Chapter 7

14 1 0
                                    

Solaria Pov

 

TRIGGER WARNING

(Flashback one year ago)

 

 

"See you later, hon," sabay halik sa labi ko bago siya tuluyang umalis.

Nagha-hum ako patungo sa kusina upang kumain. Napangiti ako ng matamis nang makita ang mga favorite kong pagkain na niluto ni Tristan.

"Hayyys...Tristan, kaya mahal na mahal kita, e," ngiting sabi ko bago tuluyang umupo at nag-umpisa ng kumain.

Ilang minuto lamang ay tapos na akong kumain. Bahagya pa akong napadighay at napahaplos sa tiyan dahil feeling ko nasobrahan ako sa pagkain kaya busog na busog ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag si Tristan.

"Hi hon!" Nakangiting bati ko dahil ilang minuto pa lang ang lumipas ay tumatawag na agad siya. "You do realize na ilang minuto pa lang nung nakakaalis ka? Miss na miss, hon."

Narinig ko ang baritonong pagtawa niya dahilan para kiligin ako. Sinong mag-aakala na papakasalan niya ang isang simpleng babaeng katulad ko.

"Of course, I miss my baby," napanguso ako at bahagyang kinakagat ang labi upang pigilan ang pagtili dahil parang may kung anong paru-paru na nagsisiliparan sa aking tiyan.

"I miss you too," bulong na sabi ko bago tumayo upang makapasok sa kwarto. Narinig ko naman na nagliligpit na sila manang Fe sa pinagkainan ko kaya okay na matulog muna ako.

Mas gusto ko ng sa kwarto kiligin at tumili dahil soundproof kaya hindi nakakahiyang sumigaw.

Napahikab ako nang mahiga ako sa kama habang nanatiling nakalagay ang cellphone sa tainga. "Are you sleepy again?"

"Hmm..." napahikab ulit ako at pinikit ang mga mata, "I feel tired and sleepy all of a sudden, hon."

Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Alright, I won't disturb you already. I will just call you later."

"Alright. I love you, hon."

 

"And I love you more,"

With that I sleep with a smile on my face. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog hanggang sa naramdaman ko na parang may mga matang nakatitig sa akin.

Sa pag-aakalang si Tristan 'yon ay nakangiti akong tumagilid ng higa bago nagmulat ng mga mata, "hi honey-----dad?"

Gulat akong napabangon dahil instead na asawa ko ang bumungad sa akin ay si daddy ang nakita kong nakaupo sa gilid ng kama at bahagyang nakatunghay sa akin.

Mabilis na umupo ako sa kama at medyo umusog paatras.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" bakas ang kalituhan sa aking boses dahil first time niyang pumasok sa kwarto naming mag-asawa.

May kailangan kaya siya?

"Iha......." bahagya akong napaigtad dahil sa kilabot na hatid sa akin ng pagbanggit niya sa pangalan ko.

"Sa baba na lang po tayo mag-usap dad. Baka dumating na rin po si Tristan," mabilis na umalis ako sa kama at sinuot ang tsinelas bago naglakad papunta sa pinto upang makalabas na.

Akmang pipihitin ko na ang pinto nang maramdaman ko ang paghawak ni dad sa braso ko at bahagyang paghila nito.

"Dad....." takot na sabi ko dahil sa inaakto niya.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now