Chapter 20

8 0 0
                                    

Solaria Pov

Hawak-hawak ni Tristan ang aking kamay habang nagmamaneho pauwi sa mansiyon namin. Tahimik niyang hahalikan ang kamay ko bago pipisilin na parang ina-assure niya na magiging okay ang lahat.

Magiging okay pa nga ba? Lahat ng 'to ay nangyayari dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko kay Frith. Walang ibang sisisihin kung hindi ako lang dahil in the first place ay ginusto ko rin naman 'yong nangyari sa amin.

"Hon.....do you want to go with me in Thailand? Let's have vacation for a while," masuyong sabi niya.

Napatingin naman ako sa kaniya ngunit nanatili ang tingin niya sa daan. Pinagmamasdan ko lamang siya at pilit na hinahanap 'yong pagmamahal na meron ako sa kaniya dahil kung sakaling sapat pa ang pagmamahal na meron ako sa kaniya ay bibigyan ko ng pagkakataon 'yong sarili kong mahalin siya ulit.

Ngunit 'tila lahat ay nawala na at napalitan nun ng kakaibang pakiramdam na meron ako kay Evan. Sa lalaking minahal ko pero niloko rin ako. Sa lalaking ipinaramdam sa'kin kung paano alagaan ulit ngunit siya rin pala 'tong nanakit sa'kin. 'Yong lalaking bumuo sa puso kong winasak ni Tristan ngunit siya ring nang-iwan ng sugat na unti-unting dumudurog sa puso ko.

"How did you found out that your dad also raped me?"

Kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya at bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"I talk to dad and he slipped about what happened a year ago. How you got pregnant and got confused whether I'm the father or not. I'm sorry....hon. I'm sorry for phycally hurting you," bahagya siyang sumulyap sa'kin ngunit agad ring tinuon ang pansin sa harapan, "babawi ako, hon. Please give me last chance to fix our marriage. I love you, I really do."

Tama pa ba na bigyan ko ng huling pagkakataon 'yong pagsasama namin? Sapat pa ba 'yong nararamdaman ko sa kaniya para manindigan sa relasyon namin? Kase sa totoo lang ang tanging gusto ko na lang munang gawin ay magpahinga.

Sobrang drained 'yong pakiramdam ko dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Ang hirap magdecide sa choice na walang kasiguraduhan pero kung iisipin ko kung si Frith nga nagawa kong piliin kahit walang assurance ito pa kayang asawa ko na alam kong may kasiguraduhan akong babalik kami sa dati.

Pero pati kaya 'yong nararamdaman ko sa kaniya ay babalik rin sa dati? Posible naman siguro, dahil minsan ko na rin siyang minahal ng lubos at posibleng bumalik pa rin ito once na nawala si Evan sa sistema ko.

''Okay...." pinisil ko ang kamay niya, "let's fix our marriage,"

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tuluyan ng nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko 'yong malambot na kama sa kwarto namin. Bahagya akong tumalikod at naramdaman ko naman ang katawan ni Tristan at bahagyang pagyakap sa akin.

"Goodnight, hon. I love you," tila nagising 'yong diwa ko dahil nahihirapan na akong makatulog muli.

Rinig ko naman ang mahihinang hilik ni Tristan at paniguradong napagod 'to sa byahe namin. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya bago pinagkatitigan ang kaniyang mukha.

Hinaplos ko ang kaniyang kilay, ilong, pisngi, labi at panga habang pilit na ipinapaalala sa sarili 'yong bawat masasayang araw namin.

Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan siya ng huling pagkakataon para maayos ang relasyon namin.

"I'm sorry, Tristan," bulong ko bago siya masuyong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik sa akin bago hinalikan ang noo ko, "hmm....sleep more, I love you,"

Napangiti ako ng tipid dahil sa antok na bosed niya. I feel at ease but at the same time tired and I know its not a good combination.

Bigla kong naalala si Talie at Evan. Tss, kaya pala parang may something sa kanila 'yon pala sila 'yong mag-asawa. I  thought Evan was different but seems like I as wrong again but this time I hope I am right for the decision that I made which is to give chance to fixed our marriage especially our relationship.

Nagising ako kinabukasan nang may maramdaman akong nakatitig at paulit-ulit na hinahaplos ang aking pisngi. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin 'yong mukha ng asawa ko na gising na pala at kanina pa.

