang nanumbalik lahat ng ala-alang pilit ko ng binaon.

"How can I forget that night!?" bahagyang sigaw niya dahilan para matulak-tulak ko siya.

"Stop! Stop! Don't you dare-----"

"Tell me how can I forget that night when you decided to kill our child!?"

Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa biglang pagsigaw niyang 'yon. Jusko ko bakit gan'to!? Bakit ang sakit-sakit pa rin!? So nakita niya pala lahat! Kaya pala ganoon na lang ang pananakit na ginagawa niya sa akin!

"You killed our child, Soercia!" Tumalikod siya sa akin bago malakas na sinuntok 'yong pader at sinandal ang noo roon. "My baby.....how could you...."

"Wala kang alam!" Umiiyak na sigaw ko  at bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong hinawakan ni Tristan ang balikat ko at niyugyog ito.

"Tell me why!?" kita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya. Gusto kong magsumbong! Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat pero natatakot ako! "A-anak natin 'yon Soercia! Bakit.....bakit napakadali lang sa'yong patayin siya!?

"T-tristan......" umiiyak na usal ko habang marahang dumapo ang aking mga kamay sa pisngi niya, "isa lang ang kaya kong sagutin na tanong sa'yo, mahal. L-lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Umiling sa'kin si Tristan na parang dismayado sa sinabi ko, "bakit......" huminga ng  malalim si Tristan bago tumitig sa akin, "bakit mo kailangang patayin ang anak natin?"

Kasabay ng masakit na tanong niya ay ang pagbukas ng pinto. Sabay kaming bumaling kay Frith na bahagya nang nakatulala sa amin.

Hinawi ni Tristan ang kamay ko bago tumayo at pinunasan ang luha niya.

"Protect her," 'yon na lamang ang sinabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Mabilis na nahiga ako sa kama at doon umiyak ng umiyak. Walang paki-alam kahit na nandun si Frith. Ang sakit-sakit na malamang kailangan kong manahimik. Kahit gusto kong magsumbong ay hindi pwede.

Ayoko na ulit mawalan ng mahal sa buhay. Tama na 'yong isa....Tama na...

Baby.....patawarin mo si mommy. Patawad anak dahil sa pagiging mahina ni mommy ay ikaw ang naging kapalit.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now