Chapter 13

12 0 0
                                    

Solaria Pov

Two days had passed was like a dream for me. Hindi ko inimagine na magiging ganoon kami ka-intimate ni Evan kahit na walang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Halik, yakap, at kuwentuhan 'yong mga bagay na kahit simple sa ibang tao pero para sa'min napalaking bagay kase parang 'yon 'yong nakaw na sandali na meron kami.

Cheating is not a mistake. 'Yon ang gusto kong ipa-intindi sa ibang tao dahil 'yon ang laging naririnig ko sa kanila. Para sa akin kase cheating is a choice. Hindi lang siya pagkakamali kundi pagkakamali na may pahintulot galing sayo. Just like what's happening to us right now.

Tahimik kong pinapakinggan ang tibok ng puso niya habang pareho kaming nakahiga sa kwarto. Kakagaling lang namin sa dagat at naligo bago namin napagdesisyunan na magpahinga dahil na rin gabi na.

Nagtratrabaho pa rin naman si Evan lalo na't minsan ko ring naririnig siyang kausap si Tristan pero hinayaan ko na lang dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko kapag nakausap ko na ang asawa ko.

"Evan...." bulong ko habang nakasubsob ang mukha sa bandang balikat at leeg niya habang siya ay nakayakap sa akin at patuloy na hinahaplos ang buhok ko.

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong kuwentuhan tungkol sa asawa mo? I mean, alam mo na 'yong kuwento namin ni Tristan kaya gusto ko ring malaman kung paano kayo nagkakilala. Kung paano mo siya m-minahal......" bahagya akong tumigil dahil parang weird sa pakiramdam ng sinabi ko ang bagay na 'yon, "na kung pa'no kayo naging mag-asawa."

Ilang minuto pa ang lumipas ay nanatili siyang tahimik kaya ang akala ko ay hindi na niya sasagutin.

"She's my girlfriend for one year until she got pregnant kaya kahit hindi pa ako handang mag-asawa ay pinakasalan ko na siya dahil ayokong lumaki ang anak ko na hindi buo ang pamilya."

"Do you love her?"

Bumuntong hininga siya bago hinalikan ang aking noo, "of course, my little one. Hindi naman kami magtatagal kung hindi ko siya mahal."

Hindi naman kami magtatagal kung hindi ko siya mahal.

Hindi naman kami magtatagal kung hindi ko siya mahal.

Biglang gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa konting pait na nararamdaman ko. Of course Solaria! Asawa niya 'yon kaya mahal na mahal niya pa rin. What you have right now is just a temporary moment and a mere attraction!

"Hey.....let just stop talking about it, I'm not comfortable talking about my family with you,"

"Okay,"

Namayani ang katahimikan sa amin nang biglang tumunog ang phone niya. Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuluyang bumangon at lumabas ng kuwarto upang kausapin ang anak niya.

"Muntik ko ng makalimutan kung ano nga ba talaga ako sayo," mapait na bulong ko habang nakatitig sa pintong nilabasan niya.

May karapatan ba akong magselos? May karapatan ba akong magtampo? Wala naman hindi ba? Kase simula't sapul alam kong kabit niya lang ako. Hindi ko akalain na darating sa punto ng buhay ko na magiging isa akong kabit.

Gusto kong sisisihin si Tristan sa lahat ng nangyayari. Dahil kung hindi niya ako sinasaktan ay hindi ako mapapagod at maghahanap ng kalinga sa iba. Pero mali pa rin dahil alam kong sarili ko lang ang dapat kong sisihin dahil in the first place ay ginusto ko rin ang bagay na ito.

Ang pagiging kabit ay hindi maiintindihan ng ibang tao dahil hindi naman sila 'yong nasa katayuan ng taong 'yon. Totoo nga 'yong sabi nila na walang maling pag-ibig sadyang maling tao lamang ang nalaanan mo ng pag-ibig na 'yon.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now