"Good morning," medyo bangag pa ako at hindi pa gaanong nakakapagreact nang mabilisan niyang hinalikan ang labi ko. "Hmm...tamis! Isa pa nga!" ngising sabi niya at akmang hahalikan ulit ako nang iniwas ko ang mukha ko bago binaon ang mukha sa dibdib niya.

"Hindi pa ako nagtotoothbrush!"

Natawa naman siya bago pilit na hinahawakan ang mukha ko, "It doesn't matter, hon. Come on, wag mo namang ipagdamot pati halik mo,''

Hinampas ko ang kaniyang dibdib bago bumangon at tumakbo patungong banyo. Damn kahit kailan talaga si Tristan alam kung paano ako inisin.

Alam ko namang pinapagaan niya lang ang loob ko sa kaniya dahil sa mga kasalanang ginawa niya. Pero hindi ko rin magawang magalit sa kaniya dahil kahit ako sobrang laki ng kasalanang nagawa ko. Na sa sobrang laki ay hindi ko alam kung mapapatawad ba niya ako o hindi.

Kilala ko si Tristan. Alam kong kaya niya ulit akong saktan once nalaman niya ang lahat. Isa si Tristan sa mga lalaking ayaw na ayaw ang pangangaliwa. Dahil ganun siya magmahal na kahit galit siya sa'kin ay hindi niya pa rin ako pinagpalit sa iba.

Ako lang naman 'tong hindi nakuntento sa kaniya at piniling hanapin 'yong mga bagay na hindi na niya maibibigay sa'kin at 'yon ang pag-aalaga at pagmamahal.

Akala ko kase hindi na maayos lahat. Akala ko kase 'yong pagmamahal na meron siya sa'kin ay hindi na sapat para maiparamdam niya 'yong pag-aalagang gustong-gusto kong maramdaman sa kaniya.

Pagkalabas ko ng banyo ay may pagkain na akong nakita sa kama.

"I cooked our breakfast," tumango ako sa kaniya bago umupo sa tabi niya at nagsimula ng kumain.

"How's your mom?"

"She's not okay but she will be fine. Nasa U.S siya at doon muna kasama nila Tita para makalimot sa lahat ng ginawa ni dad sa kaniya,"

"Why did she stay with him in the first place?"

"Because of love, Soercia." Bahagyang lumamig ang boses ni Tristan pero wala akong pakialam dahil gusto kong malaman lahat ng nangyayari. "My mom loves my dad so much. And I also knew my dad love my mom at some point but my father is a jerk and a manipulative bastard......"

Napatango na lang ako at tuluyan ng kumain ng agahan. Hindi ko alam kung ano ang pwede naming gawin sa araw na 'to. Gusto ko na lang matapos lahat at ayokong mag-aksaya ng oras. Gusto kong malaman ang kahihinatnan ng pagsasama ulit namin ni Tristan.

Tristan and I decided to go for our marriage counselling. It was hard because I have to recall everything even those times when he was physically hurting me until the times when I killed my child and also I escaped those little affair with Evan.

Ngayon ko masasabing sa lahat ng araw na nagdaan ngayon lang ako nakaramdam ng kaginhawaan. 'Yong tipong parang nakahinga ako ng maluwang siguro dahil naikwento ko lahat ng nasa isip ko at hinanakit kay Tristan.

Nakita ko rin kung pa'no nakinig at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Kaya umuwi kaming may ngiti sa aming mga labi matapos magdinner date sa isang restaurant.

Sana palagi na lang ganito. Natapos na ‘yong kay dad, pati sa affair namin ni Evan ay tapos na kaya sana itong nangyayari sa'min ni Tristan ay magtuloy-tuloy na. Gusto ko na rin ng tahimik na buhay. Gusto kong umalis kami at magsimula sa panibagong lugar upang mas maging maayos ang pagsasama namin.

Nakangiti kaming pumasok sa bahay hanggang sa bigla kaming napahinto nang tumunog ang phone niya. Mukhang may nagtext.

Nakahawak ako sa braso niya at tila nablanko ako nang makitang isang video ang natanggap niya. Nabitawan ko bigla 'yong bulaklak habang pareho naming pinapanood kung pa'no ako umungol at magpakasarap sa piling ng ibang lalaki.

They say secrets and lies kill relationship. No matter how careful you are, you will get caught.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now